Shin's POV
"Parang may kulang talaga kapag wala si Boss 'no?" biglang tanong ni Takuya.
"Tama ka. Para tayong army na missing ang commander," sagot naman ni Casper.
"Lalim ah!" sabat ni Yong.
Nandito kami ngayon sa may field ng school. Kanina pa nag-uusap ang tatlo habang tahimik lang akong nakikinig sa kanila.
"How about you, Shin? You miss Boss too?" baling ni Casper sa akin.
"Nah! Tinatanong pa ba 'yan?" Nakangising sabi ni Yong sabay nag-aper sa dalawa pa.
"Tss..."
"Bakit 'di nalang natin bisitahin si Boss sa kanila?" suggest ni Yong.
"Bright idea!" sabay agree nina Casper at Yong.
Walang sabi-sabi ay tumayo na ang tatlo kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa pag-alis nila.
Syempre...
I miss her too.
...
Pagdating namin sa labas ng bahay nila Zee...
"Ikaw na mag-doorbell, Yong."
"Bakit naman ako? Itong si Casper ang utosan mo Takuya, 'wag ako."
"Oh? Bakit nasali na naman ako diyan? Magbato-bato pick nalang kayo!"
Tss... Pati pag-doorbell pinagtatalunan pa ng mga gunggong.
Lumapit ako sa may gate sabay pindot ng doorbell. Agad rin akong pumasok ulit sa kotse pagkatapos kong makita si Nay Ellen sa monitor at akmang bubukasan na ang gate.
Sumunod na rin ang tatlo at agad na naming pinarada ang bawat kotse sa loob.
"Mabuti naman at napasyal kayong apat," salubong sa amin ni Nay Ellen.
"Matagal-tagal na po kasing 'di namin nakasama si Zyra, busy kasi sa school kaya naisipan naming bisitahin siya," paliwanag ni Yong.
"Oo nga pala. Malimit na kasi siyang pumasok sa skwela nitong mga nagdaang araw. Ngayon nga ay hindi rin pumasok," sagot ni Nay Ellen. Sinabayan niya kami papasok sa loob ng bahay. "Tama ang pagpunta niyo dito. Nandito ang parents ni Zyra."
Biglang natigil sa pag-aasaran sina Casper at Takuya. Nagkatinginan naman kami ni Yong.
As far as I can remember, mother lang niya ang kasama niya. So, does it mean na nandito na rin ang dad niya?
Naging pormal kaming apat ng papasok na kami sa sala.
At...
"Daddy please... punta tayo sa Hong Kong. I love to visit Disney Land."
Nakita naming naglalambing si Zyra sa daddy niya. The tiger we used to know become a sweet kitten now.
"Hahaha! Para kang bata, princess. Why not in Boracay nalang or some other beaches?" natutuwang suhestiyon ng Dad niya. Para kaming tuod dito na nanunuod sa bagong character ni Zee.
"But Dad, I want to go there! Mom... Please tell—" Nanlaki ang mata ni Zee ng mabaling ang tingin niya sa amin.
"Hi Boss!\Hi Zee!" sabay naming bati ng biglang nagdilim ang aura niya habang matalim na nakatingin sa amin.
"What are you all doing here?!"
"Binibisita ka. 'Di ka na kasi nagpapakita sa amin," sagot ko at umupo sa sofa na katapat ng inu-upoan nila ng parents niya. Sumunod naman sa akin ang tatlong mokong.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...