ZZ's POV
"Ano ba?! Ang bobo naman, eh! Sinapak mo na dapat agad ang gagong 'yan!" naiinis kong sigaw sabay subo ng french fries. Nasa kwarto ako at nanunuod ng action movie. Pero magkaka-highblood pressure yata ako keysa ma-entertain dahil sobrang nakakairita ang bida.
"Ang hina mo namang sumuntok, Dude! Lakasan mo nga!" sigaw ko ulit sabay subo naman ng popcorn. May isang box pa ng pizza sa mesa at tatlong coke in can pero wala ng laman ang dalawa dahil naubos ko na.
"Aish! Kainis!" I irritatedly turned off the television. Nakakabanas talaga 'yong bida. Kalalaking tao, ang langya kung sumuntok at sumipa. May kasama sana siyang babaeng magaling mangarate kanina pero nabaril ng kalaban kaya namatay agad. Nakakunot ang noong napahiga nalang ako sa kama at tumingin sa kisame ng kwarto ko.
Hayys. I'm bored again. I really want to go out and have some fiery fight. But sadly, my gang plans to take an one week vacation. Gusto daw muna nilang magpahinga. Pero alam kong nangibang bansa ang mga gago dahil malapit na ang pasukan. And here I am… enjoying on my own. But crap! My definition of enjoyment is fighting. It is my hobby, my sport, my favorite, and my happiness. Dahil walang bumabagabag sa isip ko kapag lumalaban ako.
"Tsk. Ang mga gagong 'yon talaga. Hindi man lang ako inaya. Makapag-facebook na nga lang. Maghahanap ako ng aawayin dito."
I logged in my account and saw my complete nameー Zyra Zee Zain. Mas kilala ako sa school bilang Boss Z. Dahil leader ako ng isang grupo ng mga gangster. Filipino ako pero may ibang lahi daw ang ancestors namin. Hindi ko na kailangang alamin pa kung ano dahil wala naman akong pakialam. I'm eighteen years old now. And as far as I can remember, I celebrated my debutー fighting.
When people heard or read the word 'gangster', the usual thing that pops up to their mind is an image of a bad man with a lot of tattoos. Sa mga romance book naman, kadalasan na sexy hot guy with cold personality ang itsura at karakter ng isang bidang gangster. Pero base sa alam ko, hindi lahat ng gangster may tattoo, may napakasamang ugali at lalong-lalo na hindi lahat ay lalaki. Dahil babae ako, body and soul, but I am a gangter. And about the looks, may itsura nga ang mga kaibigan ko, pero hindi sila hot and sexy dahil mga sira-ulo ang mga 'yon. Hindi rin sila seryoso, mas tamang diskripsyon na takas sa mental ang mga gago.
But here's the catch: Our group is famous at school. And I hate it. It was very annoying. I need attention but not from them, kundi sa isang taong... Tsk. Ayoko ng sabihin pa. It's somewhat related to the reason why I choose to become a gangster. Na imbes nasa mall, parlor at boys hunting ay nasa away at pakikipaglaban ang hilig ko. Tch. Hindi naman talaga ako ganito ka balasubas na babae. I'm kind of… Nevermind. Basta ang layo ko na sa pagkatao ko noonー pagkatao na sa totoo lang ay… gusto ko ng balikan.
ZK's POV
"Saan ko ba ilalagay 'to? Ah, dito nalang."
Nilagay ko ang video camera sa ibabaw ng lamesa na may nakapatong na lampshade. Nasa loob ako ng kwarto ko at mag-isang inaaliw ang sarili. I'm going to have a video of myself, obviously. Pero hindi ako gagawa ng anumang masamang kababalaghan. Susubokan ko lang mag-vlog gaya ng mga nakikita ko sa Youtube.
"Okay, ready na. In three, two, one!" I clicked the record button and then I immediately faced the camera. Tumikhim pa muna ako at mabilis na inayos ang damit at buhok ko.
"H-Hi! Ahm… My name is Zac Ken Rain. Dakilang Filipino pero may lahing Amerikano. Hindi kagwapohan pero pinipilahan," I smiled widely. "Ahh… I'm sixteen years oldー Ay joke! Nabaliktad ang six, nineteen na pala ako. Ang mais ko, sorry po." Umayos ako sa pagkakaupo sa sofa at nahihiyang napayuko.
"O-Obviously, I'm a nerd. Yes, I'm aware that I am indeed, look like a nerd. Dahil nasa modernong panahon na tayo ngayon pero nagsusuot pa rin ako ng jumper. Nasanay na kasi ako dito, eh. Komportable ako kapag ito ang suot ko. T-Tapos kung hindi naman ako naka eye-glasses, feeling ko maraming nakatingin sa akin. Twenty-twenty pa naman ang vision ko pero gusto ko lang talagang may suot sa mata. P-Para kasing natatakpan ang mukha ko kapag suot ko 'to! Hays. Nauutal pa akong magsalita. Eh kasi naman... n-nahihiya na ako." Umiwas ako ng tingin sa camera. Feeling ko kasi may kaharap talaga akong mga tao.
"Aish! Nakaka-turn off talaga ako 'no? Pasensya na kayo, ah? 'Di ko kasi mapigilang maging ganito. Kontento na kasi ako sa itsura ko. Tanggap ko ang sarili ko. Ayokong sumabay sa uso. Ayokong magbago." Ngumiti ako at tumayo. Pagkatapos ay mas inilapit ko ang mukha ko sa camera at ngumisi.
"Tungkol naman sa brace na 'to, trip ko lang magsuot. Color blue kasi eh, favorite color ko." Napakamot ako sa ulo at mahinang tumawa. Sa totoo lang, hindi naman ako mahiyain, madaldal nga ako sabi ng nakakatandang kapatid ko na babae. Sadyang mukha lang daw akong tanga minsan. At least, minsan lang 'di ba? Bahala na kung mukhang tanga. Ayon nga sa kasabihan, see the positive side.
"Pasensya na po, ah. Ganito talaga ako ka kalog. Pero hindi po ako bading!" I said and pouted my lips. Then I seriously and deeply stared at the camera, trying to be cool.
"Subukan mo lang akong tawagin ng ganun, hahalikan talaga kita! Ayー Baka masampal mo ako. Masakit kaya masaktan. Haha. Sige po, hanggang dito nalang. Sana magustohan niyo ako! Bye!" I waved my hand and smiled widely before clicking the stop button.
"Oh, tapos na. Matingnan ko nga."
Pahiga akong tumalon sa kama ko at nagsimulang tingnan ang video na ginawa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/21928402-288-k893635.jpg)
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...