Myla's POV
"Bakit nga ba mahal kitaaa? Kahit naaa may mahal ka ng ibaaa! Baliw na baliw ako sayooo—KEN?! K-Kanina ka pa diyan?!"
Nanlaki ang mata ko nang makitang nakatayo si Ken sa may pintuan. Natatawang tumango siya bilang sagot sa tanong ko.
"Ah... Eh... B-Bakit ka naparito?" Nahihiyang napayuko ako. Lumapit naman siya sa tabi ko.
Birit na birit ako sa pagkanta e! Hindi ko alam na may audience na pala ko!
"Huwag kang mahiya. Ang cute mo nga habang kumakanta," he chuckled. Marahan niyang ginulo ang buhok ko. Parang bigla namang natunaw ang aking binti. Mabuti nalang at may upoan sa gilid kaya agad akong napaupo.
"A-Ano nga pala ang kailangan mo?" pag-iiba ko ng usapan.
"Gusto sana kitang ipakilala sa mga kaibigan namin."
Biglang lumundag ang puso ko dahil sa sinabi ni Ken. Tama ba ang narinig kong ipapakilala niya ako?
"Malaki kasi ang pasasalamat ko sa'yo. Sa pagtulong mo sa akin na mabawi muli ang babaeng mahal ko. Maraming salamat talaga, Myla."
Aray. Ang sakit palang malaman ang katotohanan. Na extra ka lang sa storya nila. Bakit ba kasi madaling nahulog ang loob ko sa lalaking 'to?
"W-Walang anuman." Bahagya akong ngumiti.
"Tayo na."
Parang gusto ko namang mahimatay ng ngumiti siya. Kay gwapong nilalang naman oh!
Tayo na? Pwedeng tayo na lang? Hays. Baliw. Alam ko naman kung ano ang isasagot niya. Simula palang, may babaeng nakatadhana na sa kanya. At hindi ako iyon.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse kaya agad naman akong pumasok. Inalayan niya pa ako sa pag-akyat.
See?! Sinong hindi magkakagusto sa ganito kabait at ka-gentleman na lalaki?! Ang pogi pa niya. Saan ka pa?!
Tahimik lang kami habang bumabyahe. Nang tingnan ko si Ken, may kunting ngiti sa labi niya. Ngunit... nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Bakit? Ano na naman ang dahilan?
"Mylaaa!"
Agad akong napatingin sa babaeng tumawag sa pangalan ko pagkababa ko palang ng sasakyan. Masayang lumapit sa akin si Razy este Zyra at agad kumapit sa may braso ko.
"Halika. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."
Dali-dali niya akong hinila papasok ng bahay kaya napasunod nalang ako. Napatingin ako kay Ken na nasa likod namin. Nakangiti siyang nakatitig sa amin, ay mali, kay Zyra pala.
"Nandito na ang kaibigan ko!" masiglang saad ni Zyra pagkapasok namin. Sabay namang napalingon ang apat na lalaki sa gawi namin.
"Hi!" sabay-sabay na bati nila at sinundan pa ng ngiti.
Diyos ko! Mga anghel mo ba ang mga adonis na 'to?
Kung totoo nga ang sinasabi nilang makalaglag panty na kagwapohan, ay naku! Nakahubad na sana ako ngayon! Dahil lahat ng damit ko yata ang malalaglag!
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...