FORTY-EIGHT

49 3 0
                                    

Zac's POV

Napangiti ako... ay mali, napangisi ako. The fudge! Kinikilig ako!

Pagkatapos niyang sabihin ang mga nakakakiliting linya na iyon ay agad niyang binitawan ang kamay ko na hawak-hawak niya kanina pa.

Tumingin siya sa akin na namumula.

"'Wag ka ng bumalik doon! Iwasan mo na sila ah?!" sabi niya sa akin sabay iwas ng tingin. Pagkatapos ay agad na siyang umalis.

"Not so fast, Zy-ko." Agad kong hinawakan ang kamay niya at ako naman ngayon ang hihila.

"Hoy! Saan mo ako dadalhin?!" pagpupumilgas niya. Pero sumusunod naman ang mga hakbang niya.

"Sa puso ko. Ay mali, nandito ka na pala."

Tiningnan ko siya saglit at nakita ko ang pamumula niya ulit. Hindi na siya umimik kaya napangiti nalang ako. Actually, hindi ko rin alam kung saan kami pupunta.

Basta, ang gusto ko ay ma-solo ko siya. Iyong nasa isa't-isa lang ang atensyon namin.

"I'm the best boyfriend in the world!!" sigaw ko pagdating namin sa may field. Tambayan ng tropa niya dito kaya alam kong walang ibang pupunta dito.

"Tss... 'Di nga?" irap niya sabay upo sa bench.

"Totoo 'yon." Napangisi ako habang tumatabi sa kanya.

"Kapal! Bakit mo naman nasabi 'yon? May girlfriend ka ba?"

"Sagutin mo muna ako para malaman mo," I smirked.

"Bahala ka! Manigas ka!"

"Pa-hard to get ka naman ngayon?" I teased her.

"Shut up, Zac," she rolled her eyes again tapos tumingin sa malayo. Hindi siya makatingin sa akin.

"Ayaw mo talaga?"

"Ayaw."

"Mahal mo rin naman ako, 'di ba?"

"Oo."

Aba't tinitigan pa ako habang pagsagot niya.

Kaya ako naman itong nailang at napatingin sa malayo.

"Zac."

"Oh?"

Nilingon ko siya. Pero nabigla ako ng labi niya ang sumalubong sa labi ko.

Napatigil kami sandali. Bago napalayo sa isa't-isa at napayuko. Nag-iinit ang mukha ko. Tiningnan ko siya ulit at napangiti.

"Akin ka na ah. Wala ng bawian."

Hinila ko siya sabay...

Chup!

Hinalikan ko siya ulit. Nakakaadik siya e! Pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you God for giving me the love of my life. I heart you, Zy-ko."

"I-I heart you too... Zac-ko."


TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon