Zac's POV
"Ano po ba ang mga kailangan niyong bilhin?" tanong sa akin ni Myla.
"Just foods and beer."
Napatingin siya sa akin ng marinig ang huling sinabi ko. Nagtatanong ang mga mata niya pero hindi rin naman isinatinig.
"Anong klasing mga pagkain ang gusto mo?" tanong niya ulit habang papasok na kami sa palengke.
"Vegetables, meats, bread and fruits."
Nagsimula na rin siyang maghanap sa mga sinabi ko. Natapos kami sa pamimili na may tatlong malalaking plastic. Hawak ko ang dalawa sa magkabilang kamay habang dala-dala niya ang isa pa. Agad ko namang nilagay sa backseat ang mga iyon.
"May kilala ka bang labandera? Hindi kasi ako marunong maglaba," sabi ko kay Myla pagkapasok namin sa loob ng kotse. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa bago niya ako sinagot.
"Oo. May kaibigan ako. Gusto mo puntahan natin ngayon?"
"Huwag na muna. Marami pa naman akong damit na maisusuot," I smiled and she nodded.
Paaandarin ko na sana ang sasakyan ng makita kong hindi pala naka-seatbelt si Myla. Nilapitan ko siya at ikinabit iyon. Napansin ko ang pagpigil niya ng hininga dahil sa ginawa ko.
"T-Thank y-you," she quickly bowed. I just patted her head in return.
Pinaandar ko na ang sasakyan. Hindi pa nga kami nakakalayo nang may biglang tumawid na babae. Mabilis akong napapreno. Nakita ko ang pagbagsak ng babae kaya dali-dali akong bumaba at agad siyang nilapitan.
Bigla akong kinabahan. Tila may nagkakarerang mga kabayo sa dibdib ko. Hindi ko alam ang dahilan. Marahil ay dahil sa muntik na akong makasagasa.
"Miss, okay ka lang? I'm so sorry. Natamaan ba kita? Halika, dalhin na kita sa ospital. Teyka, may hospital nga ba dito?" Tinulongan ko siyang tumayo mula sa pagkakaupo.
"Okay lang ako. Pasensya na at bigla rin akong tumawid. 'Di ko naman kasi akalain na may kotse na dito," paumanhin niya habang pinapagpag ang mahaba niyang saya. May dala siyang bayong na wala pang laman. Hindi ko naman makita ang mukha niya dahil nakatabing ang itim at mahaba niyang buhok.
"Sabi ko na nga ba't ikaw 'yan e! Okay ka lang ba?" Biglang lumapit sa amin si Myla na sumunod pala sa akin.
"Myla, ikaw pala. Okay lang ako. Nawalan lang ng balanse dahil sa gulat."
Bigla yatang tumigil ang paligid nang makita ko ang mukha ng babaeng may matamis na ngiti sa labi niya.
I-Impossible!
"Z-Zyra?"
Parehong nabaling ang atensyon nila sa akin. Hindi makapaniwalang napapatitig at napahawak ako sa mukha ng babae.
"P-Po? Hindi ako si Zyra. Nagkamali yata kayo. Pasensya na pero nagmamadali kasi ako. Myla, mauna na ako." Maingat na tinabig niya ang kamay ko at mabilis siyang nakaalis.
Gusto ko siyang pigilan sa kanyang pag-alis. Pero parang may nakahawak sa paa ko kaya hindi ko maigalaw, parang nawalan ako ng boses at tanging pagbuka lang ng bibig ang nagawa ko. Hindi pa rin makapaniwalang nakatingin lang ako sa paglayo niya.
"Ken? Okay ka lang?"
Natauhan ako nang biglang hawakan ni Myla ang balikat ko. Napatingin ako sa kanya at nang lingonin ko ulit ang babae, hindi ko na siya nakita.
"Halika't bumalik na tayo sa kotse mo. Umaambon na."
Hindi pa rin ako makapagsalita. Namalayan ko nalang na hinihila na ako ni Myla. Wala sa sariling pumasok na rin ako sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...