THREE

156 7 0
                                    

Zac's POV

Grrr. Kainis! Gusto ko pa sanang matulog. Pero maaga akong ginising ni Mommy para sa iuutos niya. At heto ako ngayon, way to somewhere down the road. Ehemn!

Seriously, papunta na ako sa GoldSilverDiamond Village, Kumikinang Street, NakawanNatin City. Ito ang address na binigay sa akin ng aking ina.

After a while, nakita ko na ang malaking gate ng village. I stopped the car in front of it. Bumaba akong ng sasakyan at lumapit sa guard house.

"Manong, dito na po ba ang address na 'to?" I gave my note to him. Napatigil muna siya at tiningnan ako mula ulo mukha siyang paa.

Ay, sorry.

"Oo. Bakit?"

"I have something to give to Mrs. Zain."

"Teyka lang. E-verify ko lang kung may appointment ka sa kanya."

Aba! Secretary din siya? Ang galing!

"Okay, you may go now."

Cool! Englishero pala 'tong si Manong, eh!

I got back inside my car and drove into the village. And at last, I arrived at my destination.

May nakasulat na 'Zain's Residence' sa gate ng isang malaking bahay kaya agad kong nalaman na dito ang sadya ko. Dali-dali naman akong bumaba at nag-doorbell.

"Zain's Residence, what may I help you?"

Call center naman ngayon?

May boses babaeng nagsalita sa may monitor na nasa ibabaw ng gate. Nakita ko naman ang itsura ko doon. Cute ng jumper ko!

"I'm looking for Mrs. Zain. Anak po ako ni Kelly Rain. My mother asked me to give this to her." Ipinakita ko sa kanya ang dala kong envelope.

"Okay, come in."

The gate swung open and I immediately went inside without hesitation. I saw a woman at the age of 40's in the door. Siya siguro ang nagsalita kanina.

"Magandang araw po!" masiglang bati ko sa kanya sabay bow. Oops! Bakit ako nag-bow? Pilipinas 'to pre, hindi Korea. At may lahing Western ako, hindi pure Asian.

"Pasok ka iho at pakibigay nalang sa loob."

"Sige po. Salamat sa tiwala. Ano nga po palang pangalan niyo?" Tumingin siya sa akin at ngumiti. I smiled back.

"Tawagin mo nalang akong, Nay Ellen."

"Hello po. Zac naman po ako."

"Alis na ako. Pasok ka na sa loob. Dumiretso ka sa sala."

"Salamat po ulit! Ingat po kayo!" Kumaway pa ako sa kanya. Ako na ang feeling close!

Pagkapasok ko sa bahay nila, may dalawang pinto akong nakita. Isa sa kaliwa at syempre isa sa kanan.

"Asan sa dalawang 'to ang sala? Dapat pagpasok ko palang sala na. Ang gulo dito!" Napakamot ako ng ulo.

Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa dalawang pinto. Sa huli ay napagpasyahan kong pumasok sa kaliwang pinto. At ang galing ko! Andito nga ang sala, pwede na ako maging manghuhula.

"Oops! Ba't walang tao?" Napakatahimik ng lugar na kinaruruonan ko ngayon. Dahan-dahan kong sinara ang pinto nang tuloyan na akong makapasok.

"Anong kailangan mo?"

"AY MAGANDANG BABAENG MAPUTI, KAGANDAHAN MOY IBA, KAYA MAHAL KITA!"

Punyemas! Napaharap ko sa taong biglang nagsalita. Si... Si... Si Ms. Gandang Sungit? Oh. My. Gulay.

"Anong klaseng rap 'yon?! Pfft.. Pfft.. BWAHAHAHAHAHA!"

Malakas siyang tumawa. Umalingawngaw ang boses niya sa loob ng kwarto. Pero ang ganda niya pa rin kahit nakanganga.

"Hahaha! Sakit ng tiyan ko. Hahaha!"

Nabaliw na 'ata siya? Nagpatuloy akong tumanganga habang tumatawa siya. Okay girl, take your time. Uy pakshet, parang bakla lang!

Pagkalipas ng apat na libong taon, limang buwan, isang linggo, kalahating araw, anim na minuto at dalawang segundo ay natapos rin siya sa pagtawa.

"Hoy, Nerdy Jumper Boy! Anong ginagawa mo dito?! Paano mo nalaman ang bahay ko?! Stalker ba kita?!"

Lagot! Ang tupa kanina naging tigre na. Bipolar ba ang isang 'to?

"SUMAGOT KA!"

"Napag-utosan lang ako ni Mommy na ibigay 'tong envelope kay Mrs. Zain. Teyka… IKAW SI MRS. ZAIN?!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sarili kong konklusyon.

"Bobo! Mukha ba akong losyang na may asawa?!"

"Pwera ba may asawa, losyang agad? Maganda kaya mama ko," paismid na sagot ko.

"Sinasagot mo ba ako?! Ha?!"

"Obviously? Ikaw nga ang nagsabi kanina na sagutin kita, eh!"

"Bakit?! Nanliligaw ba ako sayo?!" Mabagsik niyang asik na para bang handa na niya akong lamunin ng buhay.

"Putak ka ng putak, para kang manok. Tumahimik ka nga!" sita ko sa kanya. Sumasakit na ang tenga ko dahil sa sigawan namin.

"Ang lakas rin talaga ng loob mong lapitan at kausapin ako ng ganyan, 'no?!"

"Bakit? Bawal ba?" nalilito kong tanong.

"Hindi mo ba ako kilala?!"

"I'm Zac Ken Rain, anong pangalan mo?"

Ewan ko, talagang magaan ang loob ko sa kanya kaya nagagawa ko siyang sagutin. Nakakatakot nga ang aura niya, base na rin sa namamalayan ko sa school na ilag ang mga tao sa kanya kahit mga lalaki. Pero hindi ko talaga magawang matakot sa kanya. Lumabas ang madaldal na personality ko ngayong nakaharap ko siya ulit. At first time 'tong ganito ako makipag-usap, except nalang sa ate kong sira ulo.

"Tinatanong ko ba ang pangalan mo?! Umalis ka na nga dito! At... 'Wag na 'wag kang magkakamaling sabihin sa iba ang lugar ng bahay ko, na nakapunta ka na dito! Maliwanag?!"

Tumatango-tango ako habang tinutulak niya ako sa pamamagitan ng pagsundot-sundot ng dibdib ko. Natatawa na nga ako, eh, dahil nakikiliti ako. Kaya napaatras-atras din ako nang biglang...

Nadulas ako kaya napatihaya ako sa harap niya. Bumalaga sa paningin ko ang makinis niyang legs. Mas sexy pala siya kapag naka-shorts.

"SEVEEEEEEENNNNNN!!!"

Bigla siyang tumakbo palabas ng sala habang sumisigaw ng syete. Anong kasalanan ng numerong iyon?  A term niya kaya ng 'Shit'? Hays, ewan!

Zyra's POV

"Bullseven! Ahhh! Bakit 'di ko namalayang naka-shorts pala ako? Tarantadong Nerd 'yon, ah! Tsk. Cockroach! Bakit ba ako tumakbo imbes na bugbugin ang Nerdong Jumper Boy na 'yon?! To think na, nasa teritoryo ko ang loko? Argh! Syeteng seven naman, oh!"

Pero mabuti nalang at hindi kami nagaya sa mga pelikula na naki-kiss kapag natumba. Yuck. I got goosebumps.

Nagbihis agad ako ng pants at lumabas na ng kwarto para balikan si Zan? Zar? Zac? Ay basta, yung kulugong 'yon!

Pababa na ako nang hagdan nang makasalubong ko si Nay Ellen.

"Oh iha, ba't sa akin binigay ni Zac ang pinabibigay sa mama mo? Hindi ba kayo nagkita?"

"Nay, bakit mo siya pinapasok? Hindi naman natin kakilala 'yon, ah!" I hissed.

"Anak siya ng kaibigan ng mama mo. Pinapasok ko dahil pinaalam naman sa akin ni Zeny na anak ni Keely ang pupunta dito."

"K-Kilala mo sila?"

"Syempre naman. Kilala ko ang mga kaibigan ng Mommy mo."

Napayuko ako. Mabuti pa siya, alam niya kung ano ang nangyayari kay Mommy. Eh akong anak niya, hindi close sa kanya. I know it's my fault at gusto ko ng maibalik ang relationship namin ni Mom as mother and daughter pero hindi ko magawa. Ang gaga ko kasi.

"Oh, mag-eemote ka pa diyan. Punta ka ng kusina, may dinala akong pagkain."

Tumango lang ako at nilagpasan na siya para pumunta sa kusina.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon