Zyra's POV
Kating-kati na akong makaalala ulit. Ngunit sa kasamaang palad, wala pa talaga kahit katiting na memorya ang bumalik sa isip ko Pilitin ko man ang sarili, sakit lang ng ulo ang nakukuha ko.
"Ma'am Zyra, uuwi na po ba kayo?"
"Yes, Liza. Ikaw ba?"
"Mamaya na po. Tatambay na muna ako dito. Libre aircon e." Sabay kaming napatawa sa sagot niya.
"Sige. Mauna na ako sa baba, doon ko nalang hihintayin si Zac."
"Okay, Ma'am. Ingat po kayo ni Sir," hagikhik niya.
Tumango lang ako at ngumiti bago umalis. Gusto ko pa sanang samahan siya dahil may gusto sana akong itanong. Siguradong marami siyang alam tungkol sa buhay ko. Kaso... kinakabahan ako sa maaari kong malaman.
Nasa may lobby na ako at nakaupo sa couch nang marinig ko ang pag-uusap ng dalawang employee sa may reception. Hindi kalakasan ang boses nila, pero dahil gabi na at walang customer sa paligid, klarong-klaro ang mga pinagsasabi nila.
"Napapansin mo ba sila? Parang naiilang na sina Ma'am at Sir sa isa't isa. Hindi tulad noon na napaka-sweet nila. Sa sobrang close e parang pinagdikit sila ng glue."
"Oo nga, napansin ko. Grabe lang, talagang pinaglalaruan sila ng tadhana. Akala ng lahat patay na si Ma'am Zyra, tapos bigla nalang nating malalaman na buhay pa pala. Si Sir Zac pa ang nakahanap sa kanya!"
Bigla akong napatigil. Ako at si Zac? Kami pala ang pinag-uusapan nila. Napaayos ako ng upo. Hindi yata nila napansin na nandito ako dahil busy rin sila sa pag-arrange ng mga file.
"Tama ka. Kung hindi nga lang nangyari ang aksidente, siguradong kasal na sila. Ang balita ko noong double birthday party nila ay ang gabi rin sana na magpo-propose na sana si Sir kay Ma'am!"
"Talaga?! Naku, kawawa naman pala si Sir! we"
"Sinabi mo ba! Alam mo bang first love nila ang isa't isa?"
"Oo! Kaya nga maraming naghinayang ng nagkawalay sila two years ago."
"Pero alam mo ba, may isa pa akong napapansin. Mukhang hindi sinabi ni Sir ang totoo kay Ma'am na may relasyon sila noon! Bakit kaya?"
Naikuyom ko ang nanginginig na mga kamay ko. I just heard everything pero parang blanko ang isip ko ngayon. Kahit nawawalan ng lakas ay pinilit kong makatayo at mabilis na lumabas ng hotel. Nag-uunahan ang mga luha ko sa pagpatak. Napunta ako sa may playground at umupo sa swing. Nagsimula akong humagulhol ng iyak. Mabuti nalang at gabi na. Wala ng mga batang naglalaro dito.
Kaya pala kakaiba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Kaya pala parang nangungusap ang mga tingin niya. Kaya pala gustong-gusto ng mga magulang ko na kasama ko siya lage. Kaya pala takang-taka ang mga kaibigan ko noong tinanong ko kung kaano-ano ko siya.
Bakit hindi niya sinabi sa akin ang totoo sa simula palang? Sa anong dahilan at pinaniwala niya ako na siya ay kaibigan ko lang? Bakit tinago nila sa akin ang lahat ng ito?
"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Ang sabi kasi ni Liza e bumaba ka na."
Zac...
Nandito na siya. I know it's him dahil kilalang-kilala ko na ang boses niya. I didn't looked at him. Ayoko siyang tingnan. I'm raging of emotions right now. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
"Bakit hindi ka sumasagot? Teyka, umiiyak ka ba?"
Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa balikat ko. Agad ko iyong iwinaksi.
"Oh—May problema ba?" mahinahon niyang tanong. His voice sounds soothing. But not enough to calm me.
"Sino ka, Zac? Sino ka sa buhay ko?" matigas kong tanong sa kanya habang nakayuko pa rin.
"Ano bang klasing tanong 'yan? I already told you—"
"Ang totoo! Sabihin mo ang totoo!"
Natahimik siya. It was my time to looked at his reaction. He was standing beside me. But not looking at me. Nakatingin siya sa gilid niya.
"Kailan mo balak itago sa akin na... b-boyfriend kita?"
"Alam mo na pala," he whispered. Not talking to me but to himself.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?! May karapatan akong malaman, Zac! Pinagmukha mo akong tanga!"
Tumayo ako at nilapitan si Zac. Buong lakas ko siyang tinutulak-tulak sa dibdib. Hindi na siya umimik pa at hinahayaan lang akong saktan siya.
Nang mapagod ay napaupo nalang ako ulit at patuloy na umiyak. Ramdam kong nakatayo lang siya sa harap ko at matamang nakatingin sa akin.
"Bakit nagawa mo ito sa akin?" tanong ko habang humihikbi.
"Ayoko lang na mabigla ka."
"Anong klasing rason 'yan?! Syempre, hindi naman 'yon maiiwasan!"
He stayed silent for a while. My quite sob continued.
"Bakit, Zy? Kaya mo ba akong tanggapin kahit hindi mo ako naaalala?"
Napatingin ulit ako sa kanya. And I saw pain in his eyes. His getting teary while he gritted his teeth. Mas nangingibabaw naman ang galit ko sa pagsisinungaling niya. I was completely lost with the disappointment and betrayal I felt so I ended up adding fuel in his burning pain.
"Hindi nga kita kilala."
I pushed him hard again that made him fell to the ground. Mabilis akong umalis. I didn't looked back at diretsong lumabas ng resort. Mabuti nalang at may nakaparadang taxi kaya agad akong nakasakay.
Halo-halo ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ako lubos na makapaniwala na boyfriend ko pala si Zac. Na may nakaraan pala kami. It felt so unreal. Dahil sa totoo lang, kahit may pagtatampo akong nararamdaman sa kanya, hindi ko rin naman mapipigilang... matuwa. Dahil unang kita ko palang sa kanya sa probinsya, naramdaman ko na ang kakaibang tibok ng puso ko.
I tried to ignore it but I couldn't deny it today.
Ang nakakalungkot lang ay hindi ko pa rin siya naaalala. Wala pa rin akong natatandaan sa buhay ko two years ago.
Ang sabi nila ay magpo-propose na sana siya... Totoo kaya? Ganun na ba niya ako kamahal na gusto niyang makasal na kami? Anong klasing relasyon ba mayroon kami noon?!
"I badly want my memory back."
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...