THIRTY

75 3 0
                                    

Zyra's POV

"Zy, bilisan mo na diyan! Umaambon na oh, baka lumakas na 'tong ulan," sita ni Zac na badtrip yata ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Ano naman ngayon kung umaambon? Kumakain ba ito ng tao?

"Maghintay ka nga! Kita mo ngang nag-uusap pa kami ni Shin dito!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"Oo nga naman, pare. 'Wag kang magmadali diyan!" dagdag naman ng katabi ko.

"Tss... Noong nakaraang araw hindi pa kayo nagpapansinan, tapos ngayon kung mag-usap kayo parang walang hanggan." Bumulong pa siya, e rinig na rinig naman namin.

"Sige na nga Zee, uwi ka na. Iniwan na rin ako ng mga mokong na kaibigan natin, kaya uuwi na rin ako."

"Oh sige, mag-ingat ka sa byahe. 'Wag kang mang chics ah! Uwi ka na agad!"

"Hahaha. Opo! Mahal na reyna!"

Agad ng umalis si Shin. Pero sa hindi kalayuan ay huminto siya at lumingon sa amin. Nag-flying kiss ang loko. Napatawa tuloy ako.

"Tss..."

Napalingon ako kay Zac na agad pumasok sa loob ng sasakyan.

"Hoy! Ikaw ah! Ang hilig-hilig mo ng mag-tss! Hindi naman bagay sa'yo!" asik ko sabay sunod sa kanya. Umupo ako sa passenger's seat habang nasa driver's seat naman siya.

"Wala ka na dun! Kung ayaw mong gumaya ako, pagawa ka ng patent para ikaw lang may karapatang mag-tss."

Tsk. Sira ulo 'to. Kanina sobrang active niya tapos ngayon... may red tide ba siya?

Wala na akong ibang nagawa kundi ang irapan siya at hindi nalang sumagot. Ewan. Siya lang ang kaisa-isang tao na nagpapatiklop sa akin. Kung mahilig akong mamilosopo, MAS pa ang isang 'to.

Maya-maya pa ay nag-park na ang sasakyan sa may garahe namin. Kasabay ng pagtigil namin ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Lumabas siya. Sumunod naman ako. Hinagis niya sa akin ang jacket niya nang walang salita. Binato ko ito sa kanya pabalik.

Nagmamagaling ang gago. Dahil nakakapasok na siya sa bahay namin. Pinayagan ko na dahil nakakairita na ang pangungulit niya. Pero hindi pa nga lang niya nami-meet si Mommy. Pero sobrang close na nila ni Nay Ellen.

"Ano ba namang mga batang 'to oh! Kita na ngang ang lakas ng ulan, lumabas pa rin," salubong sa amin ni Nanay.

"Si Zyra po pagalitan niyo, Nay! Binigay ko sa kanya ang jacket ko, pero 'di niya tinanggap."

"Eh bakit ikaw lumabas rin at nagpa-ulan?" taas-kilay kong tanong sa kanya.

"Syempre, mas uunahin kita. Bahala nang mabasa ako basta ikaw ay hindi. Kaya kung magpapaulan ka, magpapaulan na rin ako para may karamay ka! Pasalamat ka nga diyan, may nag-aalala sa'yo."

"Tsk! Bobo ka! Dapat dun, okay ka para ikaw ang mag-aalaga sa akin kapag nagkasakit ako!"

"Asus... Mga batang 'to oh. Kahit asukal na nagpapaka-ampalaya pa rin."

Sabay kaming napatingin kay Nay Ellen. Inabot niya ang hawak niyang tuwalya at sabay na naman naming tinanggap ito. Binalewala ko nalang ang sinabi niya at pinunasan na ang mukha ko.

"Paano na uuwi si Zac niyan e ang lakas-lakas ng ulan? Dilikado ang byahe ngayon dahil madulas ang daan. Baka mapaano pa 'to," saad ni Nay Ellen na hinimas-himas pa ang ulo ni Zac. Tss. Mukha siyang aso.

Tumingin si Zac sa akin. Nagpout pa ang loko. Tsk! Nakakagi—never mind.

"Dito ka na muna mag-stay ngayong gabi," walang pag-aalinlangang sabi ko at agad ng pumunta sa kwarto para magbihis. Bahala na si Nay Ellen kay Zac, siya na ang tutulong sa lalaking iyon. Ipasuot niya ang duster niya.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon