SIXTY-SIX

6 0 0
                                    

Zyra's POV

"BOSS!!!"

Nagulat ako ng bigla akong niyakap ng tatlong lalaki na kakababa lang sa kakarating na kotse. Mapuputi ang balat nila habang singkit ang mga mata ng dalawa at may lahing Amerikano naman ang isa.

Hindi ako nakaimik habang yakap-yakap nila ako. Nakakatawang umiiyak pa sila habang hawak ako. Parang ang saya-saya nila.

"Zee."

Binitiwan naman ako ng tatlo at niyakap ako ng isa pa. Hindi masyadong singkit ang mga mata niya pero may lahing Asian din siya. Mukhang koreano. May kakaiba sa features niya sa dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero niyakap ko rin siya pabalik.

Napatingin ako kay Zac. Nakayuko siya na para bang iniiwas ang tingin. May katabi siyang babae at lalaki na sa wari ko ay... ang mga magulang ko. Umiiyak ang babae habang inaalo siya ng lalake na may ngiti sa labi.

"Halika. Lapitan natin ang parents mo." Napatingin ako sa lalaking huling yumakap sa akin. Ang gaan ng loob ko sa kanila kahit hindi ko sila kilala.

"Princess."

Nagdadalawang-isip ako kung lalapit ba o hindi. Pero nakita ko ang tuwa sa mga mukha nila. Kaya hinayaan ko nalang rin silang lapitan ako at yakapin ng mahigpit.

"I still can't believe that our daughter is alive, Rico."

"God really love us, Zeny."

Parang may sariling isip ang mga kamay ko na yumakap sa kanila pabalik. Naiiyak na rin ako. Lukso ng dugo ba ang tawag dito? Na kahit hindi ko pa rin sila maalala ay sinasabi ng puso ko kung sino sila sa buhay ko, na mahal na mahal ko sila.

"Ahm... P-Pasok muna tayo sa bahay."

Sabay kaming napalingon kay Nay Belen. Nasa tabi niya si Tay Danny na nakaakbay sa kanya. Agad namang tumalima ang apat na lalaki, ang mga kaibigan ko daw. Nakakatuwa iyong isang singkit, ang saya-saya ng aura niya. Iyong tatlo naman ay tahimik lang. Kasabay ko naman sa magkabilang gilid ang tunay kong mga magulang.

"Nasaan si Zac?" nagtataka kong tanong ng makitang wala siya sa loob.

"Hanggang ngayon ba na kahit wala kang maalala ay siya pa rin ang lage mong hinahanap, Boss?" tudyo ng mukhang amerikano.

Napakunot-noo ako nang sabay-sabay silang tumawa kasama ang mga magulang ko, maliban sa isa. Napakaseryoso ng lalaking tinatawag akong Zee.

"Bakit? Lage ko ba siyang hinahanap noon? Close rin ba kami dati?"

Natahimik silang lahat at nagbigayan ng makahulugang tingin.

"You still don't know him? Kung sino siya sa buhay mo?" nagulat na tanong ng seryosong koreano. Umiling naman ako kahit nagugulohan pa rin.

"Aray," sabat ng masayahing singkit sabay hawak sa may puso niya.

"Pupuntahan niya muna daw si Myla," saad ni Nay Belen.

"Iwan muna namin kayong magkakaibigan. Sa labas muna kami ng mga magulang mo Ra—Zyra. Doon kami mag-uusap," sabi naman ni Tay Danny. Tumango ako at agad na silang lumabas.

"Sino si Myla? Kabit ba 'yon ni Zac? Kaya ba siya nandito? At nagkataon lang na nalaman niyang buhay ka pala?" sunod-sunod na tanong ulit ng seryosong koreano. Seryoso rin ang mukha ng natitirang tatlo.

"K-Kaibigan ko si Myla. K-Kakilala lang rin nila. Siya ang tumulong kay Zac p-para malaman ko ang totoo," sagot ko habang nadagdagan na naman ang gumugulo sa isip ko.

Napatingin ako sa apat na lalaki na nasa harap ko. Nakatitig sila sa akin, tila ba kinikilatis ako. Napayuko ako dahil sa pagka-ilang.

"B-Bakit ba kayo ganyan makatitig?"

Hindi sila sumagot at patuloy pa rin sa kanilang ginagawa. Kaya tiningnan ko nalang rin ang bawat isa sa kanila. Kung hindi lang nasabi sa akin ni Zac na mga kaibigan ko sila, siguradong mahihiya akong harapin sila. Napakagwapo kasi nila. Parang mga artista o hindi kaya'y mga modelo. Naitanong ko tuloy sa sarili kung paano ko sila naging kaibigan.

"S-Sino sa inyo si Shin?"

Nagtaas ng kamay ang seryosong koreano. Siya pala ang tinutukoy ni Zac na pinaka-close ko sa tatlo. Kaya pala iba ang tawag niya sa akin. Hindi Boss, kundi Zee.

"I'm Casper."

"Yong."

"Ang pinakacute sa lahat, Takuya!"

Natawa ako ng binatukan siya ng tatlo. Nakakatuwa silang magkulitan. Parang ang saya nilang kasama. Napangiti tuloy ako habang nakamasid sa kanila. Maya-maya pa ay tinitigan na naman nila ako.

"Noon, hindi ko ma-imagine na magiging ganito siya kahinhin. 'Di ba, Yong?"

"Tama ka, Casper. She is really different from our past Boss now."

"Wala na 'yong kinatatakotan nating tigre. Ano Shin, gusto mo ba ang bagong Zyra ngayon?"

"Shut up, Takuya."

Pinag-uusapan nila ako kahit magkaharap lang kami. Tinitingnan pa nila ako na parang bang statue lang ako dito. Okay lang ba sila? O sadyang may saltik sila sa ulo?

"Baliw ba kayo?" I suddenly asked.

"Oo. Namana namin sa'yo noon," pabirong sagot ni Shin. Napatawa naman ang tatlo habang napataas ako ng kilay.

"Eh kung balian kita ng buto diyan?!" I hissed. Pero imbes na matakot ay napangisi lang sila.

"May natitira pa rin palang Boss namin noon," wika ni Casper.

Natahimik ulit kami. Sa totoo lang, napaka-awkward ng sitwasyon ko ngayon. Sa dalawang taon ko dito, hindi ako nakikipagkaibigan sa mga lalaki. Tinatawag nga lang ako ay agad ko ng tatakbohan. Pero ngayon, nalaman kong puro lalaki pala ang mga kaibigan ko noon. At nasa harap ko sila ngayon.

Kaya nagulat ulit ako ng bigla nilang ako dambahin ng yakap. Noong una ay nagdadalawang isip pa si Shin. Pero kalauna'y sumali na rin siya sa group hug namin. Napangiti nalang ako ng bigla silang umiyak ulit.

"We really missed you, Zee," Shin muttered.

"Akala ko talaga sa heaven na ang susunod nating pagkikita," dagdag naman ni Takuya na mahinang napatawa habang lumuluha.

"Kahit may nag-iba man sa'yo, you will always be our one and only Boss Z," ani ni Casper.

"Our princess is finally back," Yong ended.

I involuntarily smiled.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon