FIFTY-THREE

60 3 0
                                    

Zac's POV

Two months had passed when that run away incident happened. Kung nakakamatay lang ang tingin matagal ng tigok si Shin pagkabalik nila ng araw na iyon. Buong maghapon akong naghintay sa labas ng gate hanggang sa bumalik sila.

They found it funny but for me, it was not. Honestly, selos na selos ako. Knowing that Zyra was having fun together with Shin, it made me crazy. Hindi ako mapakali sa paghihintay hanggang sa bumalik sila. Naisipan ko ngang sundan sila pero pinigilan ako ng mga kaibigan ni Zyra dahil bigyan ko naman daw ng time na magka-bonding ulit silang dalawa. I had no other choice but to stay and waited until they came back.

Nagtampo ako kay Zyra Pero iyon nga lang hindi tumagal. Matitiis ko ba naman ang babaeng mahal na mahal ko?

Balik ulit sa dati. Bangayan minsan, may kunting lambingan, selosan ulit at syempre hindi mawawala ang kasiyahan kapag kasama ko siya.

I've realized something out from that incident. Ayokong mawala sa akin si Zyra. I was damn too attached with her already. Sobrang natakot ako nun. Kahit alam kong iniinis at pinagseselos lang nila ako that time, hindi ko pa rin maiwasang isipin na baka hindi na siya bumalik, na baka tuloyan na siyang lumayo sa akin.

"Promise me that you'll gonna keep this a secret for the mean time, Ate." Nasa jewelry shop kami ni Ate Xyla ngayon. Kasama ko siyang namimili.

"Sure, Bro. Just trust me, okay? And expect me to help you with this." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

Kahit may pagkaisip-bata minsan itong si Ate, makailang beses na rin naman niyang napatunayan na maasahan ko siya anytime. I'm proud of having a sister like her.

"What kind of ring should I pick? This one with a blue zircon?" I asked her.

Yes. I've decided na mag-propose na kay Zyra. I know it's too early. But the heck I care? I love her so much to the point na gusto kong magkaroon ng assurance na akin lang siya. I'm not saying na pakasal na kami agad. I can wait for two or more years basta ba sa huli ay makasal talaga kami.

"Wow! It's so beautiful! Pick this one, Bro," my sister exclaimed while checking the ring.

"I'll buy this then." I handed the ring to the saleslady.

"How much?" Ate asked.

Million ang sinagot ng babae. Napasinghap ang kapatid ko. I just smiled. The cost doesn't matter, my love for Zyra is more important. Pero kaya kong gumasta ng malaki para sa kanya. I will give everything to her, how much it costs.

"Dang it! I forgot my debit card." Napakamot ako sa ulo. Kasasabi ko lang na ibibigay ko lahat, pero paano na itong wala akong pambayad?

"Oh, don't worry brother. Ate's gonna be your savior today." She giggled and gave a check to the saleslady.

Napaiwas ako ng tingin sa hiya. Nag-iba man ang itsura ko pero ang katangahan ko, minsan ay umiiral pa rin. Mabuti nalang talaga sinama ko ang kapatid ko.

"Thank you," pasalamat ko sa salesday pagkatanggap ko sa binili namin. Agad na kaming umalis sa shop pagkatapos.

"By the way, when will be the proposal?" Ate asked.

"On my birthday party. So we could celebrate the next day, on her birthday. It would be a surprise."

"Great! But you're too excited, Brother. You're a month ahead!"

Napatawa nalang kami ni Ate. Inakbayan ko siya habang papasok sa isang fancy restaurant. Napatingin naman ang mga tao pagpasok namin. Lage nalang kaming napagkakamalang magnobyo at nobya. My sister is shorter than me, kaya siguro ganoon ang unang impression nila.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon