Zyra's POV
Ang plano kung uuwi kinabuksan ay hindi natuloy. Dahil gusto munang manatili ni Zac, rather kami daw, dito sa Japan ng isang linggo. Para daw walang istorbo dahil kung uuwi kami sa Pilipinas, maraming asungot na nagngangalang Shin, Yong, Casper at Takuya.
Natawa nalang ako sa sinabi niya. Pati mga kaibigan namin pinagseselosan na niya. Baliw talaga. Baliw na baliw sa akin. Tsk.
"Kain ka pa."
Hindi pa nga ako nakakatango ay nalagyan na ni Zac ng maraming ulam ang plato ko. Nandito kami ngayon sa isang restaurant na may maliliit na rooms. Kumbaga kung gusto ng customer ng privacy, perfect spot ang kainan na ito. At talagang gustong-gusto ni Zac ng privacy, iyong kami lang, para nasa kanya lang daw ang atensyon ko.
"May plano ka bang gawin akong balyena?" naiinis kong maktol ngunit hindi naman malakas ang boses ko.
"Nope. I just want you to eat more para iwas sakit. Okay lang naman sa akin na alagaan ka kung magkasakit ka, but I rather choose you to be healthy. I don't want you to get hurt again," seryosong sabi niya habang nakatuon na ang pansin sa kinakain.
Pakiramdam ko naman ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Ibang-iba na talaga ang nerdong 'to. Magaling ng magbitaw ng mga nakakakilig—I mean, concerned words.
"Hmp!" Pabirong inirapan ko siya para maitago ang hiya ko. Pero hindi nakatakas sa paningin niya ang paglagay ng takas na buhok ko sa likod ng aking tenga.
"Kinikilig ka ba?" he teased. He even chuckled.
Napasimangot naman ako at hinampas siya sa braso. Tumawa lang ang mokong.
"Ang hinhin mo na..." biglang sabi niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Ikaw nga diyan e. May mga banat ka ng nalalaman! Siguro marami kang chix noong wala ako."
"I remained loyal even if you were gone, Zyra," he seriously said. Nawala ang playful expression niya at napalitan ng seryosong mukha. He eyed me deeply and intensely. Feeling ko lulubog na ako sa kinauupoan ko.
...
"A-Ano... S-Sa couch nalang ako matutulog," hindi mapakaling sabi ni Zac.
Ngayon ay nagsisi na ako kung bakit ko siya pinigilang magcheck-in sa ibang kwarto. Ako pa talagaang nag-imbita sa kanya na sa iisang kwarto nalang kami. Siguradong mahihirapan siya sa pagtulog. Hindi naman kasi kalakihan ang couch. Ang tangkad pa niya.
"O-Okay lang sa'yo? Manghingi nalang tayo ng extra foam."
"Huwag na! Okay lang naman ako sa couch. Extra bayarin lang 'yan."
Really? As far as I know ay CEO siya ng isang entertainment company. Para-paraan din itong lalaking 'to!
Wala naman sigurong masama kung magtabi kami. Nagawa na rin naman namin iyon noon. At wala namang kababalaghang nangyari.
Aish! Ano ba 'tong naiisip ko?!
"Tabi nalang tayo sa kama," bigla kong naisatinig.
"No! I mean... hindi pwede. Damn. Okay lang talaga ako dito. Kasya naman ako," mabilis na sagot niya sabay higa. Napangiti nalang ako at agad kumuha ng unan at blanket para sa kanya.
"Basta ba kapag hindi ka na komportable diyan, magsabi ka lang."
Ngumiti lang siya kinindatan ako. Kaya malakas kong tinapon sa kanya ang hawak na unan. He laughed in return.
Aalis na sana ako ng bigla niya akong pinigilan at hinawakan sa kamay.
"A-Ano?"
"Wala ba akong good night kiss?" pilyong tanong niya.
"Suntok, gusto mo?!" Matapang kong sigaw sa kanya. Nag-init agad ang mukha ko.
"Sige na... Feeling mo naman hindi mo pa ako nahalikan sa lips." Marahan niya pang hinimas ang kamay ko.
"Zac?!" Malakas ko siyang hinampas sa tiyan kaya napaigik siya. Ngunit humalakhak naman pagkatapos.
"I'm just teasing you, Zy. But... you can grant it too." Itinaas-baba niya pa ang kilay niya. Ang cute ng damuho. Pero binigyan ko lang siya ng matalim na tingin. He laughed again.
"Bahala ka na nga diyan!" Kunwari naiinis na lumakad ako paalis.
"Zy-ko?"
Hindi ako tumigil o nilingon man lang siya. Alam kong tutudyoin lang niya ako. At kapag hindi pa siya tumigil, tutuhanin ko talaga ang gusto niya.
"Sleep tight, Zy. Always remember that I love you so much."
Shit! Zac, you nerd!
...
"Dahan-dahan lang naman!" saway ko kay Zac.
"Lakihan mo nalang kasi. Huwag ka ng mahiya sa akin. Dapat masanay ka na."
"Nakakahiya naman kasi..."
"Don't be. Ako lang naman ang makakakita."
Mahina kong sinampal ang mukha niya dahil sa hiya. Kumakain kami ng ramen for breakfast. At itong si Zac pinipilit niyang suboan ako. Kahit kami lang ang nandito sa kwarto, nakakahiya pa rin ang gesture na ito.
"Baka langgamin na tayo nito," mahinang sabi ko.
"Hindi pwede! 'Wag kang magpakagat sa kanila. Ako lang dapat ang makakakagat sa'yo."
Mabilis kong nahampas ang braso niya. Nag-init na naman ang mukha ko. Mukhang bumabawi talaga siya sa mga panahong hindi kami nagkasama. Hindi lang ako ang nagbago, may nagbago rin sa kanya. Sweet-talker siya noon pero mas grabe ngayon. I didn't see it as a bad thing though. Actually, gustong-gusto ko. Nananakit ang panga ko sa kakangiti.
"Open your mouth, baby."
Bigla niya akong sinuboan. Mabuti nalang at kusang sumunod ang bibig ko at tinanggap ang pagkain.
"Hmp! Hmp! Hmp!" hindi makapagsalitang reklamo ko. Ang taas ng ramen na pinakain niya sa akin. Tapos tinawanan lang ako ng gago. Parang sinadya yata ng kolokoy na 'to! Kaya siguro gustong-gusto niya akong suboan.
"Sus! Noodles na nga lang 'yan, nagmamaktol ka na. Paano nalang kaya kung malaman mo kung gaano kataas ang pagmamahal ko sa'yo? At kung gaano kalaki at kataas ang—"
Bigla akong nabilaukan dahil sa huling sinabi niya. Iba ang pumasok sa isip ko. Dali-dali naman siyang lumapit sa akin at hinagod ang likod ko. Binigyan niya rin ako ng tubig.
"You should be used of me. Because every now and then, bubusogin kita ng pagmamahal ko. At bakit ka ba nabilaukan ng sinabi ko kung gaano kalaki at kataas—Arayyy!"
Piningot ko ang tenga niya. Para maitago ang pamumula ng mukha ko.
Kagabi pa siya. Kung anu-ano nalang ang pinagsasabi."Bakit ba?" He grabbed my hands and held it tightly. Nagpumilgas ako pero ang lakas ng loko. "Ayaw mo bang marinig kung gaano kalaki at kataas ang pangarap ko para sa ating dalawa?"
Hindi lang yata mukha ko ang uminit, buong katawan na yata! Shit! Kung alam niya lang ang mga naiisip ko... Nakakahiya!
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...