SEVENTEEN

101 5 0
                                    

Zyra's POV

"Zy, anong pinag-usapan niyo kanina?" tanong ni Zac sa akin habang pauwi kami sakay sa big bike ko.

"Tss... Chismoso ka rin ano?" sagot ko at mas binilisan ang takbo ng motor.

"Ahhh! Bagalan mo naman! Ayaw ko pang mamatay!" awat ni Zac na napahigpit ang hawak sa beywang ko.

"Hoy! Nagti-take advantage ka na ah!"

"Saan mo ako gustong kumapit? Sa buhok mo? Sige kung gusto mong makalbo kita!"

"Ikaw talaga! Hindi ka nauubosan ng sagot! Kumapit ka na nga lang ng maigi. Babakla-bakla ka kasi e! Kay laki mo pa namang tao!"

"Nilalait mo na naman ako!"

"Tahimik." Binilisan ko ulit ang takbo. Ang sarap niya talagang asarin.

"Ahhh! Zy-ko!" sigaw ni Zac at napayakap na talaga sa akin.

"Hahaha! Feel na feel mo na ang pagyakap sa akin, ah! At saan mo naman napulot ang Zy-ko? Bagong code name ko?"

"Zyra ko. Zyko," bulong niya. Akala niya siguro hindi ko siya narinig.

"Tsk. Baliw!" Napapangiting sabi ko.

"Shit!" Napamura ako sa gulat at inis ng biglang may humarang sa daan. Mabilis pa naman ang pagpapatakbo ko. Muntikan na tuloy kaming matumba dahil sa biglang pag-break ko. Mabuti nalang at mabilis akong nakabalance at natukod ni Zac ang mga paa niya.

Agad akong bumaba sa big bike at lumapit sa mga lokong bakulaw na humarang sa amin. Mga sampu na lalaking malalaki ang katawan ang nasa harapan ko ngayon. May dala silang tubo at itsura palang, malalaman mong mga sira-ulong gangster ang mga 'to.

"Anong problema niyo?! Gusto niyong mamatay?!" sigaw ko sa kanila.

"Hehe. Chillax lang babes... Ganda mo talaga. Kung hindi ka lang namin kilala, aakalain naming isa kang mahinhing binibini. Wahahaha!" Tumawa pa ang mga gunggong.

"Dadaldal pa e! Ano?! Resbakan na!" inis na hamon ko. Nakakagigil e. Muntik ng mapahamak si Zac—este kami kanina.

"Hahaha! Ang tapang mo talaga, 'yan pa naman ang gusto ko," sagot ni Taba at hinagod pa ako ng tingin mula paa mukha niya parang palaka.

"Nasaan na ang mga body guards mo? Natakot na ba?" Sabat naman ng lalaking kamukha ng asong bulldog. Tinutukoy niya ang mga kaibigan ko.

"Tsk. Bakit naman sila matatakot? Eh, kayo nga ang bugbog sarado at hindi makatayo noon." Naalala ko na pala ang mga lokong 'to. Sila ang pipitsuging kalaban namin sa Under Ground Fight last year.

"Aba't—"

"Teyka lang boss, may kasama si Babes," pigil ng isang bakulaw sa akmang pagsugod ni Taba. Sabay silang napatingin sa may likod ko at alam kong si Zac ang tinitingnan nila.

"Damn!" Napamura ako. Nakalimutan ko palang may kasama akong Nerdo.

"Wahahaha! Sino yan? Alalay mo? O Boyprend mo? Wahahaha! Ang laptrep naman ng dyamper niya," tawa ulit ni Taba na kita ang dalawang kulang na ngipin.

Tsk. Sana pala inubos nalang ni Takuya 'yan. Kung makapanglait sa jumper ni Zac, akala mo may alam sa fashion. Puro green ba naman ang suot na damit tapos sapatos na red at may band na kulay yellow sa ulo. Tss. Christmas tree ba siya?

"Huwag niyo siyang idadamay kundi malilintikan kayo sa akin!" banta ko sa kanila. Pero ngumisi lang ang mga gunggong at akmang lalapit sa kinaruruonan ni Zac.

Hindi na ako nagdalawang isip na sugurin ang mga ito kahit sampu pa sila at may dalang mga tubo. Lumapit sa akin ang isa at akma akong papaluin ng tubo pero bago pa lumanding sa akin iyon ay sapul na tumama ito sa mukha niya. Agad itong natumba at biglang nahimatay. Sumugod rin ang tatlo pa sa akin pero agad ko silang sinalubong ng sipa at magkabilang suntok. Tumba ulit. Anim nalang ang nakatayo ng marinig ko ang daing ni Zac. Napatingin ako sa gawi niya. Sinuntok pala siya ng mukhang bulldog.

"Pucha! Patay ka sa akin!"

Agad akong lumapit sa kinaruruonan nila sabay hablot ng leeg ng gunggong at inikot ang leeg niya. Hindi pa yan patay, pinatulog ko lang. Napaatras naman ang natirang lima kasama si Taba.

"Oh, ano? Kaya pa? Hindi man lang ako pinagpawisan sa inyo, e," I smirked.

"Ano pang ginagawa niyo? Patayin niyo ang babaeng 'yan!" utos ni Taba.

"Yaaaaahhhh!" Sabay na sumugod sa akin ang apat habang nakaangat ang dala nilang tubo.

Paglapit nila ay agad akong yumuko upang hindi ako matamaan sabay block sa mga paa nila kaya natumba sila. Agad bumangon ang dalawa sabay palo ng tubo sa akin pero agad akong nakailag. Tsk. Muntikan na.

Malakas kong sinipa ng tatlong beses ang isa sabay suntok ng magkabilaan sa isa pa. Ayun! Tulog. Tatlo nalang.

Bigla akong may naisip at nag-smirked. Agad kong nilapitan ang dalawa pa at agad binigyan ng upper cut, high kick at revolving 360.

"Tsk. So easy. Parang one plus one lang 'to, e," trash talk ko sabay pagpag ng kamay.

"H-Huwag k-ka munang magyabang! Akala mo siguro mapapatumba mo ako? Huh!" pagmamatapang ni Taba.

"Oo nga. Hindi nga kita mapapatumba. Nakakatakot," pangguguyo ko.

"Mabuti at alam mo!" Ngumisi pa si Taba.

"Patawa ka," I sarcastically laughed.

Nilingon ko si Zac na nakaupo sa daan at nakangangang napatingin sa mga nakahandusay na lalaki.

"Hoy, Nerd! Tumayo ka nga diyan," sigaw ko kay Zac. Napatingin siya sa akin at napatayo.

"B-Bakit??" napalunok na sagot niya. Isa pa 'tong patawa e.

"Halika dito," utos ko sa kanya at agad naman siyang lumapit.

"Ano ba?! Mag-uusap nalang ba kayo?" reklamo ni Taba. Hindi naman sumusulong.

"Oh, ayan na!" sabi ko sabay tulak kay Nerd.

"Uy, Zy-ko! " maktol ni Zac at akmang magtatago sa likod ko.

"Psh. Zykohin ko 'yang mukha mo e! Lumaban ka!" Tinulak ko siya ulit.

"Hahaha! Anong akala mo? Iyang duwag na 'yan ang mapapatumba sa ak—"

"Tumahimik ka!"

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sinuntok ni Zac si Taba. Boom! Sapol sa mukha! At ayon, tulog sa isang suntok lang. Cool!

"Woah! Nice job—"

"Zy!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Zac sabay hila sa akin. At sa gulat ko ay bigla nalang siyang natumba. Napamura ako sabay tingin sa isang kalaban na may hawak na baril. May nakatayo pa pala at siya iyong una kong napatumba.

"Hayop ka!"

Akma niya akong babarilin pero naunahan ko siyang tapunan ng tubo na sapol na naman sa mukha niya. Lumapit ako sa kanya at sinipa siya ng ilang beses hanggang sa natumba. Pero agad akong napatigil ng maalala si Zac.

"Damn it!" Lumapit ako kay Zac at nakita kong may dugo sa kaliwang balikat niya. Nanginginig ako habang pinapatayo siya.

"Zac, dadalhin kita sa ospital," sabi ko nang napamulat siya.

"H-Huwag na... H-Hindi ko na k-kaya... Gusto k-ko lang s-sabihin na..." mahina at putol-putol na sagot niya at napapikit ulit.

"Zac!''

"Aray!"

Binatukan ko siya.

"Ang drama mo! Sa balikat ka lang kaya natamaan! Malayo sa bituka 'yan! Ulol!" asik ko.

"Aish! Panira ka naman ng moment e."

"Sasakay ka ba o hahayaan kitang maubusan ng dugo dito?"

"Aray! Ang sakit Zy-ko..." daing niya nang hinila ko siya at pinaupo sa likod ng big bike. Agad na rin akong sumakay at pinaharurot ang takbo papuntang hospital.

"Dahan-dahan naman. Mas tamang ito pa yata ang magiging dahilan ng pagkamatay ko."

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy sa pag-drive. I acted as if his wound is not a big deal. Pero ang totoo...

Kinakabahan na ako. Baka anong mangyari sa kanya. Malalim o daplis man ito, natatakot pa rin ako.

Nag-aalala ako.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon