Zac's POV
Bumangon ako sa kama na magaan ang pakiramdam. Kumuha ng towel sa cabinet ng nakangiti at pumasok sa bathroom na napapahagikhik ng mag-isa.
After doing my morning routines ay bumaba na ako at dumeritso sa kusina.
"Good morning everyone! What's our ulam for today?" I asked with a wide smile on my face.
Naabutan ko ang Mom at Ate ko na kumakain na. Hindi man lang ako hinintay. But it's okay. Masaya ako ngayon. Bad vibes not allowed.
"Wow! Ulalam! My favorite tuyo! Ate, paabot ng suka!" I commanded my sister.
Thankfully, binigyan niya naman ako ng suka with a question mark on her face. Nagtataka siguro siya kung bakit ang ganda-ganda ng araw ko ngayon.
"Deja vu!" my Mom exclaimed.
"You're right, Mom. And as far as I can remember, ganito ang mukha niya noong naging friends sila ni Zyra," Ate Xyla replied.
"Yeah. Ano naman kayang ibig sabihin nito ngayon?" Mom asked.
Here they go again, talking as if I am not in front of them. Pero hayaan ko na nga. I'm happy. Everything is wonderful. The weather is nice. Life is great.
"Baliw na ispiritu! Kung sino ka man, umalis ka sa katawan ng kapatid ko!" exaggerated na sigaw ng ate ko habang tinatapunan ako ng asin.
"Stop it, Ate! C'mon, I'm just happy! Don't ruin my day, jeez!" I rolled my eyes at her. My mom just chuckled.
"Ay! Wala ba? Oh, pwede ko bang malaman ang dahilan ng ngiti mong hanggang langit kapatid?"
Tss. Baliw talaga itong kapatid ko. Wala ba siyang balak mag-mature?
"She's now my girlfriend." I grinned sabay subo ng kanin sabay sawsaw ng tuyo sa suka na maanghang.
"Your what?!" sabay tanong nilang dalawa.
"Girlfriend." I grinned again. Sorry, I can't keep it.
"Girlfriend mo na si Zyra?!" sabay na naman sila. Mag-ina nga talaga. Hindi ba ako kapani-paniwala? Naiirita na ako ah.
"Why? Something wrong with it ?" I hissed and drank my juice.
"Nak, anong gayuma ang pinainom mo?" biglang tanong ng aking ina kaya napabuga tuloy ako ng iniinom ko.
"Ma!!"
Sabay na naman akong tinawanan ng dalawa. Tsk. Pinagkaisahan talaga ako.
"Oh my gosh! I'm so proud of you brother. Sa wakas at sister-in-law ko na talaga si Zyra for real!" OA na sabi ng Ate ko habang yakap-yakap ako. Sarap niyang itulak! Pero syempre, masaya ako, hayaan na lang ulit.
"Invite your girlfriend for dinner, Zac."
"Sige po. Gusto ko 'yan!"
Zyra's POV
"Damit! Damit! Damit! Mom!"
Napagod na ako sa kahahalungkat ng mga damit kaya hihingi na lang ako ng tulong kay Mommy. Tsk! I hate this. Hindi ko alam anong gagawin ko. Natataranta ako.
"Oh, bakit ba—Hey! Ba't ang gulo ng kwarto mo?!" gulat na bungad ni Mommy.
"I don't know what to wear!" I hissed sabay tapon ng hawak kung t-shirt at jeans.
Hindi siya umimik kaya napalingon tuloy ako sa kanya. Then, I saw her grinning. Psh!
"Come, let me do a make-over for you." Hinila niya ako papuntang kwarto niya. Nasa resort si Dad, siya muna ang namamahala doon kaya wala siya dito.
Pumasok pa kami sa isa pang mini-room sa loob at namangha talaga ako sa nakita. Ang daming dresses ni Mommy. Not just that but also many jewelries, bags, high heels and boots. She got a blue high waist shorts, a black hanging blouse, and a black high-heel boots.
"M-Mom, I c-can't wear that," I stopped her.
"Ito ang isusuot mo and that's final." Kinaladkad na naman niya ako at pinasuot ang dala niya.
Aayaw na sana ulit ako but she gave me a death glare. Tss. Sa kanya ko pala namana iyon. So, wala na ako nagawa kundi ang sumunod.
Pinaupo niya ako sa seat na nakaharap sa salamin. She started combing my hair. At hindi ko na alam kung anong ginawa niya sa buhok ko. Pagkatapos ay pinaikot niya ang upuan ko kaya nakaharap na ako sa kanya. She didn't put some foundation or powder on my face. Natural na makinis na daw ang mukha ko. She just put a little lip shinner in my lips. Then, inayos niya ang porma ng eyebrows ko. Binawasan niya sa may baba. Iyon lang at tapos na kami.
Pinatayo niya ako at inayos ulit ang buhok ko. She make it a little curly. Then, inayos niya ang blouse ko.
She looked at me from head to toe. Ngumiti siya pagkatapos. Pinaharap niya ako sa salamin and I saw my reflection there.
"You are so beautiful my dear, like mommy," she giggled. Napangiti rin ako. I hugged her tight to let her know how thankful I am.
"Bitaw na! Baka masira ang buhok mo."
Napatawa ako. Sa lahat, buhok ko talaga ang inalala niya. Sayang talaga ang mga nagdaang taon na hindi kami bati ni Mommy. Oh, stop that. It's better late than never.
Honk! Honk!
Narinig namin ang busina galing sa labas. Agad tumahip ang kaba sa dibdib ko.
"Nandito na ang sundo mo. Go!" nakangiting taboy ni Mommy sa akin.
I hugged her again before running downstairs. I hurriedly open the door and there...
I saw my man.
Zac's POV
Napatayo ako ng maayos mula sa pagkakasandig sa kotse ko.
"Zy-ko..." I whispered in the air.
I don't know how to describe her appearance. But two things are for sure... she's dashing and gracefully gorgeous tonight. She's always beautiful but she's very different now, specially her outfit. Nakakapanibago talaga. The last time I remembered ay muntik na niya akong balian ng buto dahil sa nakita ko siyang nakashorts . And now, she's wearing shorts.
"A-Ahm... D-Do I look awful?" she suddenly asked.
Nagising ako sa pagkatulala sa kanya at agad ko ring naitikom ang nakangangang bibig ko. Lumapit ako sa kinatatayuan niya habang nakangiti.
"No, you're not. I even dropped my jaw the moment I laid my eyes on you. You are breathtakingly beautiful. Those words are not even enough to describe how attractive you are," I said and held her hands.
She blushed and bowed her head. Darn! Ako lang ang nagpapayuko kay Zyra ng ganito. At sa akin niya lang rin naramdaman ang ganito.
"C'mon! They are waiting for us."
I kissed her cheeks first before guiding her to the car. I don't know where did I got my courage. Parang naging natural lang sa akin ang gawin iyon. Hindi ko napigilan ang sarili ko.
Nakatikim naman ako ng hampas bago ako nakapasok sa driver's seat.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...