THIRTY-SIX

54 3 0
                                    

Shin's POV

"Shin, mahal kita..."

Mahal niya ako? Haha. Ang sarap lang pakinggan.

"Pero... bilang kaibigan lang."

Pero alam kong may kasunod pa iyon. Damn. Ilang libong pana ba ang tumama sa dibdib ko? Bakit napakasakit?

"I knew it. Hindi nga ako nagkamali. Kaya nga ayaw ko na sanang umamin e. Dahil masakit malaman ang katotohan." Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya.

Bakit siya umiiyak? Nasasaktan ba siya dahil nasaktan niya ako? Dahil hindi niya magagawang mahalin ang KAIBIGAN na tulad ko?

"Hush now, princess... It's not your fault, Zee."

I hugged her, tightly as I can. I did it to stop her from crying and to ease the pain I feel.

"Alam mo... I really tried so hard to stop my feelings for you. But my heart keep on beating and my mind keep on telling that you are the only one for me even I know that... I am not the one for you."

"Shin... I'm so sorry," she sobbed. Napabuntong-hininga ako. Paano ko ba maaalis ang sakit na nararamdaman niya kung ako rin ay nasasaktan ng sobra?

"No. You don't have to say sorry. Alam naman nating 'di natin matuturoan ang puso kung sino ang mamahalin. Kaya please Zee, stop crying." I held her hand and kissed the back of it.

"But I admit... Loving you doesn't hurt me. The only thing that keeps on hurting me is the fact that you'll never love me back."

I froze when she hugged me. Kaya sa kabila ng sakit ay napangiti ako. Dahil napatunayan ko na hinding-hindi ako magsisisi na ang babaeng ito ay minahal ko ng todo.

Ang problema lang kasi, hindi kami ang tinadhana, hindi kami ang para sa isa't isa.

"It hurts to let go, but sometimes, it hurts more to hold on. I know what to do, Zee..."

"Sorry talaga, Shin... Nang dahil sa akin ay nasasaktan ka," she cried again.

"Sshh... Tama na sabi 'yan. Don't worry, okay? I know that it takes time to heal this wound but promise, I'll be fine. Ang kapal naman ng mukha mo kung magpapakamatay ako para lang sa'yo."

We both chuckled. And she hugged me tightly again.

I smiled.

Maybe, this is not a bad day after all. This day may serve as the first day of my new life, as Zaira Zee Zain's official bestfriend.

Everything is clear. What I need to do is move on and start a new beginning.

Hopefully... I'll meet the right girl for me.

And I swear to God, I will love her more than I loved Zee.

Shin's POV

"Shin! Sige na dude... Magkwento ka na kasi!" pagpupumilit ni Takuya sa akin kasama pa ang dalawang mokong.

Alam ko na kagagawan ng mga gagong ito ang nangyari. Pero hindi naman ako nagalit. Na-realize ko rin kasing tama ang ginawa nilang pangingialam. Kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging malinaw ang lahat.

"Tss... Manigas kayo." Dumukmo ako sa armchair ni Zee. Nakipasok kami dito, wala namang teacher e.

"Ang KJ naman nito!" maktol naman ni Yong na binatukan pa ako.

Psh. Bahala kayo diyan.

Hindi pa rin ako umimik at napangisi nalang upang inisin sila lalo.

"Oh, Boss Z! Ikaw nalang magsabi. Kapag nagkwento ka, free ka ng kumain forever sa resto namin," pang-uuto naman ni Casper.

Gago! Patay ka diyan.

"Kung ikaw kaya ang ihawin ko at ipakain sa mga asong ulol?!!" inis na sabi naman ni Zee.

Sabi ko na e. Amazona talaga! Kaya nga—Wala!

"Ang others naman ng dalawang 'to! Nakalimutan niyo yatang barkada niyo kami kaya may karapatan kaming malaman ang lahat! At isa pa, kung hindi dahil sa amin... 'di mangyayarin 'yon!" hingal na sabi ni Takuya.

"Tama! At kung makaasta kayong dalawa parang walang nangyari kadramahan kahapon ah? Pwede na nga kayong bigyan ng best actress and best actor award!" patuloy pa ni Casper.

"Teyka nga, huwag niyong sabihing... KAYO NA?" Napasinghap si Yong.

Napatingin ako sa tatlo na exagge kung makapalaki ng mata, takip ng nakangangang bibig at nag-freeze pa. Mga loko-loko talaga.

"Psh!" sabay na sagot namin ni Zee.

Pumikit na ako ulit. At pinatong naman ni Zee ang ulo niya sa likod ko. Matutulog rin yata at ako naman ang ginawang unan. Tss...

Mas mabuti na rin sigurong hanggang magkaibigan nalang kami. Heto nga at mas naging close pa kami. Wala ng ilangan at nagagawa na namin ang mga bagay na tulad nito na walang halong malisya.

Nag-usap na kami ulit ni Zee. At malinaw na talagang, mag-BESTFRIENDS lang kami.

Tss... Bahala na nga.

Wala na akong pakialam.

Zac's POV

Isang linggo ang lumipas. At ganun na katagal ang mga araw na iniiwasan ko si Zyra.

Matagal na sa akin iyon. Isang araw pa nga lang na hindi ko siya makita parang nakakabaliw na. Para kasing hindi kompleto ang araw ko kapag wala siya. Kaya nga kahit masakit, iiwasan ko muna siya.

Ang corny naman. Pero ganito nga siguro ang pakiramdam kapag nagmahal ka. Hindi mo talaga maiiwasan ang ganito kabaduy na bagay.

"Life is a symphony of incredible music. It has its own soprano, alto, tenor and bass. No matter how low or high the notes, keep in tune with God and you'll never go off-key in the beautiful music of life." Naglelecture na ang Professor namin. Music at life ang topic namin ngayon.

Tama nga siya. Maganda ang buhay, lalo na kapag hindi mo makalimutang may Diyos.

Dahil sa sobrang pag-iisip at pagdaramdam sa sakit ng puso ko, nakalagitnaan ko na pwede pa akong magdasal sa kanya. Humingi ng tulong upang maging malinaw ang lahat.

Mabuti nalang at mahilig ako sa music. Marami akong natutunan sa musika lalo na kapag binibigyan ko ito ng atensyon at importansya. Para nga sa akin, konektado ang musika at buhay. May kasabihan pa nga na "Life without music is literally boring". At sang-ayon ako dito.

Pero kapag problema sa love ang pag-uusapan. Nagbla-blanko ang isip ko. Siguro, uunahin ko munang magdasal. I do believe na matutulongan Niya ako.

"Your task for today is write a song lyrics that defines your feelings right now, what your life is going through. If you are feeling sad, happy, jealous, or heartbroken."

Napatingin ako kay Prof na busy pa rin sa pagbibigay ng instruction at napangiti. Alam ko na hindi niya ito sinasadya pero natamaan ako sa huli niyang sinabi. Kita mo na, hindi pa nga ako nagdadasal pero gumawa na ng paraan ang Diyos upang mapalabas ko ang nararamdaman ko.

"Love Life. Pwede na kayang title 'to?"

At ito na nga. Nagsimula na akong magsulat ng liriko ng buhay pag-ibig ko.

"Siguro naman malaki ang score ko nito. Hugot to the max e. Sagad sa buto."

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon