EIGHT

118 5 0
                                    

Shin's POV

"Oh, Boss Z! Saan ka galing? At ano namang trip yung paghabol mo sa Ner—este kay Zac?" tanong ni Casper na binigyan ni Zee ng kanyang famous death glare.

Tsk! Bakit ba ayaw na niyang tinatawag na Nerd ang Zac na 'yun?! Eh, siya nga ang unang tumawag ng ganun ah?! Tsaka, bakit ba lagi na niya itong pinagtatanggol?!

"Oo nga Boss, may ginawa ba siyang kasalanan? Gusto mo ilibing na namin ng buhay?" sabat naman ni Takuya.

Psh. Ilibing ng buhay? Kung ako ang tatanungin kung ano ang gagawin ko? Tsk! Bubugbugin, babalian, lulunorin, tatadtarin at susunogin ko 'yon! Pucha! Naiinis talaga ako sa habulan nila kanina. Haharangan ko sana ang Nerd na 'yon, eh! Kaso, itong si Zee ayaw kaming makisali.

Tang'na talaga! Dapat, ako lang ang hahabulin ni Zee. Damn it! Ako ng possisive kahit walang karapatan.

"Wala siyang kasalanan. Gusto ko lang makausap ang tarantadong 'yon. Eh ang baliw, tumakbo kaya hinabol ko. Hahaha!"

Tumawa pa siya. She really laughed?! Nakaka-imbyerna!

"Oh, anong klaseng mukha naman 'yan Shin? Naniningkit na lalo 'yang mga mata mo oh! Tapos ang tahimik mo pa," baling sa akin ni Yong kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Ay sus! Alam ko 'yan! Nagsese—" Agad kong tinakpan ang bibig ni Takuya. Ang gago! Ilaglag ba naman ako?! Psh.

"HAHAHA!" sabay tawa ng tatlong mokong.

"Ha? Anong ibig niyong sabihin?" nagugulohang tanong ni Zyra.

"Wala! Bilisan niyo na nga diyan! Uwi na tayo! Ang babagal niyo." Tumayo agad ako sabay kuha ng bag ko.

"Bitter dude?" bulong ni Casper.

"Baka gusto mong palamunin kita ng ampalaya?!" naiinis kong sabi na ikinangisi ng loko. Nauna rin siyang naglakad at pumito-pito pa. Tumawa naman sina Yong at Takuya. Pati na rin si Zee tumawa kahit question mark ang mukha. Tsk!

Pagdating namin sa parking lot, kanya-kanyang sakay na kami sa sariling sasakyan. Kotse ang gamit naming apat while big bike naman kay Zee. Tsk! Tinalo pa kami ng babaeng 'to. Kaya nga mahal ko, eh. She always cease to amaze me. Psh. Corny!

Nauna akong nagpaandar ng kotse at mabilis na umalis. Badtrip talaga! Selos daw? Hindi kaya!

Tsk. Makabili na nga lang ng icecream, pampalamig ng ulo. Kaya tumigil muna ako sa isang convenience store.

"Miss, isang icecream nga. Vanilla flavor," order ko sa babaeng nagbabantay, sabay lapag ng five-hundred pesos sa counter.

"Sir, wala na po kaming Vanilla Flavor," patamad na sagot niya habang nakatulala. Nasa outer space siguro ang utak nito. Tsk.

"Ah, chocolate flavor nalang." Tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako. Pero inirapan niya ako ! Sa gwapo kong 'to? Wow! Ang ibang babae nga, mangingisay na sa kilig. Kay Zee nga lang walang epekto... at sa babaeng 'to!

"Wala na rin po kaming Choco flavor, Sir," she answered again at agad umiwas ng tingin.

"What the—Anong klaseng store 'to?! Pa-demolish ko to, eh!" Naaasar kong sigaw. Nagulat siya and at last, she came back to her senses again. Psh.

"Strawberry nalang meron kami! Kasalanan ba naming maraming bumili kanina?!" she shouted back at me.

Seriously? Si Shin Jong Hyun, sinisigawan ng cashier na 'to? Hindi niya ba ako kilala? Ang nag-iisang tagapagmana ng SJH Corporation? Nangangati na akong patulan ang babaeng 'to, eh.

"Fu—" Hini ako nakapag-cuss ng tiningnan niya ako ng masama. Argh! Did I just got intimidated?

"Wala na bang ibang flavor? Kahit mocha, coffe, ube, pandan, mango, rocky road at iba pa except strawberry?"

Fuck! I hate strawberry! Particularly, PINK!

"Strawberry na ng lang! Tigas ng ulo, 'di maka-initindi!" Sigaw niya ulit sa akin at pinagtaasan pa ako ng kilay.

Wow! Just wow! Anong klaseng tindera 'to?! Naninigaw ng customer? Sinabihan pa ako ng bobo kasing-kahulugan ng hindi maka-intindi?

Hah! Relax, Hyun. Babae 'yan.

"Hey! What is going on here?!" asked the woman with a sophisticated attire. Kadadating niya lang. Ang may-ari ba 'to?

"This girl—"

"We are just TALKING about the flavor that he is going to buy, MA'AM." The the lady cashier cutted me and answered the woman's question. "Just take this strawberry icecream, Sir." Then she gave me the icecream with a note written on the tissue. It's for free.

"O-Okay. Thanks!"

Kinuha ko na lang ang icecream na hawak niya at medyo napapitlag ako. Para kasing may kuryente. Si Volta yata 'to! Nasagi ko lang sandali ang kamay niya pero para bang may dumaloy na electricity papunta sa katawan ko. Cliche!

"Come again, Sir." She even bowed. I just smiled and walked away.

Napakunot-noo ako. Anong nangyayari?

"Don't lie to me, young woman! I heard the argument between you and that customer!"

"I'm sorry, Ma'am. It's just about the flavor."

"Next time, you must be more patient! Paano ka matuto kong ganyan ang ugali mo?! This store is just a piece of cake—"

That was the last thing I've heard before I closed the door. Masisisanti kaya siya? Tsk. Never mind! Why would I care?! It's her fault too.

Pumasok agad ako sa loob ng kotse ko. Wala na akong magawa kundi ang kainin itong strawberry icecream. Aish! I really hate pink! Pahamak na babaeng 'yon!

But wait... Pwede ko namang itapon 'to ah? Pero... sayang kasi.

"Fine! I'll eat it."

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon