Zyra's POV
Nagising ako sa isang kwarto na kulay white at blue ang mga gamit. Sa tingin ko ay mamahalin lahat ng nandito. Malambot rin ang kamang kinahihigaan ko, malamig pa ang paligid. Bumangon ako at inalala ang mga nangyari bago ako nakatulog.
As far as I can remember, nasa kotse pa ako at nagbabyahe. Paano ako napunta dito?
"Zyra?"
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang isang babae. Kasing tanda yata siya ni Nay Belen.
"Iha, mabuti at gising ka na. Halika ka sa baba, kakain na ng hapunan," nakangiting aya niya. Hindi naman ako natinag sa pagkakaupo at tumitig lang sa kanya.
"Hindi mo nga pala ako maalala. Ako si Nay Ellen, ang tagapag-alaga mo."
Naalala ko ang sinabi ni Zac. Siya pala ang tinutukoy niya. Ngumiti ako sa kanya at ganun rin siya sa akin. Mukhang mabait naman si Nay Ellen.
Paglabas ko ng silid ay namangha ako sa laki ng bahay. Gusto ko ngang mahiya dahil tumapak ako sa napakalinis at marmol na sahig. At ang damit na suot ko ay parang basahan lang dito. Hindi ko lubos maisip na dito ako nakatira noon.
"Masaya ako at nakabalik ka na."
Napatingin ako sa naluluhang matanda. Totoong nakita ko nga sa mga mata niya ang labis na saya at may halong pagka-miss. Gusto ko sana siyang yakapin ngunit nahihiya ako. Ngumiti nalang ako ulit at sumunod na sa kanya.
Naabotan ko ang aking mga magulang na masayang naghahain. Maraming handa ang nasa mahabang mesa.
"Here comes our, Princess," nakangiting saad ng Papa ko. Nakakailang pa ring tawagin sila ng ganun.
"Dito ka maupo sa gitna namin." Nahihiyang umupo naman ako sa upoang hinanda ng Mama ko. Nakangiting umupo na rin si Nay Ellen sa tapat ko.
"Bago iyan, magdasal muna tayo," sabi ni Papa. Agad silang pumikit kaya ganun rin ang ginawa ko. Si Mama ang nag-lead ng prayer.
"Lord, thank you for this wonderful day, for all the foods we have and for the blessings you shower to us everyday. At maraming maraming salamat dahil ibinigay Mo ulit sa amin ang pinakamamahal naming si Zyra. Thank you so much, our Almighty God. We love you. We believe in you. Amen."
"Welcome back!" masiglang sigaw nilang tatlo. Napapitlag ako sa gulat. Nasurpresa ako. Biglang nag-init ang pisngi ko at marahang napangiti.
"T-Thank you po, M-Ma, P-Pa, N-Nay Ellen."
Natahimik sila ng banggitin ko ang mga katagang iyon. May pagkabigla rin sa kanilang mga mukha. Maya-maya rin ay ngumiti silang lahat.
"Mama and Papa sounds good rin naman pala. Mas bet ko 'yan," kindat ni Mama sabay himas ng kamay ko.
"A-Ano po ba ang tawag ko sa inyo noon?"
Napatawa ng marahan si Papa at hinawakan naman ako sa ulo. "Mommy and Daddy. But it's okay, Princess. Kahit tawagin mo kaming mama bear at papa bear, mamskie at papskie, okay lang! As long as tinatawag mo kami, masaya na kami dun. Just remember that you can always count on us."
My father's words melted my heart. I really want to remember them. May nararamdaman ako. Hindi ko lang talaga sila maalala.
"P-Pwede ko po ba kayong yakapin?" nahihiya kong sambit.
Napaiyak si Mama bago nila ako yakapin ng mahigpit. Napapahid rin ng luha si Nay Ellen na kanina pa nakamasid sa amin.
"Oh siya, tama na muna 'yan at tayo'y kumain na," nakangiting sabi ni Nanay at sabay kaming napatawa.
Ang saya-saya ko. Hindi ko inaakalang magkakaroon ako ng buhay na tulad nito. Masaya naman ako kasama sina Nay Belen at Tay Danny. Even if living and working for money there is hard, sulit naman dahil inaalagan din nila ako ng mabuti. But my life here is different. Much better. Hindi na magkakasugat ang mga kamay ko sa paglalaba at hindi na ako mababastos sa tuwing maglalako ako ng paninda. I am still very thankful, dahil marami akong natutunan doon.
Maybe... I was there for a reason.
...
"Good morning."
Napabalikwas ako ng bangon ng pagbukas ko ng mata ay si Zac ang una kong nabungaran. Nakaupo siya sa tabi ng kama ko.
"A-Anong ginagawa mo dito? P-Paano ka nakapasok?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Ngunit hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. Naiilang na napayuko ako at napahigpit ang paghawak sa kumot.
"Oh, iha. Maligo ka na dahil ipapasyal ka ni Zac," Biglang pumasok ang Mama ko. She even smiled at me.
"P-Po?"
"He's going to tour you around. So, get up dahil kanina ka pa niya hinihintay."
Napatingin ako kay Zac. Hindi pa rin siya tumitinag sa tabi ko. He smiled at me and nodded his head a little.
"I'll wait for you outside," pisil niya sa pisngi ko bago tumayo.
"Saluhan mo kaming kumain ng breakfast, iho," aya ni Mama sa kanya.
"Sure, Mo—Tita. Ikaw pa ba ang tatanggihan ko, e ang sarap ng mga luto mo." Nakangiting inakbayan niya si Mama. Kumindat pa siya.
"Bolero ka," my mother giggled. "Sumbong kita kay Kelly."
"Huwag naman! Secret lang natin 'yon kay Mommy."
Narinig ko pa ang tawanan nila bago sumara ang pinto. Dali-dali naman akong tumayo at dumeritso sa banyo upang maligo.
Close pala sila. Lage kayang pumupunta dito si Zac? Kailan? Noong buhay pa ako o noong nawala ako? Or both? Gaano ba kami ka-close noon? Lage ba kaming magkasama? Bakit ba may iba sa pakiramdam ko kapag nandiyan siya?
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...