FIFTY-FIVE

75 3 0
                                    

Two years later...

Zac's POV

"The memories and pains are still fresh, Zy-ko. Hindi pa rin kitang kayang bitawan."

Pumatak ang ilang butil ng luha mula sa mga mata ko.

Nasa cemetery ako ngayon. Second anniversary ng pagkamatay ng babaeng pinakamamahal ko kaya binisita ko siya. Maraming bulaklak ang nakapalibot sa libingan niya, mula sa parents niya, pamilya ko at mga kaibigan niya.

Hindi ako sumabay sa kanila kanina. I wanted to be alone with her. At ayokong makita nila na hanggang ngayon, hindi ko pa rin matanggap.

I tried to be strong and busy para hindi sila mag-alala sa akin. Pinapakita ko sa kanila na kaya ko pa ring mabuhay.

But they don't know that in those past two years, I always have restless nights. At walang gabing, hindi ko siya naiisip, walang araw na hindi ako umiiyak.

It's just that no matter how I keep my mind busy, it will still find a space for me to think of whom my heart had been missing. I still miss Zyra everyday.

She's still on my mind every single second.

"I'm sorry if may gagawin akong hindi mo magustohan... I've already decided. Hindi mo rin naman ako mapipigilan, e."

Hinimas ko ang naka-grave na pangalan niya.

"I missed you so much, Zy... I missed you really really much," I cried.

Hindi naman ako magpapakamatay. Alam kong iyon ang pinakaayaw niyang gawin ko.

Aalis lang ako. Susubokan kong kalimutan ang lahat sa ibang lugar. Baka sakaling umalis ako dito, mawawala na ang sakit.

Iyon nga lang, baka matagal akong makabalik. Dahil hindi ako babalik dito hangga't hindi naghihilom ang sugat sa puso ko.

If it takes forever to heal the wounds, siguro babalik rin ako for the sake of my parents. I can't be selfish though. Kaya it will depends upon the situation.

But for now, iyon muna ang gagawin ko. Ang takasan ang sakit kahit daladala ko naman ito. Tsk.

"You would be my first and last love, Zy-ko. Ikaw lang at wala ng iba. Magkikita rin tayong muli."

Humangin nalang bigla. As if she's hugging me right now.

Thank you for everything. I love you, Zy-ko. Always and forever.

TIME HEALS a wound. Ilang ulit ko na itong naririnig at marami nga ang naniniwala.

Maliban sa akin.

Noong nawala ang pinakamahalagang babae sa buhay ko, parang nawalan rin ako ng isang piraso.

I have my mother and my sister, they are also the most important women in my life. I love them so much. But only HER can complete the missing piece in me. Only HER can bring back my life na nawala kasabay ng pagkamatay niya.

So I decided to go far away from my family and friends, to give myself a break. Because I always remember HER whenever I see them. Parang bang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko.

But can I really forget her?

Can I really have a peace of heart and mind?

Is there still a chance... that I will I fall in love again?

Malayo ang tanaw ko habang nakatigil ang kotse na sinakyan ko papunta sa kung saan. Kanina pa ako nagmamaneho pero walang destinasyon na pinatutungohan ang daan na tinatahak ko.

Zy-ko... Please... Bumalik ka. Hindi ko pa rin kayang wala ka sa tabi ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito, wala lage sa sarili at manhid na ang pakiramdam. Ayokong mag-moved on... pero minsan pumapasok talaga sa isip ko na imposibleng bumalik siya.

Wala ng pag-asa pang makikita ko siya ulit at makakasama pa.

Someone's POV

"It's funny to think that a gangster and a nerd fall in love to each other.
Sa kabila ng magkaiba nilang katauhan, magkakasundo rin pala sila. They proved that opposite attracts.

In another hand, true love never choose any person to like. Because the heart will unexplainably beat for someone not just base on your likeness but sometimes, to someone you least expected.

But sadly, sadyang may nagmamahalan na pinaglalaruan ng tadhana.

She died in an unexpected day and time. And it really hurts.

To forget her is his biggest wish. But even if he really want, he just can't.

Pero minsan nga lang, you don't have a choice but to forget someone for the word "moved on".

Millions of qoutes tried to explain what love is. But there's no way to define it, because love is based on emotion not by definition.

And for the sake of moving on, he needs to forget his love. This might be hard but it's the only way to stop his pain."

Napatigil ako sa pagbabasa. Ang sikip ng dibdib ko. Parang ramdam na ramdam ko ang emosyon ng him na tinutukoy ng librong binabasa ko.

Sa hindi malamang dahilan, biglang tumulo ang mga luha ko. Sunod-sunod na umagos. Hindi ko na kayang pigilan.

"Bakit ganito? Bakit nasasaktan ako?"

Napahawak ako sa may dibdib ko. Wala naman akong naaalalang naranasan ko na ito pero sobrang apektado ako sa nabasa ko. Hindi ko alam.

Hindi ko maipaliwanag.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon