Zyra's POV
Nahihiya talaga ako kapag naiisip ko ang mga nangyari noong araw ng graduation namin. Lalo na kapag naaalala ko ang mga pinaggagawa ko kay Zac.
Ewan ko lang kung bakit siya pa ang napagbuntunan ko ng pagka-moody ko noong may dalaw ako. Trip ko pa siyang inisin at hindi pansinin noong araw na iyon.
At tsaka sinabi na niya sa akin na, close na close cousin niya daw ang babaeng kausap, rather kayakap niya noon. Nakita ko nga siya ulit noong kumakain na kami, papalabas siya ng resort. Nahuli ko nga ring nakasunod ang tingin ni Shin sa kanya. Si Zac naman, wala lang. Parang sanay na siyang umaalis ng walang paalam ang pinsan niyang pinagselosan ko.
Two-months had passed. Marami ng nangyari. May awayan at selosan na sa pagitan namin ni Zac. At wala sa vocabulary namin ang date. Tuwing monthsary namin? Sus, magspa-sparing lang kami sa arena. Na-realize ko nga na mas magaling pa palang makipaglaban si Zac keysa sa akin. Natatanong ko nga minsan kung talaga bang nerd siya noon. Pero sinabi niya lang sa akin na fast learner lang daw talaga siya. At ang mga kumag ko namang mga kaibigan ay busy na sa kanya-kanyang trabaho.
Ngayon naman ay nasa rooftop kami ng company building nila Zac, star-gazing ang trip namin ngayon. Isang entertainment company ang mina-manage niya.
Nagpaparinig nga siya minsan. Kulang daw sila ng model. Tsk. Subukan niya akong pagdiskatihan, makakatikim siya ng sipa sa akin. Hindi pa nga natatapos sa kakakulit sila Mom at Tita kung gaano sila kinilig ng pinakita ni Zac ang ginawa niyang confession video. Tsk.
Magkatabi kaming nakahiga sa isang water bed habang nakatingin sa kalangitan.
"Zy-ko, ano nga ang Zodiac sign mo?"
"Ulcer," pabalang na sagot ko.
"Ahh... Cancer naman ang sa akin. Bagay tayo!" seryosong sagot niya kaya kinurot ko ang tagiliran niya. Sabi niya kasi na bawasan ko na daw ang kababatok ko, kurot nalang daw. Tsk. Too girly, huh?
"Sadya ba tayong tinadhana at parehong June ang birthday natin?" tanong niya sa akin. Magkasunod lang ang birthdate namin at tuwang-tuwang siya. Destiny daw talaga kami.
Tumango ako bilang sagot sa tanong niya at nakangisi ko siyang nilingon.
"Aba't proud na proud ah?" Tudyo niya at akmang yayakapin ako.
"Hep! Mga the moves mo!" irap ko sa kanya at siya naman ang ngumisi.
Sabay kaming napatingin ulit sa langit. Tahimik lang kami nang may biglang may falling stars. Pumikit ako at humiling. Pagkatapos ay nilingon ko ang katabi ko. At nakita kong natingin na pala siya sa akin.
"Anong wish mo?" I asked him.
"I didn't make a wish."
"Ha? Bakit naman?"
"I already have you. So, what's the point?"
Napatitig ako sa mata niya, sa gwapong mukha niya at pabalik sa mata niya.
"Bolero ka."
Napangiti ako ng magsink-in sa utak ko ang sinabi niya. Banat boy ang gago.
"No. I'm just telling the truth."
Mas lumapad tuloy ang ngiti ko kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinila. Panay naman ang aray niya pero napapalitan rin ng tawa.
Actually, hindi rin ako humiling. Instead, I thank God for giving him to me. Nagpapasalamat talaga ako sa Kanya. Dahil sa pagdating ni Zac sa buhay ko, nagkakulay ulit ang black at white kong mundo. It's cheesy but I don't care anymore. I'm being true to myself.
Zyra's POV
"I'm like statue, stuck staring right at you,
got me frozen in my tracks.
So amazed how you take me back,
each and every time our love collapsed."Nasa bahay ako nila Zac ngayon. Kasama ko ang tropa at si Ate Xyla. Actually, nandito rin si Mica na kanina pa iniinis ni Takuya.
"When a day is end and done.
And in the middle of the night you're fast asleep, my love...
I'm the luckiest man alive."
Si Zac ang kumakanta ngayon ng Statue by Lil Eddie. Napag-usapan nilang magkaraoke.
Maganda ang boses ng mokong. At sa akin pa siya nakatingin habang kumakanta. Tsk. Naiilang ako.
"I'm the luckiest man alive, Zy-ko," bulong niya sa akin pagkatapos niyang kumanta at tumabi sa akin.
"Nilalanggam kami!" tudyo ng mga kasama namin. Except...
"Tss," react ni Shin. Bitter ang loko.
"Huwag ka ngang dumikit sa akin! Kay laki pa naman ng space oh!" taboy ko sa kanya.
"Arte naman nito. Pasalamat ka't mahal kita," maktol niya pero agad namang lumipat sa tabi ni Yong at Ate Xyla na kumakanta habang kumakain naman si Casper. Nagbabangayan pa rin sa may gilid sina Mica at Takuya. At tumabi naman si Shin sa akin.
"Nakakunot na naman ang noo mo," sita ko kay Shin sabay sundot ng tagiliran niya. Napaigtad naman siya at matalim akong tiningnan. Ang dali niya talagang makiliti.
"Kumusta ka na ba?" seryosong tanong ko sa kanya.
"Fine," maikling sagot niya.
"May girlfriend ka na ba?"
"Wala. Ikaw pa rin e."
Napatigil ako sa kinauupoan ko at napatingin sa kanya.
"Joke lang. Tss. 'Di ka naman kagandahan para 'di ako agad makamove-on."
"Aba't—" Matalim ko siyang tinignan at ginulo ang buhok niya. Tumawa lang ang gunggong.
"Teyka, Zee. May naisip ako," biglang sabi niya. Hindi pa ako nakakasagot ay dumikit na siya sa akin at inakbayan ako. Sinundot niya pa ang tagiliran ko kaya napatili ako.
"Ano ba?! Nakikiliti ako!" angil ko pero nakangiti naman. Ngumisi naman siya at kiniliti ulit ako.
"Ayy! Bwesit ka, Shin! Makakatikim ka sa akin!" Kiniliti ko rin siya pabalik.
"Hahaha! Zee!" Napatayo siya at lumandag sa likod ng sofa. Sinundan ko siya kaya paikot-ikot tuloy kaming naghabulan.
"Enjoying the moment?"
Sabay kaming napatigil ng magsalita si Zac gamit ang microphone. Napatanga naman ang ibang kasama namin sa aming dalawa ni Shin. Napakunot ang noo ko at ngumisi naman si Shin.
"I'll gonna run away with your girlfriend, Zac."
Walang sabi-sabi ay hinila ako palabas ni Shin. Nabigla man ay sumabay na rin ako sa pagtakbo niya.
"Shin! Return her back! I will really kill you bastard!" sunod ni Zac sa amin. Nakita ko pang tumatawa ang tropa habang nagvi-video si Ate Xyla.
"Get in the car, Zee. Faster!"
Natatawang agad akong sumunod sa utos ni Shin.
"This would be fun," I blurted out.
"Thanks to me," Shin chuckled. Agad niyang pinaharurot paalis ang kotse. "Saan tayo?" tanong niya.
"Baliw ka. Ikaw 'tong nanghila sa akin bigla tapos ako ang tatanungin mo?"
"Kain nalang tayo ng kwek-kwek," he chuckled.
"Pwe! Ang cheap mo! Gago ka, kaya pala 'di ka nagkaka-girlfriend."
"Tangna! Magkaka-girlfriend ako kahit kailan ko gusto. Kahit galunggong pa ang ipakain ko."
"Kapal mo!" I laughed.
Magba-bonding muna kami ngayon ni Shin. Namiss ko ito. Bahala na muna si Zac, mamatay siya sa selos! Napakatok ako ng tatlong beses sa may bintana.
Huwag pa nga pala, paano nalang ang future ko kapag nawala siya?
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...