ELEVEN

135 5 0
                                    

Ellen's POV

"Morning Nay!"

Narinig kong bati ni Zyra na papasok ngayon sa kusina habang nagluluto naman ako.

"Oh iha, aga nating nagising, ah?"  tanong ko sa kanya. Nakangiti siyang nakamasid sa niluluto ko.

"Ewan ko nga, e. Bigla nalang gumaan pakiramdam ko. Maaga tuloy akong nagising!" tawa niya.

Nakapagtataka naman. Malimit nga lang ngumiti si Zyra, tumawa pa kaya? Anong klaseng espirito naman ang dumapo sa batang 'to?

"Hoy Nay! Bakit ba bigla kang natulala diyan? Baka naman maging prinito na 'yang adobo mo! Hahaha."

Nagbibiro na siya? Sus ginoo! Ano bang nangyayari sa batang 'to? Bakit kakaiba yata ang kinikilos niya ngayon? Sa pagkakaalam ko, napakaseryoso ng kilala kong Zyra.

"Tsk! Wala man lang reply? Wala kang load, Nay?'' tudyo niya sa akin.

"Ahh... Hehe... Pasensya na, anak. Lumipad sandali ang utak ko."

"Hahaha! Nay naman! Kailan pa nagkaroon ng pakpak ang utak?"

"Haha! Oo nga. Upo ka na nga doon! Tatapusin ko lang 'tong niluluto ko para makakain ka na ng agahan."

"Sige."

Habang nagluluto ako, naglalaro naman si Zyra sa tablet niya.

Hindi ko mapigilang pansinin ang ngiti niya. Nakakagulat naman talaga ng tawa niya kahit napakasimple ng dahilan.

Eh, noong isang araw ngang nandito ang mama niya ay nanood kami ng comedy sa tv. Naiiyak na kami sa kakatawa ng mama niya pero poker face lang naman ang reaksyon niya.

Kahit nga sa pagngiti niya sa akin minsan, alam kong pilit. Pero sa nakikita ko ngayon... Talagang masaya siya. Pati mga mata niya ay kumikinang sa tuwa. Ano nga ba ang dahilan? O mas itanong... Sino ang dahilan ng saya ni Zyra?

Napangiti ako sa huling naisip. At natutuwa rin akong makitang masaya si Zyra. Sa wakas, sa pagkalipas ng pitong taon ay nasilayan ko ulit ang ngiti ng aking alaga na tinuring ko na ring tunay na anak.

"Nay, gutom na ako."

"Wait lang, maghahain na ako." Agad na akong naghanda para makapag almusal na kami.

"Wala ka namang importanteng ginagawa diyan, pwede bang tawagin mo sa taas ang Mommy mo?"

"Tsk. Bakit ko naman gagawin 'yon?" taas kilay na tanong ni Zyra. Ang ngiti kanina ay napalitan na ng simangot.

"Iha naman... Mama mo siya kaya 'wag kang ganyan. Ilang ulit na ba kitang napagsabihan, ha?"

Hayy... Sana hindi ko nalang inungkat na nandito ang mama niya. Bumalik na naman kasi sa dating seryoso niyang mukha. Kailan pa ba sila mababalik sa dati?

"Mabuti nalang good mood ako ngayon at ayokong masira ang araw ko." Narinig ko pang bulong ni Zyra na tumayo at pumunta na sa taas.

Naku... Aayaw-ayaw pa kasi. Alam ko namang miss na miss na niya ang mama niya. Mas inuuna niya pa kasi ang galit niya, eh. Kaya tuloy nahihirapan silang dalawa.

At pati na rin pala... si Rico.

Napabuntong-hininga ako. Kung may magagawa lang sana ako para matulongan sila.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon