Zyra's POV
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Zac nang bigla siyang pumasok sa kwarto na kinaruruoanan ko. May bitbit siyang unan habang hindi maipinta ang kanyang mukha.
Kanina pa ako nakahiga dito. Gustohin ko mang lumabas ay hindi ko kaya. Sobrang bigat talaga ng pakiramdam ko. Hindi kasi ako kumain kahapon ng dinner pati kaninang umaga hanggang tanghali. Kaya naging dahilan yata iyon ng pag-collapse ko kanina at lagnat ko ngayon.
"Ganun? Ang may-ari na pala ang tinatanong? Punta naman ako minsan sa bahay niyo tapos paaalisin kita," nakangising sagot ng mokong.
"Bakit ka ba kasi nandito? Ba't may dala-dala kang unan?" nakakunot noong tanong ko sa kanya. Huwag niyang sabihin na dito siya matutulog?
"Nahihirapan akong makatulog sa ibang kwarto. Nasanay ako sa kwarto ko. Kaya dito na rin ako matutulog."
No way! Mahahalay—este mapapatay ko siya!
"What?! HINDI PWDE!"
"Kung makapag react 'to... Hindi naman kita hahalayin 'no! Bugbog sarado pang aabutin ko sa'yo."
"Diyan ka sa sahig!" Nag-iinit ang mukhang nagtalukbong ako ng kumot.
Tss. Bakit parang wala lang sa kanya? Babae ako at lalaki siya! Kaming dalawa lang sa iisang kwarto. Hindi ba siya naiilang? Hindi ba siya nag-aalala sa maaaring isipin ng mga kasambahay nila?
"Ano ka siniswerte? Kay laki kong prinsepe sa bahay na 'to tapos sa sahig mo ako patutulogin? Bahala ka!" sagot niya sabay hila ng kumot at humiga sa tabi ko.
"Hoy! Prinsepeng Nerdo! Bumaba ka kundi tatadyakan kita!" sigaw ko sa kanya.
"Subukan mo lang kundi HAHALIKAN kita!"
Napaurong ako dahil sa sinabi niya. Bigla naman siyang tumawa.
"Epic ng mukha mo!" he chuckled. Kaya binatukan ko nga. Nakakainis na siya!
"Aray! Sadista ka talaga!" maktol niya sabay bumaling ng higa patalikod sa akin.
"Psh. Bahala ka na nga diyan." Tumagilid rin ako ng higa, patalikod sa kanya.
Bumalot ang katahimikan sa pagitan namin. Hindi na siya kumikilos. Baka nakatulog na siya.
Tipid akong napangiti. I appreciate Zac's kindness. I'm thankful na nagagawa niyang pagaanin ang loob ko.
"Zyra..." biglang tawag niya.
Gising pa pala siya. Hindi ako sumagot at hinayaan siyang magsalita.
"Tulog ka na ba? Ay! May tulog bang sasagot?"
Baliw siya. Kinakausap niya lang ang sarili niya.
"Ano ba talaga ang problema mo? Ba't hindi mo sabihin para naman mabawasan ang bigat na nararamdaman mo?"
Did he know that I'm still awake? Ako ba talaga ang kinakausap niya o sarili lang niya?
"Gusto ka naming tulungan. Gusto naming mabawasan ang dinidibdib mo. Pero... paano namin magagawa 'yon kung pilit mong nilalayo ang sarili mo sa amin?" Napabuntong-hininga siya.
Sasabihin ko ba sa kanya? Handa na ba akong makita ng iba ang kahinaan ko? Hindi niya naman siguro ako pagtatawanan 'di ba? Dahil kung makaasta ako akala mo kung sinong malakas, sinong siga, pero pala... ang hina ko lang. Na kahit sa isang pitik ay pwede ng matumba.
Zac's POV
Nababaliw na yata ako. Kinausap ko ba naman ang taong tulog? Ang totoo kasi ay hindi pa talaga ako inaantok. O mas tamang sabihin na hindi ako makatulog.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...