EPILOGUE

23 0 0
                                    

Zac's POV

After 2 years...

"Sirena?! Gusto mong kumain ng sirena?!"

"Oo! Kaya bumili ka! Kung hindi makakatikim ka ng flying kick sa akin!"

"Flying kick?! E buntis siya. Paano niya gagawin 'yon?" bulong ko.

"Anong binubulong-bulong mo diyan?!"

"Nag-iisip lang ako. Wala naman kasing mabibili na sirena! We're not even sure if they are true."

"I don't care! Ibili mo nalang ako ng mga gamit na may mermaids! Iyon nalang!"

"Iyan, pwede pa," bulong ko ulit.

"May sinabi ka?!"

"Aalis na ako. Hintay ka lang dito, Zy-ko."

"Mabuti. Bumili ka na rin ng puting bato."

"Bato?!"

"Bato ni Darna! Maghanap ka!"

"What?! Zy, naman! Nasa comics at movie lang naman 'yan!"

"E'di snowbear ang bilhin mo! Mag-isip ka ng paraan! Basta mga puti na bato! Hanapin mo!"

"Fine, fine. Relax ka lang, okay?" Pinapakalma ko ang asawa ko pero malapit na rin yata akong maubosan ng pasensya. I didn't know she would act like this when she got pregnant. Kung sana alam ko noon... wala akong magagawa. Mahal ko pa rin e.

"Siya nga pala-"

"Ano na naman?!" inis na sigaw ko. Pasensya na. Pero buong araw yata akong pabalik-balik sa pagbili ng mga gusto niya. At hindi ito ang unang araw! Malapit na siyang manganak pero naglilihi pa rin!

"He-he. Wala na. Mag-ingat ka. At uwi ka agad. I love you."

"Tsk. I love you too." Hinalikan ko siya sa noo bago tuloyang umalis.

Sa loob ng siyam na buwan ay pagod na pagod ako. Pero tiniis ko lahat ng hirap para kay Zy, sa asawa ko at sa magiging anak ko! Magiging daddy na ako!





Zyra's POV

"Kanina pa 'yon nakaalis si Zac, pero bakit wala pa siya? May nangyari kayang masama sa kanya? O sadyang mahirap lang talaga hanapin ang mga pinabili ko?"

Napaisip ako sa mga nakaraang buwan na lumipas. Aware akong alagang-alaga niya ako. Todo asikaso siya sa pagbubuntis ko. Ang swerte ko lang talaga sa kanya. Kahit anong sabihin ko, sinusunod niya. Ilang beses ko na siyang napagtripan. Pinagsusuot ko siya ng jumper at glasses. Katulad ng outfit niya noon. I find him so cute. Na-miss ko ang pormahan niyang iyon.

Mabagal na naglakad ako papuntang kusina para uminom ng gatas habang hinihimas ko ang malaki kong tiyan. Ako lang mag-isa sa bahay dahil timing day-off ng mga katulong.

"Nasaan na kaya ang nerdong 'yon?! Tsk! Lagot siya sa akin kapag hindi pa siya dumating ngayon din!!"

Sumasakit na kasi ang tiyan ko. Pareho yata naming nakalimutan ni Zac na within this week ay pwede na akong manganak. Uupo na sana ako when I felt a water something on my legs. Kasabay nito ang biglang pagkagat ng sakit ng tiyan ko.

"M-Manganganak na yata ako."

Napahigpit ang hawak ko sa lamesa at upoan. Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. I need to call for help.

"Zy-ko? Nandito na ako!" Narinig kong sigaw niya sa labas.

"ZAAAAACCCCC!"

Patakbong yapak ang bumati sa pandinig ko. Nakarinig pa ako ng kalabog. Nadapa yata ang mokong. Humahangos na nakalapit siya sa akin.

"Manganganak ka na ba?"

"HINDI PA! NATUWA LANG AKO AT DUMATING KA NA!"

"Talaga?"

"LAGOT KA SA AKIN PAGKATAPOS NITO! DALHIN MO NA AKO SA HOSPITAL, NERD KAAAAAAAAAA!"

Tila nahimasmasan siya at agad akong binuhat. Nagkandahulog-hulog pa ang susi ng kotse dahil sa pagkataranta niya. Mabuti nalang at hindi kami naaksidente at safe na nakarating sa ospital.


Zac's POV

"Pare, umupo ka nga muna. Kami ang nahihilo sa kaiikot mo diyan e," awat ni Yong sa akin.

Kompleto na naman silang apat, parents namin ni Zyra at nandito rin ang magaling kong kapatid.

"Sabi ko sayo e, sumama ka nalang sana sa loob para samahan si Zyra," sabi ni Ate Xyla.

"Hindi pwede 'yon Ate, baka mawalan siya ng malay doon or 'di kaya'y mauna siyang sumigaw kasya asawa niya," tudyo sa akin ni Takuya.

Nagtatawanan sila habang ako dito ay hindi na mapakali. Kumusta na kaya ang mag-ina ko? Okay lang ba sila? Damn it! Kanina pa sila sa loob!

"Naunahan ka na ng kapatid mo Xyla, wala ka bang planong mag-asawa? Ano bang plano niyo ng boyfriend mo? Naghiwalay na naman kayo?" tanong ni Mommy Kelly.

"Mom! Huwag ka ngang paranoid. Three years pa bago lumagpas sa kalendaryo ang edad ko. It's just that sobrang excited lang ng brother ko."

Gusto ko sanang sagutin si Ate kaso mas dapat kong pagtuunan ng pansin ang asawa at baby ko. Mag-iisang oras na sila sa loob pero hindi pa rin lumalabas ang doctor.

"Sayang ang ganda mo Ate Xyla kung tatanda kang dalaga," biglang sabat ni Shin. Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya.

"Ganda? Hahaha! Pakiulit nga baby Shin, mukhang ang sarap pakinggan ng sinabi mo," kikay na saad ng ate ko sabay kapit sa braso ni Shin. Napatawa nalang siya sa pangungulit ng ate ko.

"Mr. Rain?"

"Yes? I'm her husband," mabilis na lapit ko sa lumabas na doktor. "Kumusta na po ang asawa ko? H-How about our baby?"

"Congratulations, Mr. Rain! You have a healthy son. Ililipat na po namin sa private room ang misis niyo."

Nang makaalis ang doctor ay unti-unti akong lumingon sa pamilya at mga kaibigan ko. Nakita ko ang saya at excitement sa mga mukha nila kahit hindi pa sila nakapagsalita.

"Ang laki ng ngiti!"

"Congrats!"

"Daddy na si Zac!"

Sabay nila akong niyakap. Hindi ko naman napigilan ang mapaiyak dahil sa saya. Damn it! Ang iyakin ko pa rin hanggang ngayon. Pero si Zyra lang naman ang laging nagpapaiyak sa akin. Ngayon ay dinagdagan pa ng anak ko.

Tsk. Ang saya-saya ko! Napakasaya ko!

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon