Zyra's POV
"Zyra, gising na. May klase ka pa mamaya."
Napadilat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Nay Ellen. Pero napapikit ako ulit ng masilaw ako sa liwanag nang inalis niya ang kurtina ng bintana.
"Nay, hindi muna ako papasok. Gusto ko pang matulog," sagot ko sabay yakap ng unan at talukbong ng kumot.
"Hindi pwede, iha. Unang araw ngayon ng klasi mo. Huling taon mo na rin naman sa college kaya pagtiisan mo na."
"Aish! Nanay naman, eh! Kung hindi lang kita love, nganga ang show mo diyan dahil hindi kita susundin," maktol ko sabay bangon. "Love ba sinabi ko? Gross!"
Tumawa lang si Nay Ellen at agad ng lumabas. Napangiti ako. She's not my mother. Siya ang yaya ko simula pagkabata kaya I treat her as my second mother. Mas mahal at nirerespeto ko pa nga siya kaysa tunay kong ina. My mother is always with her work. Hindi ko siya laging nakikita dahil nakaalis na siya paggising ko at tulog na ako pag-uwi niya. And about my father... just nevermind. I don't have one.
"Pambihira! Nakakapagod talaga kapag unang araw ng klasi! Tsk. Makaligo na nga."
Dumiretso na agad ako sa kusina pagkatapos ng orasyon ko. Nakita kong may nakahain ng pagkain sa mesa. Nay Ellen is really the best.
"Kumain ka ng marami para hindi ka agad magutom at maayos na mag-function ang utak mo sa klasi mamaya."
"Yeah, I know."
Kumuha ako ng fried rice at pinuno ang ang plato ko. I added three ham, two chicken legs and a glass of fresh milk. Malakas akong kumain. Thankfully, hindi naman ako tumataba. Siguro naging exercise ko na ang pakikipaglaban.
"I'm done. Thanks, Nay!" Tumayo na ako at kinuha ang bag at helmet ko. Aalis na sana ako nang magsalita si Nay Ellen.
"Zyra, mag-ingat ka."
Ngiti lang ang naging sagot ko sa kanya. Pagkatapos ay lumabas na ako at sumakay sa big bike ko sabay pinatakbo ito ng mabilis. Alam kong nag-aalala lang si Inay sa akin. Kasi naman, kahit ano pang pigil niya, hindi ko maiiwasan ang gulo.
...
Sa wakas at nakarating na rin ako sa school. I looked at my wrist-watch and smirked. I've just consumed five minutes papunta dito. Kung sa normal na takbo lang, aabot pa ng twenty minutes. Bumaba na agad ako sa big bike ko at pumasok na sa loob ng campus. Alangan namang sa labas.
As usual, pinagtitinginan na naman ako. And I don't really like the feeling that they are all staring at me. So, I raised my eyebrow and gave them a death glare. I'm just wearing a black boots, blue tight jeans and a black loose shirt. I don't have any make-up because I find it itchy in my face. I walked confidently in a cool way. Iyon ang sabi nila eh, I don't do girly type of walk.
"Nasaan na ba ang mga mokong na 'yon?" Napalingon-lingon ako. Hindi ko kasi nakita ang tropa sa may bench na malapit sa canteen. Doon kasi ang tambayan namin.
"Boss!" Napahinto ako sa paglakad ng may tumawag sa akin. "Boss Z, nandito kami!" sigaw ni Takuya Tetsuya habang kinakaway ang kanang kamay. He's a Filipino-Japanese. Isip bata siya at mahilig magpacute. Pero hindi siya dapat maliitin because he can make ten men fall in just ten minutes.
Nasa tabi pala ng soccer field ang mga mokong. May mga puno kasi sa bawat gilid nito at may mga bench ring mauupoan kapag may match. Nginitian niya ako nang tumingin ako sa kanya and it made those girls giggle na kanina pa pala nakatunganga sa mga katropa ko. I smirked and walked towards them.
"Ang tagal mo naman, Zee. You tried to ditch our class, am I right?" Shin Jong Hyun asked. He is a Filipino-Korean. We're used to call him with his surname, Shin. Siya lang ang tumatawag sa akin ng Zee. Ang haba daw kasi ng Boss Z. Oh come on! Tamad lang talaga siya.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...