Zac's POV
"What?! Sumunod sa akin si Zyra?!" gulat kong sigaw ng tawagan ako ni Yong.
"Yes, Bro. As of now, nakarating na siguro siya diyan sa Japan."
"Pero hindi ako tuloyang umalis!"
"What?!"
"Na-realize ko kasi na hindi ko siya kayang iwan. That I love her so much and I will never give up no matter what."
"Naloko na."
Natahimik siya sa kabilang linya. Napabuga naman ako ng malalim na hininga.
"B-Bakit daw siya sumunod sa akin?"
"She remembers everything, Zac."
Natigilan ako. Uminit ang tenga ko. Naghalo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Hanggang sa tuloyan akong napangiti.
Sa wakas, naaalala na niya ako!
Pero...
Zyra's POV
Masaya akong dumating sa lugar na ito. Ngunit agad rin iyong napalis ng malamang wala pala akong mapapala dito.
"Zac naman e, nasaan ka ba? Akala ko ba nandito ka? Hindi ko pa ma-contact ang number mo!"
Gustong ngumawa ng iyak nang malaman kong walang naka-check-in na Zac Ken Rain sa hotel na sinabi ni Yong. Ako nalang ang nagpatuloy sa pina-reserve na kwarto para may matulogan ako ngayong gabi. Hindi ko alam kung saang lupalop ko siya matatagpuan. Kanina ko pa kinikontak si Yong sa social media accounts niya pero hindi naman naka-online.
Lumipas ang gabi na hindi ako lumalabas ng kwarto. Hindi na nga ako kumain. Ngayong umaga na ay wala pa rin akong gana. Naiinis ako. Nalulungkot. Ewan, gusto kong manapak!
Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang cellphone ko. Pero nawala ang excitement ko nang makitang si Mommy lang pala ang tumatawag sa messenger ko. Agad ko naman iyong sinagot ng maisip ko na baka alam nila kung nasaan si Zac.
"Hello, Mom?"
"Oh 'Nak, kumusta ka diyan? Nagkausap na ba kayo ni Zac? Anong reaksyon niya?"
Napasimangot ako. Wala rin pala silang alam. Paano na 'to?
"Not okay. Hindi pa. Wala," walang ganang sagot ko. Siguradong hindi niya maiintindihan ang sagot ko. Sunod-sunod ba naman kasi kung magtanong.
"Huh? Anong—Rico!" Narinig ko ang kaluskos sa kabilang linya. Nag-agawan na naman sila ng cellphone.
"Princess? Ang Daddy mo 'to."
"Hello po," matamlay kong sagot.
"May problema ba, anak? Ano, magkasama na ba kayo ni Zac?"
"Wala po siya dito e," parang batang sumbong ko. Napaiyak pa ako at suminghot-singhot.
"Anong wala?! May nangyari ba sa inyo at paggising mo'y iniwan ka na?! Sabihin mo at tatadtarin ko ang lalaking 'yan!!"
"Dad! Hindi po!"
Kahit hindi nila ako nakikita ay napayuko ako sa hiya. Naramdaman ko pa ang pamumula ng pisngi ko. Tsk. Sobrang advanced naman mag-isip ng Daddy ko.
"I mean, wala si Zac dito. Mukhang hindi siya tumuloy. At hindi ko alam kung nasaan ba talaga siya ngayon. Hindi ko naman ma-contact si Yong, siguradong napagsabihan siya kung nagbago man ang isip ni Zac," malungkot kong saad.
"E, ano ng plano mo? Babalik ka nalang ba dito?"
"Opo. Pero bukas na. Mabuti pang mamasyal nalang ako ng isang araw dito. Para makapag-isip na rin."
"Oh siya, tawagan mo nalang kami bukas para masundo ka. Mag-ingat ka diyan."
"Opo at kayo rin po. Bye."
Pagkatapos patayin ang tawag ay napahiga ako sa kama at matamang tinitigan ang kisame. Pumikit ako sa sandali at ni-relax ang katawan ko. Maya-maya ay naghanda na akong lumabas.
Naisipan kong magpunta sa lugar na maraming cherry blossoms. Mukhang magandang mag-emote doon. Alone ang drama ko. Tsk!
Umupo ako sa isang bench na nasa lilim ng puno pagkadating ko. Nang ilibot ko naman ang paningin sa paligid, napasimangot ako.
"Sige lang, ipamukha niyo sa aking wala akong partner! Tss."
Ang dami ba naman kasing mga lovers sa paligid. May naglalakad na magka-holding hands, meron ring magkayakap at magkatabing nakahiga sa bermuda grass.
"Kung nandito lang sana ang nerdong 'yon e." Hindi ko napigilan ang pagkabasag ng boses ko. Hanggang sa nagtuloy-tuloy na nga sa pagbagsak ang mga luha ko.
Naiisip ko si Zac, ang mga panahong nasayang na hindi kami nagkasama. Tapos ngayon ay pinagkakait na naman ng pagkakataon ang magkita kami.
"Gusto ko ng maging okay na ang lahat. Nais ko nang makasama ulit ang lalaking mahal ko." Marahan kong pinagdaop ang mga palad ko. Sa ganitong mga problema, alam kong Siya lang ang makakatupad ng tanging hiling ko.
Zac's POV
I saw her crying under a cherry blossom tree. Kanina ko pa siya sinusundan. Hinintay ko siyang lumabas sa kwarto niya simula pa kaninang umaga.
Nakita ko kung gaano siya katamlay habang naglalakad ng mag-isa. Nakita ko ang lungkot sa mga mukha niya ng makita ang ibang magkapareha. Iniisip niya ba ako? Naalala na niya talaga ako? Did she missed me?
When I saw her hands covered her face and she started to sobbed, hindi na ako nakapagpigil pa. Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Sino ka—Zac?!"
She immediately recognized me. My heart skipped a beat. Ang saya ko. Ang saya-saya ko! Kaya mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya.
"Zy-ko! I missed you so much!"
Naramdaman ko ang pagyugyog ng ulo niya sa balikat ko. I don't know the reason of her tears. Is it because she's happy to see me? I hope so.
"S-Sorry. Sorry at nasaktan kita dahil sa hindi ko sinabi sa'yo ang totoo," I told her. Nag-iinit na ang mga mata ko. Bumibigat na ang paghinga ko.
"I should be the one to say sorry. Kasi naging narrow-minded ako. Imbes na intindihin ang sitwasyon ay nagalit pa ako. Sorry din kung naparamdam ko sa'yo na ayaw na kitang tanggapin sa buhay ko. I'm so sorry, Zac. The truth is, kahit hindi pa bumalik ang alaala ko, nararamdam ka pa rin naman ng puso ko," madamdaming saad niya habang nakayakap pa rin sa akin.
Hindi ko na napigilan ang pagbugso ng masayang damdamin ko. Tuloyan ng tumulo ang mga luha ko.
This feeling... I really missed it a lot. God, I really really love this woman I'm embracing now.
"Forget it, Zy... Let's just lay it in the past. For now, I want us to start all over again."
Naramdaman ko ang pagtango niya kaya napangiti ako. I don't care kung pinagtitinginan na kami. Basta masaya ako at nayakap ko na ulit ang babaeng mahal na mahal ko.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na yata kaming magkayakap. Humihikbi pa rin siya pero pahina na ng pahina. Hinahayaan ko lang siyang ilabas lahat ng bigat ng kalooban niya.
All the pain and struggles I felt faded like it didn't even exist. As long as kasama ko siya, wala na akong mahihiling pa. Handa akong kalimutan lahat ng mali at sakit basta para sa kanya.
"I love you so much. Aishiteru, Zy-ko."
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...