TWENTY-FOUR

78 4 0
                                    

Zyra's POV

I yawned and streched my body when I woke up. "Ba't hindi ako ginising ni Nay Ellen?" sabi ko habang nakapikit ang mga mata.

Ang gaan ng pakiramdam ko. Mas malambot yata ang kama ko ngayon. Tapos ang lamig pa rin ng kwarto ko. Sa pagkakaalam ko ay naka-off na ang aircon tuwing paggising ko, dahil nakagawian na ni Nay Ellen na gawin iyon.

Gumulong ako sa kama habang nakapikit pa rin. Ang sarap matulog ulit. Kakaiba talaga kasi ang lambot ng kama ko ngayon.

T-Teyka! Ano 'to? May katabi ako?

Napadilat ako bigla at nakita kong may lalaki akong katabi sa kama.

"Ahhh! Sino ka?!" Sa pagkabigla ko ay nasipa ko siya na naging dahilan ng pagkahulog niya sa kama.

"Aray! Ano ba?! Ba't ka nanunulak?! Ang ingay-ingay mo pa! Kitang may natutulog pa e!" sigaw niya pabalik at humiga ulit sa pwesto niya.

What the heck?! How dare this alien?!

"Hoy! Kung sino ka mang trespasser ka, humanda ka't tatawag ako ng pulis!"

Argh! Sino ba siya? Hindi ko siya kilala! Ngayon ko lang siya nakita. Kahit ang gwapo niya sa suot niyang dark blue na pajama ay wala akong pakialam!

"Ano ba?! Inaantok pa ako!" sagot niya sabay talukbong ng kumot.

"Hey, you! Get out of my bed!" Tumayo ako sabay hila sa kumot. Kung hindi siya natatakot sa pulis ay ako na ang magpaparusa sa kanya. Kaya kinuha ko ang dalawang kamay niya at inilagay sa likod niya.

"Aray! Zy-ko naman e! Aray!"

S-Shit! No fucking way!

"Zac?!" bulalas ko.

OMG. Si Zac pala ito? As in si Zac Ken Rain? Si Nerd?!

"Damn! Sorry! Dumugo na ang sugat mo." Dali dali akong lumapit sa kanya sabay sapo sa sugat niya sa balikat.

"Okay lang. Magsha-shower lang ako para malinis na rin 'to," namimilipit na sagot niya sabay hubad sa t-shirt niya sa harapan ko. Mabilis akong napatalikod dahil sa ginawa niya.

Pambihira! Anong trip ng Zac na 'to?! Tsk. Biglang uminit dito, ah? Sira ba ang aircon nila?

Pumasok na siya sa CR na nasa loob lang rin ng kwarto. Grr! Ngayon ko lang na-realize na hindi pala sa akin ang kwartong ito. Bumalik na sa alaala ko ang mga nangyari kahapon.

"Hoy! Nerd! Saan ako maliligo?" natanong ko sabay tingin sa suot ko. "Sinong nagbihis sa akin?!"

Ngayon ko lang ulit napansin na iba na pala ang suot ko. Kaya pala ang comfy ko, dahil maluwag ang suot ko.

"Si Yaya nagbihis sa'yo. 'Wag kang assuming," sagot niya mula sa CR.

Psh. Assuming daw. I'm not!

"Nagtatanong lang ako." Umirap ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

He chuckled in response. Baliw na siya. Tawa ng tawa. Bakit ang saya niya? Dahil ba hindi ko siya nakilala? Dahil ang gwapo niya—este basta! Iba ang itsura niya.

"Gusto mo bang maligo?" tanong niya pagkalipas ng ilang dekada. Ang tagal niyang maligo. Hindi man lang siya nahiyang paghintayin ako dito.

"Oo, sana," I replied. "Kaso...."

Wala pala akong extra na damit. Siguradong kay Zac itong suot ko ngayon. Pero kung pahihiramin niya ako ulit, paano ang...

"Wala kang underwear?" tanong niya sabay tawa.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon