FORTY-TWO

65 4 0
                                    

Zyra's POV

Days passed. Kasama ko na ulit sa tanghalian ang barkada, iyon lang din kasi ang time na pareho kami ng vacant. Busy na masyado dahil graduating kami. Si Zac naman, syempre ang kadalasan kong makasama. May subject na classmate kami, halos pareho pa kami ng vacants.

"Zac, naalala mo ba ang mga pinagsasabi mo sa akin noon?"

"Ano? Kailan?"

"Noong araw na dumating ang Dad ko at nakita mo ako sa likod ng school. Noong pinagsabihan mo ako ng mga nakaka-nosebleed na mga payo mo. Naalala mo na?"

"Ahh... Oo naman. Bakit?"

"May sinabi ka nun e, na 'di ko masyadong naintindihan."

"Talaga? Ano?"

Natahimik ako sandali. Tama bang itanong ko iyon sa kanya?

"Iyong... ano..."

"Ano nga?"

Naknang! Ang awkward naman kasi ng itatanong ko. Lalo na kapag sumagot siya.

"Zy! Ano na? Malapit na tayong dumating sa inyo oh. Tapos aalis na ako agad kasi susunduin ko pa si Ate sa airport. Baka 'di ko na masagot 'yang tanong mo sa susunod."

"Tss... Akala mo naman mamamatay ka na bukas! Che! Masamang damo ka kaya!"

"Sus... You're describing yourself too."

"Ewan ko sa'yo. 'Di nalang ako magtatanong."

"Ewan ko rin sa'yo. Ang gulo mong kausap. Bakit 'di mo nalang kaya itanong 'yan para masagot ko na agad? "

"Ehh... Iyong ano ba..."

"Ayan ka na naman sa yong-yong mo. Sasagutin na nga lang kita kahit 'di mo ako natatanong. Oo! Gwapo ako kasi nasa genes na namin ito at habulin ako ng babae dahil ako si Zac sobrang cute at gwapo."

"Biglang humangin ng malakas!" pag-arte ko na tila dinadala ng hangin. He just laughed at me.

"Sabihin mo nalang kasi sa akin 'yang tanong mo, nakaka-curious na!"

"It's about... noong araw na may sinabi kang... God loves you and me too. What do you mean by that?"

It's his time to shut up. Bigla yata siyang nanlamig at napaayos ng upo. Hindi na rin siya lumilingon sa akin at nasa daan lang nakapako ang paningin.

"Oh ano na? Ikaw naman ang 'di makasagot!" I smirked.

Nakakatuwa ang reaksyon niya. Akala ko mahirap ang pagtatanong ko. Mas mahirap pala ang pagsagot niya.

Syempre, may common sense naman ako. Alam ko ang ibig sabihin nun. Gusto ko lang marinig ang kasigaraduhan na totoo ang narinig ko mula sa kanya. Kung love ba talaga na ano o 'yong ano na... basta ano!

Baka assuming lang ako. Hindi naman pala ibig sabihin na more than friends na love. Baka bilang kaibigan lang pala. Kaya gusto kong maliwanagan.

"Gusto mo na ba talagang malaman ang sagot?"

Bigla siyang nagsalita at pinarada ang kotse sa tapat ng bahay namin. Tumingin siya ng malalim sa mga mata ko. Bigla ring nagseryoso ang mukha niya. Hindi naman ako makatagal sa tingin niya kaya tumingin ako sa harap.

"Oo," matapang kong sagot.

Sa totoo lang, kinakabahan akong malaman ang sagot niya. Dalawa lang kasi ang naiisip kong pwede niyang sabihin sa akin. Sasaya ako sa una. Masasaktan naman ako sa pangalawa.

"Pumunta ka sa music class ko bukas para malaman mo ang sagot ng katanungan mo."

Umibis na siya ng sasakyan at pumunta sa gawi ko para pagbuksan ako ng pinto. Agad rin naman akong lumabas. Pagkatapos ay pumasok na siya ulit sa sasakyan at agad umalis ng walang paalam.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon