Zyra's POV
Hindi na naman ako makatulog. Hindi kasi maalis sa isip ko si Nerd. What the hell is happening to me? Bumangon ako at pumunta sa kusina. I need to drink water, hindi kasi ako makahinga. Tss! Naiinis na ako sa pakiramdam na 'to.
Nakakagulat naman kasi ang inakto niya kahapon. Talagang ibang-iba ang aura niya. He looks different. The way he moves... it's tantalizing. He also have this.. this.. overwhelming appeal.
Dang it! Siguro ay pagod lang ako, kaya kung anu-ano nalang 'tong naiisip ko. I take a deep breath then close my eyes. Pero bago ako tuluyang makatulog... nakita ko na naman ang mukha ni Nerd.
Zac's POV
Apat na araw na ang naka lipas nang mangyari ang insidenteng pagbabangga ng landas namin ni Zyra. Wew, ang lalim!
Nasa school na ako ngayon. Maaga na akong pumapasok. Nagsisimula na kasi akong e-bully ng mga classmates ko. Kapag nahuli kasi akong pumasok, kinakantahan nila ako ng 'Dahan dahan lang, dahan dahan lang' na kanta ni Maja Salvador.
Pumasok na ako sa room namin at nadatnan ko ang mga kaibigan ni Zyra. Wala pa pala si Zyko, I miss her na. Aish, ang bading! Ayoko na talagang iwasan siya. Pero parang hindi niya talaga ako kilala kung maka-asta siya. It hurts!
Uupo na sana ako nang pigilan ako ni Shin. Pinalibutan pa ako ng iba pa niyang kaibigan. Anong problema ng mga 'to?
"Ano?" seryosong tanong ko habang nilalagay ang bag ko sa upuan.
"Aba, matapang, ah?" Shin smirked.
"May itatanong lang kami sayo," ani ni Yong. Siya at si Mica lang ang matinong kausap sa classroom. Ang iba kasi binabara ako, eh. "Anong nangyari noong friday?"
"May nakakita sa inyong dalawa ni Boss. Hinihila mo daw siya at may humahabol sa inyong mga lalaki," dagdag ni Casper.
"Pre, wag kang magkakamaling saktan ang prinsesa namin, kundi makakatikim ka sa amin," banta ni Takuya.
"Wala akong ginawang masama. Sa tingin niyo magagawa ko 'yon sa kanya?"
"Oo nga naman, 'no?" Shin smirked again. Gusto ko siyang irapan pero magmumukha lang akong bakla kaya 'wag na.
"Tumulong lang ako. Kaya 'wag niyo akong pagbintangan ng masama."
"Ikaw? Tumulong? Tsk! Malakas si Zee kaya 'wag kang magmalaking tumulong ka. Hinding-hindi niya kailangan ng tulong mo!"
Sumusobra na tong koreanong hilaw na 'to, ah?!
"Talaga?! Bakit noong oras na 'yon, nahihirapan siya? Sinamahan ko siya, eh, nasaan ka ba?" I fought back.
"Aba! Tarantado ka ah?!" He grabbed my collar. Magkasing taas lang kami. Pero nerd ako at gangster siya. Kaya siguro minamaliit ako ng lokong 'to.
"Hey! What is going on here?"
Zyra's POV
"Hey! What is going on here?!"
Nakita kong may kaaway si Shin. At hindi ako makapaniwala nang malaman kong si Nerd pala. He look at me with a blank expression in his face. Nakaramdam naman ako ng kakaiba sa dibdib koー a sting like feeling.
"Ano ba Shin?! Bitiwan mo nga siya!" I suddenly shouted. Unang pagkakataon 'tong nasigawan ko siya. Nabigla sila. Mas lalo na ako.
Shin pushed him hard kaya napaupo si Nerd. He glared at him then stared at me for awhile and he got his way out the door.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...