SEVENTY-FIVE

6 0 0
                                    

Zyra's POV

"Dalawa lang ang pwedeng patutungohan ng amnesia niya. It's either makakaalala pa siya or hindi na," madiing sabi ng doctor.

"Alin po sa dalawa ang mas possibleng mangyari?" I asked him.

"Maaari kasing matagal bumalik ang alaala mo kasi walang mga tao, lugar o pangyayari na nagpapaalala sa'yo," sagot niya sa akin, pagkatapos ay bumaling siya sa mga kasama ko. "Kaya subukan niyong e-kwento ang mga pangyayari sa kanya noon at dalhin siya sa lugar na marami siyang alaala. Dahil kung magtatagal pa ng ilang buwan ang kanyang amnesia, one thing is for sure..." He faced me again. "You won't remember anything from your past permanently."

Nagkatinginan ang mga magulang ko. Tahimik namang nakikinig ang limang lalaki na sina Zac, Shin, Yong, Casper at Takuya.

"I won't prescribe any medicine. But please do my advices. It's the fastest way for her recovery."

"Salamat, Doc. We'll surely do it as you say so," ayon ni Papa at tumango naman ang doctor.

Tahimik lang kaming lahat sa byahe pauwi. Parang nag-iisip sila ng mga pangyayari na maaaring e-kwento sa akin.  Nakarating kami sa bahay na tahimik pa rin. Pati sa pag-upo, wala pa rin silang imik. Naiilang na tuloy ako. Feeling ko, pasanin at abala lang ako sa kanila.

"Maaari ba akong humingi ng pabor sa inyo?'' biglang tanong papa ko. Napatingin kaming lahat sa kanya. "Sa mga taon na nagdaan, alam kong kayo ang kadalasang kasama ng anak ko. At nakakahiya mang aminin, mas kilala niyo siya kaysa sa amin. At nais ko sanang... hingin ang inyong tulong."

"Kayo lang ang makakapagpabalik ng alaala ng anak ko. Gaya nga ng sinabi ni Rico, kayo ang magkabarkada, mas marami kayong moments sa isa't-isa. Sana ay matulongan niyo ang anak ko," pagmamakaawa ng Mama ko.

"Syempre naman po. Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya," sagot ni Yong at tumango naman ang iba.

Napayuko ako at napaisip. May nae-kwento na si Shin sa akin at may mga lugar na din akong napuntahan. Nakakaramdam ako ng familiarity pero wala pa rin akong matandaan sa mga iyon. Siguro, alam na ng puso ko pero hindi ng isip ko.

"Mas madaling makakaalala si Zyra kung ang taong lage niyang kasama bago ang aksidente ang unang gagawa ng hakbang," dagdag ni Papa.

I raised my head to looked at them again. Nakita ko silang lahat na nakatingin kay Zac na nakayuko at nakadaop ang mga palad. Nangunot ang noo ko.

Bakit kakaiba ang tingin nila sa kanya? Ibig bang sabihin... Siya ang lage kong kasama bago ako naaksidente? Bakit siya? Akala ko ba si Shin ang pinaka-close ko sa kanilang lahat?

Talagang...

May itinatago sila sa akin.

Zac's POV

Nasa rooftop ako ng company building namin, kasama ko si Zyra. Gabi na at malamig ang simoy ng hangin. Magkatabi kaming nakatayo at nakatunghay sa naglalakihang buildings sa syudad. Mailaw ang lugar kaya magandang tingnan kapag gabi.

Naalala ko tuloy na lage rin kaming nakatambay dito noon. Magkahawak ang kamay habang nakatingin sa langit. At kapag may nakikita kaming falling stars, ngingiti lang kami at titingin sa isa't isa.

Hindi ko na kailangang humiling pa. Ano pang silbi e hawak na kita.

Napangiti ako sa biglang naisip. Ang mga katagang iyon ang parehong sinambit ng mga puso namin. Specifically, I told it to her. But I also saw it in her eyes, that it was what she wanted to say too.

"Is it a happy memory?"

"Huh?" Napalingon ako sa katabi ko. Sandali kong nakalimutan na kasama ko pala siya. Miss na miss ko na kasi ang alaalang iyon. Gusto ko iyong maulit muli.

"I saw you smiled. Mukhang may naisip kang magandang alaala."

"Yeah. I suddenly remembered a happy memory."

"Pwede mo bang sabihin sa akin?''

"Talagang sasabihin ko sa'yo. Dahil alaala nating dalawa 'yon."

Natigilan siya at napaiwas ng tingin. Napasobra yata ang titig ko kaya nailang siya. I need to control myself. Kagustohan kong maalala niya ako ng kusa kaya dapat pangatawan ko ito.

"Talaga? Gusto kong malaman. Kaya pala dinala mo ako dito dahil mayroon akong alaala sa lugar na 'to," sagot ni Zyra.

I sighed and faced the city view.

"We used to do star gazing here. Sa tuwing pareho na tayong pagod sa trabaho, dito tayo nagpapahinga."

"T-Tayo lang ba? Hindi kasama sila Shin?"

"Ikaw lang at ako. Wala ng iba."

Zyra's POV

Hindi ko talaga mapigilang mag-isip at magduda kay Zac. May iba kasi akong nararamdaman sa kanya. Pero hindi ko alam kung masama o maganda ba ang pakiramdam na ito.

"Ma?" tawag ko sa kanya habang nagdidilig kami ng mga halaman.

"Yes?"

"Si Zac po ba ay talagang matalik kong kaibigan?"

"Of course! Hindi nga kayo napaghihiwalay noon e. Bakit mo naman naitanong?"

Napakunot ang noo ko. Nababanggit nilang close kami ni Zac noon. Pero bakit si Shin ang sinabi ni Zac na pinakamalapit kong kaibigan? Bakit magkaiba ang kanilang sinasabi? Ano ang kaibahan ng pinaka-close ko si Shin at hindi kami napaghihiwalay ni Zac?

"Ahm, ano po kasi... May kakaiba akong nararamdamn kay Zac. Baka kasi nagkaaway kami noon." I choose to tell her my feelings. Baka may makuha akong sagot sa kanya.

"Nah! Nagkakamali ka. Ang totoo nga ay kung hindi ka lang naaksidente, kasal na—" Tumigil siya sa pagsasalita.

"Po?"

"K-Kasal ni C-Casper. Makaka-attend sana kayo!" natarantang sagot niya at bumalik na sa pagdidilig ng halaman.

Kasal?

Biglang tumibok ng napakabilis ang puso ko. Ito ang ikalawang pagkakataon na narinig ko ang salitang iyon. Una ay sa kapatid ni Zac at ngayon naman ay kay Mama.

Bakit ako nakakaramdam ng ganito? Bakit nang bumalik ako dito, gumulo na ang isip at nararamdaman ko?

Gusto ko ng malaman ang lahat!

Gusto ko ng makaalala ulit!

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon