Zyra's POV
Isang linggo na rin ang lumipas. Okay na kami ni Shin. Syempre, may ilangan pa rin minsan. Pero habang tumatagal ay unti-unti na ring nawawala.
Masaya ako't hindi siya nagalit sa akin. Hindi niya ako iniwan at pinagpatuloy ang pagkakaibigan namin.
Honestly, good catch na rin si Shin. Gwapo, mayaman, mabait at mahal ako.
Pero... sadyang mapaglaro ang mundo dahil hindi ko man lang siya nagustohan higit pa sa kaibigan. Sa tagal ng pagsasama namin, itinuring ko lang siyang kapatid at kabarkada.
"Zee, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Shin.
Nasa may field kami at nakahiga sa damohan. Ang tatlo naman ay pumunta pa sa canteen para bumili ng makakain namin habang nakatambay.
"Okay lang naman," sagot ko sa kanya at ngumiti.
"Sure? Bakit ang tahimik mo diyan. Naninibago ka pa rin ba?" tanong niya na naka-half smirk pa. Parang nanunukso ang loko.
Napabangon ako at kwinelyohan siya. "Kung sapakin kaya kita, gusto mo?!"
"Hahaha! Chill! Masyado kang obvious e," pang-iinis niya pa rin.
"Ganun? Tsk!" Natatawang binatukan ko nalang siya. Tumawa naman siya. Tapos ay sabay kaming napahiga ulit sa damohan.
"Seriously, ano bang bumabagabag sa isip mo?"
"Wala nga..." sagot ko.
"Ay sus! Huwag ka na ngang magkaila. Kilalang-kilala na kita."
Napatingin ulit ako sa kanya.
Tama kayang sabihin ko sa kanya 'to?
"Ahm... ano kasi..."
"Ano? Iniisip mo kung bakit gwapo ako?"
"Naknang! Lol!"
"Hahaha!" tawa na naman niya.
"Sige na, ituloy mo."Natahimik ako saglit.
"Naiisip ko lang si Zac. Hindi na kasi niya ako pinapansin. Umiiwas pa siya lage sa akin. Hindi ko naman alam kong ano ang naging kasalanan ko sa gagong 'yon para umakto siya ng ganun sa akin."
Hindi siya sumagot.
Damn! Baka iba na ang iniisip niya—
"Namimiss mo siya?" biglang tanong niya.
"Huh? Miss?" I laughed. "Saan mo naman napulot 'yan?" I chuckled in the end.
Na-miss daw. Si Zac? Mamimiss ko? Bakit naman?
Pero...
Parang ganun na nga.
"Zee, umamin ka nga sa akin. May gusto ka ba kay Zac?" Bumangon siya at tumingin sa akin.
Napabangon rin ako. Napalingon sa kanya. Pero hindi yata ako makatingin ng diretso sa mga mata niya.
"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Gusto ka diyan. Bakit ko naman siya magugustohan e hindi na nga ako pinapansin. Akala mo kung sino. Gago 'yon, pasalamat pa nga siya't binibigyang atensyon ko pa ang tulad niya."
Did I sounds defensive? Napasapo nalang ako sa mukha ko at nahihiyang napatingin kay Shin.
"Tss. 'Di mo pala siya gusto sa lagay na 'yan ha?" Shin smirked.
"Tsk. Hindi nga! 'Di mangyayaring magkagusto ako. Alam mo namang matigas 'to." Bahagyang sinuntok ko ang dibdib ko.
"Kahit na. Babae ka pa rin. You'll still fall. Huwag mo ng e-deny." Tumingin siya sa akin at iyon rin ang ginawa ko sa kanya. Nakikita ko na okay lang siya. Hindi ba siya nasaktan sa nalaman niya?
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...