ZYRA'S POV
Tss. Nakakailang namang makatingin itong si Zac. He keep on looking at me while we're on our way to their house.
"Tumingin ka nga sa daan! Baka mabangga tayo!" asik ko.
Ngumisi lang ang loko pero agad rin namang binalik ang atensyon sa daan. Mayamaya rin ay dumating na kami sa kanila. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at inalalayan ako palabas.
Tsk. Bakit ba nagi-girly ang kilos ko ngayon? Nagkakaganito ba talaga kapag nagka-boyfriend? O dahil ito sa suot ko?
"Sister-in-law!" salubong sa amin ni Ate Xyla sabay yakap sa akin. Nakigbeso-beso siya at medyo nailang ako. Hindi ako sanay sa ganitong gestures. Pero ginawa ko pa rin.
Agad niya akong hinila papasok sa loob ng bahay. Tumingin ako sa likod ko kung saan nakasunod si Zac. Binigyan ko siya ng huwag-mo-akong-iwan-look pero nginitian lang niya ako!
Actually, kinakabahan talaga ako ng sobra. I'll gonna meet his mother again.
Well, here she is ...
"Good evening po, Tita," I greeted and kissed her cheeks.
"Hi, Darling! You look very lovely," she complimented me with a smile on her lips.
"Thank you po," I blushed.
"C'mon, guys! Dinner is ready," tawag ni Zac mula sa kusina.
Agad na rin kaming pumasok sa kitchen nila. Tumabi sa akin si Tita Keely while kaharap ko si Zac na katabi naman ni Ate Xyla.
We talked about school stuffs habang kumakain kami. They never asked questions about me and Zac. Sinabi lang nila na masaya silang malaman na kami na daw.
From Ate Xyla, maybe yes, it's true. But, about his Mom, I don't know if she's telling the truth. There is something bothering her as I observed.
"Bro, may ipapakita nga pala ako sa'yo. Samahan mo muna ako sa taas. Sis, usap muna kayo ni Mommy ah?"
Hindi na nakapalag si Zac ng hilahin siya ni Ate Xyla. He just mouthed me "I'm sorry" dahil maiiwan niya ako. Alam niya namang naiilang ako sa mommy niya. Pero wala na akong magagawa kaya ngumiti nalang ako.
Lumabas na sa kitchen ang magkapatid kaya naiwan kami ni Tita dito.
"May tanong ako sa'yo, iha," panimula ni Tita. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba.
C'mon, Zyra! She won't eat you, you'll just gonna answer her question.
"Ano po, Tita?"
"Anong pinakain mo sa anak ko at nagustohan ka niya?"
Napatingin ako sa kanya. I can't describe her expression. All I can see is a plain blank in her face.
"Tititigan mo nalang ba ako? Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?"
I flenched. Darn! Nanginginig ang tuhod ko. I'm thankful that I'm sitting right now. I'll surely wobble kung nakatayo ako.
"What do you mean, Tita?" I bravely asked her eventhough I am very intimidated by her aura.
"In his life, this is the first time that I saw my son very very happy. And it's because of you."
Hindi ko pa rin siya nasagot. I didn't get her point. Bakit hindi niya nalang ako deretsohin na ayaw niya sa akin para sa anak niya?
"Don't you like me for Zac, Tita?"
"Yes."
I froze. Inaasahan ko na ito pero hindi ko alam na ganito pala ang feeling. Para akong nabato. Para akong naligo ng yelo. At masakit. Knowing that the mother of the man I love doesn't like me for him.

BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
Lãng mạnLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...