SEVENTY-FOUR

6 0 0
                                    

Zyra's POV

Naalala ko pa ang mga pangyayari noong nakaraang araw sa bahay nila Zac. Talagang nagugulohan ako sa mga kilos at pananalita nila. Hindi lang ng pamilya niya kundi pati na rin ng mga magulang ko. Parang nag-iingat sila sa bawat salitang kanilang binibitawan. May tinatago kaya sila sa akin? At bakit, anong dahilan? Akala ko ba gusto nila akong makaalala?

I exhaled deeply. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. Wala akong magawa dito sa amin. Pagkakabisa ng buong bahay at pag-a-adjust sa paligid palang ang nagagawa ko. Ayaw pa ng mga magulang ko na magtrabaho ako kaya sila muna ang namamahala sa resort.

Kinuha ko ang cellphone na nasa ibabaw ng study table at napangiti ng mahawakan ko ito. Binigay ito ni Zac kahapon. Nag-picture pa kaming dalawa at iyon ang ginawa niyang wallpaper. Nandito na rin ang mga numbers nila at naka-plan na daw ito kaya unlimited ang load.

Nakakapanibago pa rin ang karangyaan na tinatamasa ko ngayon. Sa yaman ng mga magulang ko, maaari na akong magpagawa ng bahay para kay Nay Belen at Tay Danny doon sa probinsya. Kumusta na kaya sila? Namimiss ko na ang dalawang iyon.

"Zyra? Handa na ang agahan. Hinihintay ka na ng mga magulang mo," sabi ni Nay Ellen sa labas ng kwarto ko. Hindi na siya nag-abalang buksan pa ang pinto dahil kabisado na niya na maaga akong gumigising.

"Susunod po ako. Maliligo lang ako sandali."

"Sige, iha."

Agad akong pumasok sa malaking CR at mabilis na naligo. Nagbihis ako ng panlakad na damit at pumunta na sa kusina pagkatapos.

"Nakabihis ang prinsesa natin, ah? May lakad kayo ni Zac?" bungad ni Papa habang umiinom ng kape.

"Si Shin po sana ang yayayain ko."

Umupo ako sa tapat nila. Binigyan naman ako ni Nay Ellen ng plato at kubyertos. Nang tumingin ako sa mga magulang ko ay parehong gulat ang nakabakas sa mga mukha nila.

"A-Ayaw mo ba kay Zac, anak?" nag-aalalang tanong ni Mama.

"Hindi naman po sa ganun. Parang naaabala ko na kasi siya. Nakakahiya na po kay Zac."

"Wala namang problema sa kanya. Pero kung 'yan ang pasya mo, hahayaan ka namin. Basta mag-ingat kayo ni Shin," ani naman ni Papa.

"Salamat po," I smiled at them.

"Oh siya, mauna na kami. Enjoy ka lang sa pamamasyal ha, Zyra?'' Nginitian rin ako ni Mama. Tango naman ang naging sagot ko sa kanya.

Tumayo ako at parehong hinalikan sila sa pisngi. Iyon na ang nakagawian kong gawin sa tuwing aalis sila.

"Mag-ingat rin kayo, Zeny, Rico," paalala ni Nay Ellen sa kanila bago sila umalis.

Pagkatapos kumain ay agad akong pumunta sa kwarto at kinuha ang cellphone ko. Sa totoo lang, wala naman kaming usapan ni Shin. Tatawagan ko palang siya.

"Shin?'' bungad ko nang sagutin niya ang tawag.

"Zee? Napatawag ka?" masiglang bati niya sa kabilang linya.

"P-Pwede mo ba akong samahan?"

"Saan?"

"Sa mga lugar na napuntahan ko na noon, na pwedeng makatulong upang bumalik ang alaala ko," I directly told him. Natahimik siya sandali sa kabilang linya.

"How about Zac?"

Napakunot ang noo ko. Bakit ba laging si Zac ang gusto nilang lage kong kasama? Parang inaasahan nila na siya ang una kong maiisip o kaya'y gustong makita? Gaano ba kasi kalalim ang pagkakakilala namin noon?

"May trabaho pa siyang kailangang asikasuhin at nahihiya na rin akong abalahin siya." I heard him exhaled deeply before answering me.

"Okay. I'll be there within thirty minutes." He ended the call after saying it. Nilagay ko na rin ang phone sa bulsa at kumuha ng pera na bigay nila Mama. Sa labas ko na hinintay ang pagdating ni Shin.

...

"Anong lugar ang una nating pupuntahan?" I asked Shin while we're on our way to somewhere.

"Sa university na pinagtaposan natin. Marami tayong alaala doon." He gave me a quick glance then back to the road.

"Sabi ni Zac, ikaw daw ang pinaka-close ko. Sa tingin ko, totoo naman. Magaan kasi ang loob ko sa'yo." I smiled without looking at him.

"Tama nga iyon. But... Everything changes. Nothing is permanent in this world."

Napalingon ako kay Shin. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa unahan.

"W-What do you mean?"

"There are many thing things that you still don't know. Marami ka pang kailangang malaman. And I don't have the right to tell it all to you. So, we'll take it slowly." Ngumiti siya sa akin pagkatapos sabihin iyon.

Maya-maya rin ay nakarating na kami sa school. Dinala niya ako sa tambayan daw namin noon, sa may bench na nasa gilid ng field. Pinakita niya rin sa akin ang mga classrooms at tinuro niya pa kung saan kami nakaupo. Tumambay rin kami sa park na nasa likod ng school at nagkwento siya ng mga pangyayari. Pero napansin ko na wala si Zac sa mga sinabi niya.

Pumunta kami sa Underground Arena. Ilang beses na daw kaming nakipaglaban doon. He even told me that mine and Zac's parents are the former owners of the place. Ngayon ay nasa pangalan na daw naming anim 'yon-ako, Shin, Takuya, Yong, Casper at Zac.

"Sa mga kwento mo, talagang 'di ko ma-imagine na ako ang babaeng tinutukoy mo,'' I softly chuckled.

"Yeah. Pati nga kami takot sa'yo noon e," he chuckled too.

"Nakakatawang isipin. Ang astig ko pala noon."

"And you're too vulnerable now.''

"Nag-iba ba talaga ako?" Hindi ko napigilan ang sadness sa boses ko.

"Honestly, yes. But just your attitude and actions. For us, you're still the same Zyra we know. Plus, you still have the same good heart like before."

Napangiti ako sa narinig. Hindi ako magsasawang uulit-ulitin na napakaswerte ko. Sa loob ng dalawang taon, hindi ko man lang pinangarap o inisip na magkaroon ng kaibigan na tulad nila. Gusto ko na tuloy makaalala ulit. Nais ko ng maaalala ang mga masasayang kwento na nasabi ni Shin.

At para malaman ko na rin kung ano ang tinatago nila tungkol sa akin... at Zac.

I am so eager to know. I don't know why.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon