Zyra's POV
"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman niyo ang buong pagkatao ko," sagot ko kay Shin at napayuko.
"Boss Z, ano ba kasing problema? Bakit ayaw mo kaming pagbuksan ng pinto ng buhay mo? Magkaibigan naman tayo, diba?" madramang tanong ni Takuya. Napangiti tuloy ako at binatukan siya.
"Aray! Ba't mo ako binatukan?'' maktol niya.
"Ikaw kasi. Ang lalim makapagsalita, akala mo naman hindi isip-bata. Tss! Hindi bagay," pabirong irap ko.
"Isa pa 'yan. Madali kanang napapangiti. Simula noong dumating si Zac, nag-iba ka na," sabi naman ni Casper.
Oo nga pala. Napapansin ko rin iyon sa sarili ko. Pero, may masama ba sa ngumiti? Akala ko ba kaibigan ko sila? Ayaw ba nila akong makitang masaya?
"Hindi naman sa ayaw ka naming makitang nakangiti o masaya. Mabuti nga iyon e. Nagtataka lang kami kung bakit marami kang tinatago sa amin? Pero bakit pagdating kay Zac, kakaiba ka at okay lang na ihatid ka niya?" paghihimutok ni Yong.
"Magaan kasi ang loob ko sa kanya. At tsaka tulad niyo, wala rin naman akong masyadong sinasabi sa kanya. Sa pag-uwi ko lang siya kasama dahil—"
"Bakit Zee? Hindi ba magaan ang loob mo sa amin? Sa kabilang banda, mas matagal ka naming nakasama at naging kaibigan. Hindi pa ba sapat iyon para pagkatiwalaan mo kami?" angal ni Shin.
"I said that I have my reasons! Kung kaibigan ko talaga kayo, maiintindihan niyo ako!" Nakaramdam na ako ng inis.
"Ano ba kasing problema Zee? May mali ba sa pamilya mo kaya ayaw mong sabihin sa amin? Gaano ba ka big deal iyon ha? Killer ba kayo?Mahirap ba kayo? Ano?! Tatanggapin ka naman namin kahit sino ka pa e!Kung ano man 'yang problema mo, sabihin mo sa amin. Baka nga, makatulong pa kami sa'yo," pagsusumamo pa ni Shin.
"Ayoko nga! Mahirap bang intindihin 'yon? Hindi ko kailangan ng tulong niyo! At pwede bang pabayaan niyo nalang ako sa disesyon ko?!" sigaw ko sabay alis.
Alam kong nagugulahan na sila. Alam kong mali nga itong ginagawa ko. Siguro, hindi big deal itong problema ko para sa kanila. Pero para sa akin. Malaki ito. Malaking-malaki na naging resulta sa pagiging bato ng pagkatao ko, ng galit ko kay Mommy at pag-gulo ng buhay ko.
Ayaw kong kaawaan nila ako. Ayaw kong sabihin sa kanila dahil alam kong manghihina ako. Ayaw kong sabihin sa kanila dahil ayaw kong madamay sila sa galit ko. At ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang maalala ang pangyayaring iyon lalo na't may pagkakatulad sila sa Daddy ko, na akala ko makakasama ko ng matagal, pero bigla nalang kaming iniwan.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...