SIXTY-EIGHT

5 0 0
                                    

Zac's POV

"Bakit hindi mo sinabi sa kanya?" Shin asked ng makalabas na kami at ngayon ay magkatabing nakaupo sa hood ng sasakyan.

"Ayoko siyang mabigla," I sighed.

"Mabigla? O natatakot kang harapin ang katotohanan na hindi ka na niya maalala?"

I was taken aback with his question. Tama ba siya? Iyon ba ang dahilan ko?

"Yeah. Hindi niya na ako maalala. Kahit katiting na familiarity, wala. Pero noong nakita niya kayo. I saw her smile. Na kahit hindi niya kayo maalala, alam niyang sa puso niya ay importante kayo sa kanya. Pero ako..."

"Duwag ka."

Napatingin ako kay Shin. Nakatingin siya sa malayo pero nakita ko ang galit sa mga mata niya. Napakuyom naman ako ng kamao.

"Alam ko."

"Hindi mo matanggap na hindi ka niya nakilala. Ang gago mo, Zac! Alam mo namang may amnesia siya kaya normal lang na wala siyang maalala. Naramdaman niyang importante kami kasi pinakita namin na ganun kami sa kanya. At iyon ang hindi mo pinaalala sa kanya, na importante ka rin sa kanya. Higit pa sa amin."

Napayuko na naman ako. Lage nalang. Ang hina ko pa rin. Takot pa rin akong ipaglaban siya. Nag-iba man ang panlabas kong anyo, nanatili pa rin sa loob ko ang Zac na nerd noon.

"Tama ka. Takot ako. Takot na takot na baka... nawala na rin ang pagmamahal niya sa akin. Hindi naging madali ang dalawang taon na wala siya sa tabi ko. Tapos ngayon, hindi niya naman ako maalala? Ang sakit lang tangna!"

Narinig ko ang mahinang pag-chuckle ni Shin kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"How ironic. Ako ang lalaking inagawan mo ng prinsesa, tapos ngayon, sa akin ka naglalabas ng hinanakit."

"Paano kung ikaw ang maalala ng puso niya?"

Napatingin siya sa akin habang nakakunot ang noo.

"Naging malapit ang loob niya sa'yo, Shin. Ikaw ang kasama niya sa mga nagdaang taon na wala pa ako. Kung hindi ako dumating sa buhay niyo, sigurong... ikaw ang minahal niya."

Napatiim-bagang siya. "Pasalamat ka't hindi kita masasapak ngayon. Nakakarinding pakinggan ang mga drama mo! Wala kang tiwala sa pagmamahal niya sa'yo. Nakita ko ang saya niya kapag kasama ka niya Zac. At alam kong hindi niya iyon makukuha sa akin. Kaya ito ang tandaan mo. Huwag na huwag mo siyang bibitawan. Hawak mo na siya kaya 'wag kang gago, higpitan mo nalang ang paghawak sa kanya. At hindi man sa ngayon, maalala ka rin niya pagdating ng panahon. Hindi man ng utak, pero kaya ng puso. Huwag kang magpakatanga."

Natahimik kami ng ilang sandali. Maya-maya ay marahan akong napangiti.

"Ang lalim na nga, ang corny pa. May tinatago ka palang hugot sa katawan mo, Shin."

"Lang'ya! Tatamaan ka talaga sa akin, Zac!"

Natawa nalang ako ng namula siya. Ito ang pinakaunang pagkakataon na nagkausap kami ng masinsinan. Sumasali man ako sa bawat laban nila sa arena, hindi ko naman siya nakakausap. Kumbaga, civil lang ang pakikitungo namin sa isa't isa.

"Salamat," I sincerely told him.

"Tss."

I chuckled. Shin will always be Shin.

"Oh bakit kayo nandito sa labas?" tanong ni Tita Zeny na agad lumapit sa amin. Kasunod niya sina Tito Rico, Nay Belen at Tay Danny.

"Nagpapahangin lang po." I smiled at them. Ngumiti rin si Tita at umupo sa tabi ko.

"Are you okay?" tanong niya at marahang hinaplos ang ulo ko.

"Yes," sagot ko. Tiningnan naman ako ni Tita ng masinsinan, may pag-uunawa sa mga mata niya.

"Huwag niyo sanang masamain, talagang nagugulohan lang ako."

Napalingon kaming lahat kay Nay Belen.

"Iho, kaanu-ano mo nga pala si Z-Zyra? Naalala ko kasi na lumuhod ka pa sa harap namin para lang sabihin sa'yo na si Razy ay si Zyra."

Nanigas ako sa kinauupoan ko. Nasa akin na nakatuon ang atensyon nila. Hinihintay nila ang magiging sagot ko. Pero hindi ko maibuka ang bibig ko.

"Boyfriend siya ng anak ko. Actually, son-in-law ko na sana kung hindi lang nangyari ang aksidente," sabat ni Tito Rico.

Nagkatinginan ang dalawang matandang mag-asawa. Pagkatapos ay tumingin sa akin na para bang sising-sisi sila.

"Patawarin mo kami, iho. Alam kong hindi naging madali sa'yo ang lahat," paumanhin ni Tay Danny.

"Wala po 'yon. Iisipin ko nalang na may magandang plano ang Diyos kaya nangyari ang lahat ng ito."

"Gumagabi na pala. Kailangan na nating umuwi," biglang sabi ni Tita.

"A-Ah... Babalik na kayo sa bayan?" natatarantang tanong ni Nay Belen.

"Hindi pa po. Doon muna sila sa inuupahan ko tutuloy," sagot ko.

"Eh, s-si Zyra?" tanong niya ulit.

Nagkatinginan kaming lahat. Hindi pa rin pala maayos ang sitwasyon. Sa pagkakaalam ko... nagdadalawang isip pa si Zyra kung sasama ba siya sa amin o hindi niya iiwan ang dalawang matandang kumupkop sa kanya. Kailangan naming hintayin ang desisyon niya.

"Kindly call my daughter, Zac. Shin, maghintay nalang tayo dito," utos ni Tito. Dali-dali naman akong sumunod at pumunta na sa bahay.

Napatigil ako sa may pintuan ng marinig ang pag-uusap ng mga kaibigan ko at ni Zyra.

Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang huling tanong niya.

"Syempre, magkaibigan tayo. Ikaw nga ang pinakauna kong naging kaibigan at tagapagtanggol. Close naman tayo noon. Hindi mo lang siguro maramdaman kasi 'di mo ako matandaan."

Napatingin silang lahat sa may pintuan kung saan ako nakatayo. Ngumiti pa ako sa kanila. I was trying to let them see that I'm alright.

"Nasa labas na sila Tita, puntahan mo muna sila Zyra."

"S-Sige," sagot niya at mabilis na lumabas.

"Bakit hindi niya alam?" Myla directly asked me.

"Hindi ko sinabi. Ayokong malaman niya. At sana ganun din ang gawin niyo."

"What's your reason?" Casper interrupted.

"Gusto kong maalala niya ako ng kusa."

"Paano kung hindi niya magawa?" Yong hissed.

Hindi ako nakasagot at napayuko nalang. Paano nga kung hindi? Kaya ko ba?

Mababalik pa kaya kami sa dati?

Mamahalin ba ulit ako ni Zyra?

O tuloyan na niya akong kakalimutan?

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon