SIXTY-THREE

6 1 0
                                    

Her POV

Nagugulohang napatingin ako kay Zac at nakita ko siyang naluluha. Hindi naman ako mangmang upang hindi maintindihan na may gustong ipahiwatig si Myla sa akin kanina.

Hindi ko alam kung bakit biglang nangyayari ang lahat ng ito. Kinakabahan akong malaman ang bagay na maaaring makapagbabago sa takbo ng buhay ko.

"H-Hindi totoong... a-anak ka namin."

Mabilis akong napatingin kay Nay Belen. Waring tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa narinig. Kaya ba ganun ang mga tanong ni Myla kanina?

Paano kung malaman mong kasinungalingan lahat ng alam mo? Na hindi totoo ang buhay na mayroon ka ngayon? Anong gagawin mo... Zyra?

"P-Paano?" nangiginig kong tanong. Hindi sumagot si Nanay, pero lumingon ito kay Tatay Danny na agad  umiwas ng tingin. Waring sinasabi ni Nay Belen na siya lang ang makakasagot sa lahat ng tanong ko.

"T-Tay? T-Totoo ba?"

Bigla siyang napaupo at nagsimulang humagulhol. Agad naman siyang nilapitan ng umiiyak ding asawa nito.

"A-Anak... patawarin mo ako. A-Ayokong magsinungaling sa'yo ngunit iyon lang ang paraan para manatili ka sa amin. Nangungulila kami sa pagmamahal ng isang anak at sa'yo namin iyon natagpuan."

"S-Saan a-ako g-galing?"

"Pumunta ako sa syudad noong nakaraang dalawang taon. May hinatid akong gulay at prutas doon sa isang palengke malapit sa ilog. Bago ko napagpasyahang umuwi, naisipan kong linisin muna ang likod ng truck ma inupahan ko. Pero laking gulat ko ng may babaeng basang-basa at naliligo ng dugo sa ilalim ng trapal. Natakot ako na baka ako ang pagbintangan kaya dali-dali kong dinala dito ang inaakala kong bangkay. Pero pagdating ko, nalaman namin na humihinga ka pa pala habang yakap-yakap mo ang isang kahon ng regalo. Ginamot ka namin hanggang gumising ka na wala ng naaalala. Nakita namin ang isang pangalan sa kahon na hawak mo noon kaya binaliktad namin iyon at sinabing iyon ang pangalan mo... at kami ang mga magulang mo."

Nanginig ang buong katawan ko, tila nawalan ako ng lakas. Unti-unting bumigay ang tuhod ko sa pagkakatayo.

"Zyra!"

Ang inaakala kong matigas na sahig ang sasalo sa katawan ko ay napalitan ng bisig ni Zac. Mabilis siyang nakalapit sa akin at agad napigilan ang pagkakatumba ko.

"S-Sino a-ako k-kung g-ganun?" Kahit sa mahinang boses ay nagawa ko iyong isambit.

"Zyra. Ikaw si Zyra."

Napalingon ako kay Zac. Nakatitig siya sa akin na waring nangungusap ang kanyang tingin.

"K-Kilala mo ako?"

"Oo. Kilalang-kilala kita," sagot niya kasabay ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata.

Nagugulohan ako. WALA AKONG MAINTINDIHAN!! Bakit? BAKIT ITO NANGYAYARI SA AKIN?!

Agad akong napatakbo palabas ng bahay habang nag-uunahan ang pagpatak ng mga luha sa mga mata ko. Narinig ko ang pagtawag nila. Razy kay Myla at sa mga magulang— kinikilalang magulang ko, habang Zyra naman ang sigaw ni Zac.

Gusto kong mapag-isa. Sumakit ang ulo ko sa kakaisip. Nahihirapan akong huminga. Halo-halong emosiyon ang nararamdaman ko ngayon.

"AAAHHH!!!"

Sumigaw ako ng sumigaw habang sinasabunot ang buhok ko. Pinipilit kong makaalala pero wala talaga kahit ni isa. Kaya sumakit lalo ang ulo ko. Parang mabibiyak na sa sobrang sakit. Hanggang sa namalayan kong dumidilim na ang paningin ko.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon