FORTY-THREE

44 4 0
                                    

Zac's POV

Lumipas ang dalawang araw matapos ang ginawa kong pag-amin sa lahat ng studyante... hindi kay Zyra. Sa mga nagdaang araw, hindi ko pa siya nakikita. Hindi na siya pumapasok sa English class namin, kaya hindi ko alam kung nasaksihan ba niya ang ginawa ko. Iyon ba ang dahilan kaya ayaw niyang magpakita sa akin.

Nasa may field ako ngayon, inaasahan ko na kasama niya ang barkada niya. But sad to say, she's not here.

"Zac! Angas nang ginawa mo ah? Corny pero bilib na bilib ako!" sabi ni Casper at umakbay sa akin.

"Sobrang effort nun! Paturo naman ng ibang tactics ng pag-amin oh!" ayon naman ni Takuya at dalawa na silang nakaakbay sa akin. Napabuntonghininga tuloy ako.

"Lalim nun ah. May problema ba, Zac?" tanong ni Yong sa akin.

"Sabihin niyo na sa akin kung nasaan si Zyra, please," I directly pleaded them.

"Ano ang ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni Shin.

" Sabihin niyo na kung saan ko siya makikita, kung bakit pinagtataguan niya ako. Nandoon ba siya noong e-present ko 'yon? Nagalit ba siya sa akin?" nalilitong tanong ko sa kanila. Gustong-gusto ko na talaga siyang makita. Pinapakaba talaga ako ng babaeng iyon. Pasalamat siya't mahal ko siya.

"Huh? 'Di na kayo nagkikita?" tanong ni Yong.

"Hindi pa, three days ago na."

"Actually, hindi rin namin nakasama si Boss these past three days," sabat ni Yong.

Nagkatinginan kaming lahat.

"Guys, tumawag si Tita Zeny kanina. Alam ba daw natin kung nasaan si Boss o kasama ba daw natin siya. Hindi niya daw ma-contact, two days ago pa," mabilis na saad ni Casper.

"Shit!" Biglang napatayo si Shin at napahawak sa ulo. Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Anong alam mo, Shin?" tanong ko at napakuyom nang kamao.

"I got a ring yesterday. Ang sabi ng gagong lalaki ay hawak nila si Zee. I thought that it was just a prank! I can't imagine her in a kidnap case! Sa dragon ba naman ng babaeng 'yon," galit na ani ni Shin at bakas sa mukha niya na labis din siyang nag-aalala.

Natahimik silang lahat, tila ang lalim ng iniisip nila. May pilit na inaalala.

"Damn it! No, no way!" sigaw ni Takuya.

"W-What's the matter?" I asked him but they answered me...

"Bullseye!" They shouted in chorus.

"Ano?! Hindi ko kayo maintindihan. Tell me, what the hell is happening?!" I asked again.

"We forgot that fucking underground fight!" Shin hissed.

"What? Fight? Enlightened me!" Mas lalong tumindi ang kaba ko ng marinig ko iyon. So, may kinalaman sa pagka-kidnap kay Zyra ang pagiging gangster nila.

"Remember that day, last sem and you're still in your nerd version, late kaming pumasok at may mga pasa sa mukha? Iyong unang pagkakataon na nagpahatid si Zee sa'yo dahil nasira ang big bike niya," paalala ni Shin.

Naman. Talagang alalang-alala niya. Move on na, 'tol!

"Yeah. What about that day?"

"May nakalaban kami noong araw na iyon. Pilit nila kaming pinapasali sa underground fight," sagot ni Takuya.

"Then? Hindi kayo pumayag?" I asked.

"Yes. Because it's a dangerous fight. It is a matter of life and death. The fight will just end if patay na lahat ang kalaban, bago may tatanghaling panalo." Si Yong naman ang sumagot.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon