EIGHTEEN

104 6 2
                                    

Zac's POV

Nandito ako ngayon sa hospital. Dalawang araw na akong naka-confine. Pero parang gusto ko ng mag-stay dito forever.

Simula noong dinala niya ako dito, todo alaga na sa akin si Zyra. Tulad ngayon, sinusubuan niya ako ng pagkain.

"Open your mouth..." utos niya.

"Ahh..." sunod ko naman.

"Masakit pa ba ang sugat mo?"  tanong niya sa akin na may halong pag-aalala ang boses.

"Minsan kumikirot pa rin. Pero pwede na siguro akong lumabas dito sa hospital. Malayo naman sa bituka 'to, eh."

Kahit gusto ko pang maranasan ang pag-aalaga niya sa akin araw-araw, sinabi ko nalang iyon. Ayaw ko namang mag-alala ang Zy-ko sa akin. Hindi na rin kasi siya pumapasok dahil binabantayan niya ako palagi. Baka daw kasi balikan ako ng mga gunggong na iyon.

"Magpalipas ka muna ng araw dito hanggang sa humilom na 'yang sugat mo. Huwag mo na rin alalahanin ang school. Ako na ang bahala doon."

"Salamat," sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Tsk. Dapat nga ako ang magpasalamat sa'yo. Kung hindi mo sinalo ang bala, ako sana ang nasa posisyon mo ngayon." Napayuko siya.

"Ano ka ba, okay lang 'yon. Basta ba para sa'yo. Mas importante ang kaligtasan mo."

Ngumiti lang si Zyra sa akin at sinubuan ako ulit.

"Nasaan ba ang pamilya mo? Bakit hindi yata sila bumibisita dito? At para naman... makapag-sorry ako," dagdag niya.

"Huwag mo na kasing alalahanin 'yon. Buhay pa naman ako, eh.''

"Tsk. Ikaw talaga." Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

"Hindi alam nila mama na nandito ako sa hospital. Lagi kasing nasa trabaho 'yon, eh. Si ate naman nasa Korea, may fashion event siyang pinuntahan doon."

"Pagaling ka agad."

"Sigurado 'yan. Baka nga bukas pwede na akong lumabas. Kay galing ba namang mag-alaga ng nurse ko. Hehe."

"Tss... Oh!" Binigay niya sa akin ang bowl na may soup. Nahiya na naman sa inaakto niya.

"Kaya mo na naman sigurong kumain ng mag-isa," tayo niya.

''Ha? Eh, Zy-ko... Masakit pa naman talaga ang balikat ko... Subuan mo ako ulit..." Nag-pout pa ako sabay puppy eyes.

"Tsk. Dukutin ko 'yang mata mo, eh."

"Zyko naman eh..."

"May pupuntahan pa ako. Huwag kang mag-inarte diyan."

"Balik ka mamaya, ah!" sigaw ko.

"Oo na!" sagot niya at tuluyan ng umalis.

Napangiti ako at pinatuloy ang pagkain. Siya pa daw ang nagluto nito. Masarap. Lasang pagmamahal.

Paano kaya kapag na-inlove sa akin si Zyra?

"Aish! Mangarap ka, Zac."

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon