FIFTY-ONE

49 2 0
                                    

Zac's POV

Pagdating namin hanggang sa pagkatapos ng ceremony ay hindi pa rin ako kinikibo ni Zyra.

"Bro, may LQ kayo?" tanong sa akin ng maganda kong ate sabay turo kay Zyra na kausap ang mga kaibigan niya.

"Tsk," irap ko sa gawi nila.

"Confirmed," baliwalang sagot naman niya sabay alis papunta sa parents namin kasama ang parents ni Zyra.

Sabay ang celebration namin sa resort nila. Kasama na doon ang mga tropa niya. Nagsisimula na akong magselos. Kanina pa niya kinakausap ang barkada niya habang ako parang hangin lang.

Nagtawanan ang barkada ni Zyra habang siya naman ay namumulang inupakan ang mga ito.

Tss. Ano bang pinag-uusapan nila?

Ilang sandali ang lumipas, hindi na ako nakapagpigil kaya lumapit na ako sa kanila.

"Aalis na daw tayo," sabi ko sa kanila sabay higit sa kamay ni Zyra.

"H-Hoy! Bitaw nga!" asik niya. Hindi ko siya pinansin at hinila lang siya papuntang sasakyan.

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng mga magulang namin. May sinabi naman sa kanila si Ate. Tumango sila at agad na ring nagsipasukan sa kanya-kanyang sasakyan.

Thanks for explaining for me, Ate.

"Aray naman! Ano bang problema mo?! Ba't ka ba nanghihila?! Kita mo ngang nag-uusap pa kami?!"

Hindi ko ulit siya pinansin at nag-focus nalang sa pagmamaneho.

"Tss." Sinipa niya pa ang pinto ng kotse ko.

"Bakit ba mainit ang ulo mo ngayon?! At sa susunod ah, 'wag mo akong hilahin ng ganun! Nakakahiya kaya sa tropa ko! Akala mo naman kung—"

I stopped the car and kissed her quickly. Then, I drove again. Ayaw niya kasing tumahimik e. At siya pa itong may ganang mainis sa akin e ako nga itong dapat magalit sa pangbabaliwala niya.

"Bakit mo ba gina—"

I stopped again and kissed her for the second time around. Nasa gilid na lane naman kami at hindi traffic ang daan kaya nagagaw ko ito.

"Ano—"

"Aba't nagugustohan mo yata? Satsat ka ng satsat. Sabihin mo na nga lang sa akin kung gusto mo ulit na halikan kita."

"Tss. Kapal mo." Irap niya sa akin pero namula naman siyang napatingin sa bintana.

Wala na ulit kaming imikan hanggang sa makarating kami sa resort. May mga bisita nang dumating. Mga relatives lang ng bawat pamilya namin, hindi naman karamihan.

Paglabas ko sa kotse ay agad na ring lumabas si Zyra. Lalapit na sana ako ng lumayo siya at pumunta sa kararating lang na parents namin. Agad naman niyang hinila si Ate Xyla papasok sa hotel.

Dumating na rin ang mga kaibigan niya kasama ang pamilya ng bawat isa. Lalapit na sana ako sa kanila ng...

"Zac!" Napalingon ako sa tumawag sa akin.

"Shine! Long time no see!" I hurriedly hugged the beautiful lady in front of me. She did the same.

"Congrats, baby Zac!" bati niya.

I chuckled. "You're so sweet," I replied as I escaped from the hug.

"Yeah, I know," she winked at me.

"It's nice to see you again, Shine."

"Same to you, Zac. I'm sorry kung hindi man lang ako nagparamdam after your make-over."

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon