Zac's POV
Pinalibutan kami ng kalaban kaya na trap kaming lima sa gitna.
"Zac, kaya mo ba ang apat?" tanong ni Yong sa akin.
"Susubokan ko," sagot ko sabay sugod sa papalapit na kalaban.
Si Shin naman ang pinunterya ng leader nila. Talagang may galit ang loko na iyon sa kanya.
"Aray!" Tukneneng! Nasuntok ang gwapo kong mukha.
"Hahaha! Lampa naman pala ng baguhan na 'to," proud na sabi ng sumuntok sa akin. Pinalibutan nila akong apat.
"Huh! Nasuntok lang lampa agad?! Ulol! First and last na 'yon, gago!" sabi ko sabay patama ng isang suntok sa mukha niya. Tumama ang kamao ko. Sapol sa ilong niyang dumugo.
Agad namang nagsilapitan ang tatlo sa akin dala ang kanilang batuta. Nakaiwas naman ako ng sabay nila akong hampasin.
"Mukhang mahihirapan ako nito," bulong ko sa sarili ko. Todo ilag lang ang nagawa ko at hindi ko na sila magawang patamaan.
Nang makatyempo ako ay na-block ko ang paa ng dalawa kaya natumba sila. Agad ko namang binigyan ng high kick ang isa at malakas na upper cut ang isa pa. Habang nakatumba pa sila, kinuha ko ang dalawang batuta na natapon nila.
"'Wag kang magmagaling bata. 'Di mo kami matatalo sa lagay na 'to," sabi ulot ng gunggong at napatingin sa paligid. Nakita kong nahihirapan at panay ang tumba ng mga kasama ko. Swerte lang yata at napunta sa akin ang mga mahihina.
Napatingin ulit ako sa kanila ng marinig ko ang mahinang click. They are now holding knives on thier both hands.
"Makakatakas ka pa ba ngayon?" Puro trash talk lang ang alam ng gago. Akala mo kung sinong gwapo! Ang layo ng agwat ng paa ko sa mukha niya! Mayaman nga, pero hindi man lang yata siya marunong gumamit ng sabon sa mukha!
Napahigpit ang hawak ko sa dalawang batuta at naka-fighting stance pa ako. Astig. Pero kinakabahan na ako. Putragis! Ayaw kong magkasugat ang gwapo kong mukha.
"Shit—" Muntik na akong magalosan sa mukha. Mabuti nalang at nakaiwas ako. Pero pucha, tumama sa braso. Ang sakit!
Lumabas ang inis ko kaya alam kung napapalakas na ang hampas ko. Natamaan ko sa ulo ang isa kaya mabilis siyang nawalan ng malay. Sana lang wala akong mapatay kahit na ang sarap ipalapa sa leon ng mga gagong ito. Hindi ko alam kung anong pinaglalaban nila.
Bumirit pa ang isa at akma akong sasaksakin sa likod pero naging alerto ako at sinipa siya sa may tiyan at sa ulo. Sa lakas ng patama ko ay nahimatay na din siya. Sulit talaga ang pag-aaral ko ng karate nitong mga nakaraang buwan. Nagawa ko iyon dahil gusto ko sanang mapa-impress si Zyra. Ayoko ng nililigtas niya ako. Ako na ang mag-aalaga sa kanya.
"Two down," I said pagkatapos pahirin ang dugo sa gilid ng labi ko. Nasuntok ako ng kabilaan ng dalawang ugok. Kainis!
Woosh!
"Gago ka ah!" sigaw ko ng bigla akong tinaponan ng patalim. Nakailag ako pero kunti nalang sana ay babaon na iyon sa katawan ko.
Wala ng paligoy-ligoy pa at sumugod ako sa dalawa sabay sipa at hampas ng batuta. Kung saan-saan na sila natamaan kaya nabitawan ng isa ang dala niyang kutsilyo.
Para fair ay binitawan ko na rin ang dalawang batuta at binigyan ng walang tigil na sipa ang isa hanggang sa hindi na siya makatayo pa.
Ang mali lang ay nawala ang atensyon ko sa isa kaya nahampas niya ako ng batuta sa may batok. Nadapa ako at tila nag-black ang paningin ko.
Sinipa niya ako ng dalawang beses kay napabuga ako ng dugo.
Pilit akong umiwas ng bigla niya akong inimbahan ng saksak. Gumulong ako. Agad na bumangon kahit nakaramdam ako ng sakit sa katawan.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...