Shin's POV
"Boss, kailan ba kami makakapunta sa inyo?" tanong ni Takuya habang kumakain kami ng lunch.
Nasa mall kami ngayon. Bigla nalang nag-aya itong si Casper. Boring daw sa kanila at nakakasawa na daw ang mukha ng Mommy at Daddy niya. Baliw talaga.
"Oo nga naman Boss. Alam na naman namin ang tinatagong mong lihim na hindi nalang namin uungkatin," sabi naman ni Casper sabay subo ng isang slice ng pizza.
Tinitigan niya kaming apat. Nakatingin din kami pabalik sa kanya. Umaasa ang mga mukha namin. Umiwas naman siya ng tingin at kumain na ulit.
"Pwede mamaya, after nating kumain."
"Ayoooon!!!" sabay apir ng tatlong mokong. Napahinga naman ako ng malalim. Himalang pumayag siya na malaman namin ang bahay nila after those years.
Pagkatapos naming kumain ay diretsong parking lot na nga kami. Kanya-kanyang pasok na kami sa aming sasakyan at sumunod sa bigbike ni Zee.
Malaki ang bahay nila. Pareho sa bahay namin na mansyon rin. May isang tagapagluto at tagapag-alaga siya na tinatawag niyang Nay Ellen. May apat na maids para sa paglilinis ng bahay, paglalaba ng damit at iba pa.
"Wala ang Mommy ni Zyra ngayon kaya hindi namin kayo mapapakilala," saad ni Nay Ellen.
"Okay lang po, Nay," magalang na sagot ni Yong.
Sina Takuya at Casper ay parang mga sira na nagsi-selfie. Si Zee pumunta muna sa kwarto niya. Nakikinig at nag-oobserba naman ako sa kanila.
"Salamat naman at dinala na kayo ni Zyra dito. Akala ko pa naman walang kaibigan ang batang 'yon."
"Naku, matagal na nga po kaming magkabarkada e. At huwag po kayong mag-alala kung puro kami lalaki. Prinsesa po namin siya."
"Napansin ko nga. Kaya okay lang sa akin na kayo ang mga kasama niya. Mababait naman kayong mga lalaki e, 'di ba?"
"Syempre naman po!"
"Oh iho, ang tahimik mo naman diyan," baling sa akin ni Nay Ellen. "Halika ka nga dito."
Ngumiti ako at lumapit sa kanila.
"Hello po," bati ko sa kanya sabay yukod. Tanda ang ginawa ko bilang respeto sa ibang tao o mas nakakatanda.
"Ano nga pala ang pangalan mo, iho?"
"Jong Hyun po. Pero Shin po ang tawag nila sa akin."
"Mga ogag! Dito tayo sa sala!" biglang tawag sa amin ni Zee. Pumasok siya sa isang kwarto. Sumunod naman agad ang dalawa.
"Itong batang 'to talaga parang hindi babae," napailing na sabi ni Nay Ellen.
"Babae po siya!" tawa ni Yong. "Talagang astig lang. Kawawa naman ang isa diyan kapag nagkataon."
"Oo nga po. Sige Nay, pasok na po kami," paalam ko sabay tulak kay Yong.
"Sige. Magluluto muna ako ng makakain niyo mamaya."
"Sige po. Salamat," sagot ko ulit. Binatukan ko muna si Yong bago kami sumunod kina Zee.
"Aray!" daing niya. Pero nginisihan naman ako pagkatapos.
Damn him! Ibuking ba naman ako? Tsk.
Nang makapasok kami ay bumungad sa amin ang napakalaking sala. May carpet at ang daming unan sa sofa at sa sahig. Pwede ng matulog dito.
"Pare, movie marathon daw tayo," salubong sa amin ni Casper.
"Gusto ko ng Frozen," sabat ni Takuya habang tumatalon talon pa sa sofa.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...