FIFTY-EIGHT

7 1 0
                                    

Zac's POV

It's past twelve already. Nasa labas ako ngayon at nakahiga sa ibabaw ng kotse ko. Anong ginagawa ko?

Star gazing. Katulad ng ginagawa namin noon.

I still can't believe na nakita ko siya ulit. Mali. Kamukha lang siya ni Zyra. Kung sana siya nga talaga ang babaeng iyon.

I sighed deeply and picked up my phone.

"Yong, sumagot ka," I wished when I dialed his number. Sana hindi pa siya tulog. Wala pa naman sana akong planong makipag-communicate sa kanila, but because of what I saw earlier, I couldn't take it by myself.

"Hello?"

Boses babae ang sumagot. Sino naman kaya ito? Tama naman ang number na tinawagan ko ah?

"Who are you? Where is Yong?" I asked her.

"Yang? Sinong kausap mo? Hey, that's my phone!" Narinig kong tanong ni Yong sa kabilang linya. I heard a scratch, parang inagaw niya ang phone.

"Zac? You still there?" he asked. May pag-aalala sa tono ng boses niya.

"Yeah."

"Thanks God, you called! Nasaan ka ba ha? Bakit ka umalis ng walang paalam? Nag-aalala na kaming lahat sa'yo!"

Malungkot akong napangiti ako. Talagang tinuring na nila akong kaibigan. I became the replacement after she died.

"Tinawagan mo na ba sila Tita? Make sure na wala kang gagawing kabaliwan sa sarili mo diyan! Hoy, magsalita ka? Ano? Okay ka lang ba?"

Ako? Okay lang? That was a stupid question.

"I saw her."

Natahimik si Yong sa kabilang linya. Para bang ina-analyze niya pa kung tama ba ang pagkakarinig niya sa sinabi ko.

"Zac. She's dead." He let out a heavy sighed.

"Y-Yes. I know. But... I saw a girl who looks the same with Zyra."

"Where are you?" he asked instead. Alam ko ang iniisip niya, he thinks that I'm out of my mind.

"I can't tell you."

"Zac, listen. Wala na siya. Alam kong hindi mo pa rin tanggap but you really need to accept the fact na hindi na siya babalik."

"E'DI IPALIWANAG MO SA AKIN KUNG SINO 'YONG NAKITA KO KANINA! DON'T FREAKING TELL ME THAT I'M JUST SEEING THINGS! I DID SAW HER WITH MY NAKED EYES!" Hindi ko napigilan at nasigawan ko siya. Bakit ayaw niyang maniwala? Bakit pinapamukha niya sa akin na para bang nababaliw na ako?

"You just missed her. Namimiss mo lang siya, Zac."

Napahigpit ang hawak ko sa phone ko. Damn! Namimiss ko lang ba siya kaya mukha ni Zyra ang nakita ko kanina? Nagkamali lang ba talaga ako?

"Tatawagan nalang kita ulit."

"Zac—"

I ended the call. Hindi ko na siya pinatapos.

Nasasaktan ako. Namimigat ang mga mata ko. And just after a minute... I sobbed endlessly.

Zy-ko? Why? Why are you doing this to me? Why do it hurts so much?

Humalo ang hikbi ko sa katahimikan ng paligid. Wala akong pakialam kung may makarinig. Kung meron pa nga ba, mag-uumaga na kasi.

After I composed myself, I checked my phone and saw that it's near four in the morning. So I decided to go to my room before anyone saw me like a freaking shit at the top of my car.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon