Zac's POV
Napahinto ako sa pagtangkang pag-alis at hinarap si Zyra.
"Hey... I'm glad you're already awake." I smiled at her. Sinubokan niya umupo kaya agad ko siyang tinulongan na makaupo ng maayos.
"Salamat..." she tiredly smiled.
"Are you hungry? I prepare some soup for you."
She nodded in response. Nag-iwas siya ng tingin na tila nahihiya. Nagpipigil naman ako ng ngiti. It was so rare to see her like this. Shy and feminine.
"Okay. Ipaghahanda kita—" Napatigil ako sa pagtayo ng hawakan niya ang kamay ko.
"Don't leave me," she said in a soft voice.
Parang natunaw naman ang puso ko nang makita ko ang mga mata niya.
Unti-unti ko na yatang nakikilala ang tunay na katauhan ni Zyra."I won't leave you... I'll just get some food for you. Namumutla ka na."
"Tsk. What's the use of that crap?" Zyra asked while pointing the intercom na nakakabit sa maids servant. Para hindi ko na kailangang bumaba at sasabihin nalang doon ang maaaring iutos ko sa mga maids.
"Y-Yeah. Sorry. I forgot. Sungit mo talaga."
She chuckled in return. And I smiled while napakamot sa ulo ko. I really like to see her happy.
After kong sabihin ang utos sa mga maids ay bumalik ulit ako sa tabi niya. I looked at her and she looked back at me with the same intensity. After a couple of seconds, nauna siyang nagbaba ng tingin.
I wanted to smirked. Pero baka mabatukan niya ako. So, I didn't.
"What happened? Do you mind sharing it with me?" I asked sincerely as I can. Baka kasi magalit siya. Masabihan na naman akong pakialamero.
Yumuko lang siya at hindi sumagot. Marahil ay nag-iisip kung sasabihin niya ba o hindi.
"Okay lang kung ayaw mong sabihin sa akin. But it's better if you'll share... Para maibsan ang bigat ng loob mo."
She looked at me teary-eyed. Muntik naman akong mapamura. I felt a sudden pang in my chest when I saw her pain.
"My dad..."
Hindi ako umimik at hinayaan siyang magpatuloy sa sasabihin niya.
"May communication pala sila ni Mommy. But that bitch never told me," she said with anger in her eyes.
"Hey, don't call your mother like that. She maybe have a reason why—"
"But I missed my dad a lot!" she shouted and sobbed. Dali-dali naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Ssshh... Hush babe..." pagtahan ko sa kanya. I don't know how to comfort her. Ang yakapin siya ang tangi kong magawa. Hindi naman siya tulad ni Ate na bigyan mo lang ng chocolate, tatahan na agad.
She continued sobbing. Hindi ko pa rin lubos na naintindihan ang problema niya. Pero isa lang ang alam ko... Nasasaktan siya.
Humiwalay ako kay Zyra at tiningnan ang mukha niya. Pinahid ko ang luha niya sa pisngi habang nakatitig ng taimtim sa mga mata niya.
Her eyes is really mesmerizing. Para bang hinihila ako. As if it's telling me to surrender myself to her.
At...
Unti-unti na ngang bumaba ang mukha ko sa mukha niya. I can't control myself. What I'm thinking right now is just... it's the right thing to do.
Just a little bit...
"Ay!"
Biglang bumukas ang pinto. Mabilis pa sa ipo-ipong natauhan ako at ganun rin siya. Pareho naming tinulak ang isa't-isa. Muntik pa akong mahulog sa kama.
"Pasensya na!" natatarantang paumanhin ni Aling Nena at nag-akmang lumabas ulit.
"No, no, no. Come on. Dalhin niyo na po dito 'yan," utos ko sa kanya. Tinutukoy ko ang dala niyang tray na may pagkain.
"Sorry ulit, iho at iha," napakamot sa ulo na sabi niya.
"W-Wala lang 'yon, Ya," sagot ko. Napatingin ako kay Zyra. She looked at me too. Tapos ay sabay kaming nagbawi ng tingin.
"Ay sus. Ang dalawang ere. Muntik na ngang mag chuchu kanina, nagkakahiyaan pa," biglang tudyo ni Aling Nena habang nilalagay ang mga pagkain sa maliit na table na pwedeng ipatong sa kama.
I froze because of what she said. Napayuko naman si Zyra. Nang mapansin ni Aling Nena ang reaksyon namin ay walang pasabing lumabas siya ng kwarto.
"Kumain ka na," basag ko sa katahimikan namin at inayos ang paglagay ng table sa ibabaw ng lap ni Zyra.
"Nanghihina ka pa. You want me to feed you?" Tiningnan ko siya para makuha ang permiso niya.
Ngumiti naman siya at tumango. Parang lumukso ang puso ko sa sagot niya.
Agad ko siyang sinubuan. Tahimik lang kami habang kumakain siya. Pero minsan, kapag nagtagpo ang tingin namin ay sabay nalang kaming napapatawa. Tinatawanan nalang namin ang muntikan ng kiss kanina.
Sayang!
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
Storie d'amoreLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...