NINETEEN

89 6 2
                                    

Zac's POV

After two days ay pinayagan na akong lumabas ng hospital kahit hindi pa tuloyang gumaling ang sugat ko. Pero kunting alaga at linis nalang daw ng ilang araw ay gagaling na ito.

Si Zyra ang nag-asikaso sa lahat. Katulad nalang ng hospital bills na pinagtalunan namin. Napilitin pa nga siyang magkotse para lang maihatid ako ng maayos. Pero as usual, hindi na naman siya pumayag na pumasok sa loob ng bahay namin. Tulad ko na hanggang gate lang rin nila.

"Ya, kailan po ba babalik si Ate Xyla galing Korea?" tanong ko kay Aling Nena habang nagse-serve siya ng breakfast. Kahit friday ngayon, gusto ko pa ring pumasok. Nami-miss ko na kasi ang Zy-ko.

"Hindi ko alam, Sir. Wala kasi siyang sinabi kung kailan ang balik niya," sagot ni Aling Nena.

"Eh, si Mama po? Tumawag ba?"

"Hindi rin e. Tatlong araw kayong wala dito."

"May ginawa lang ako, Ya," alibi ko. "Ako na bahalang tumawag kay Ate at Mama."

Pagkatapos kong kumain ay naghanda na akong umalis. Excited na akong makita ulit si Zyra.

"Ya, alis na po ako!" paalam ko habang inaayos ang jumper ko while pababa ng hagdan.

"Mag-ingat ka," sagot niya.

"Salamat po."

...

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng campus. I'm too excited to see Zyra.
Ngiting-ngiti ako habang naglalakad. Napapalingon nga ibang estudyante sa akin e. Pero bahala sila, I don't care about them.

Malapit na akong makarating sa classroom nang may mapansin ako. Nagtaka ako kung bakit nasa labas ang mga classmates ko. Pero may pinapanood sila sa loob gamit ang bintana. What's going on there?

"Mica, anong nangyayari sa loob?" salubong ko kay Mica na hindi mapakali. Palakad-lakad siya sa hallway.

"Nag-aaway ang tropa nila Takuya e. Dumating kasing umiiyak si Zyra kanina. Pilit nilang inaalam ang dahilan pero ayaw sabihin ni Zyra. Unang pagkakataon ba naman kasi naming makitang nagkakaganyan siya. At isa pa ang isip batang 'yon, ayaw papigil sa kakakulit. Grabe pa namang magalit si Zyra," kwento ni Mica sa akin.

Ay sus! Nag-aalala lang pala siya kay Takuya.

Naisipan kong pumasok sa loob pero pinigilan ako ni Mica sa may pintuan. I looked at her then she shook her head.

"Hindi ba pwedeng sabihin mo nalang, Zee?!" Shin shouted.

"Ayoko ngang sabihin sa inyo! Bakit ba kayo nagpupumilit ha? Kaanu-ano ko ba kayo?"

Napatigil ang apat na lalaki dahil sa sinabi ni Zyra. She walked out and they were left unmoved.

"Zy..." I tried to call her when she passed through me, but she just yelled at me.

"Huwag ka ring makisali dahil wala kang alam!"

Tuloyan ng nawala ang ngiti ko. I thought this day would be great but I was totally wrong. Lahat ng tingin namin ay nakasunod na lang sa papalayong pigura niya.

"Damn!" sigaw ni Shin sa loob.

Napaupo naman sina Yong, Takuya at Casper. Pumasok na ako at pati na rin ang iba. Papalapit na kasi ang instructor namin.

Wala sa klase ang isip ko at alam kong pati na rin ang apat na kaibigan ni Zyra. Tama nga ang sinabi niya, wala akong alam. Pero gusto kong malaman kung ano ang pinagdadaanan niya. Handa naman akong makinig. Handa akong damayan siya.

Ano ba kasing nangyari kay Zyra? Bakit siya umiiyak?

HINDI KO na sila classmate sa second subject pero pareho kami ng vacant. Naabutan ko silang apat na kumakain ng snacks sa canteen. Hindi na ako nagdalawang-isip na lumapit at nakiupo sa pwesto nila. Sabay pa silang napatingin sa akin na may gulat at pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Yah! Who told you to sit here?"  magkasalubong ang kilay na asik ni Shin.

Tiningnan ko siya sa mata at sumagot. "Gusto ko lang makipag-usap sa inyo."

"Tss! Bilib na talaga ako sa'yo. Nerd ka nga pero ang lakas ng loob mo," nakataas ang kilay na sagot ni Shin.

"Itatanong mo ba kung anong nangyari kanina?" aayos na tanong ni Yong sa akin. Mabuti pa ang isang ito.

"What the—Seriously?!" maktol ni Shin.

"Don't be rude, Shin. Maayos tayong kinakausap ng tao. Huwag ka munang magpadala sa init ng ulo mo," seryosong sabi ni Takuya.

"Tama, pare," sabat naman ni Casper habang kumakain. Puno ng pagkain ang bibig niya.

"Fine!" suko ni Shin at binigyan muna ako ng matalim na tingin bago umupo ng maayos. Nakaekis ang dalawang braso sa may dibdib niya.

"Salamat." Ngumiti ako sa kanila pagkatapos ay tumingin ulit kay Shin.

"Itigil mo na nga 'yang pagsalubong lage ng kilay mo. Kung ayaw mong mag-straight line 'yan," biglang payo ko kay Shin dahilan para humagalpak ng tawa ang tatlo. Napapormal naman ang mukha ni Shin pero mas tumalim ang tingin niya sa akin.

Maya-maya ay naging tahimik na ang paligid. Marahil ay hinihintay nila ang gusto kong sabihin.

"I understand Zyra. At alam ko ring naiintindihan niyo rin siya. Pero hindi niyo maitatanggi na medyo nagtatampo na kayo sa kanya. I don't know Zyra that much than you do. I know that. But I've been with her in those past few weeks. And it seems like, kilala ko na siya for a very long time. Because I can feel her... She acts like a tiger but you know, her eyes can't lie. I can see the sadness she felt within her. She always let you see her as a strong woman, but the truth is... she is so vulnerable."

"At ano ang gusto mong palabasin? Ha?" Shin asked.

"Respect her decision. I think... she have a problem with her family or what. Maybe... She's not yet ready to share it with you eventhough you've been friends for a long time."

Habang nagsasalita ako, matamang nakikinig lang ang tatlo. Pero lagi ko yatang napapakulo ang dugo ni Shin sa hindi ko malamang dahilan.

"We respect her decision. Don't you ever say that we didn't," matigas na sabi ni Shin habang nakakuyom ang kamao.

"Really? Kung totoo 'yang sinasabi mo, bakit dumating sa puntong sumabog si Zyra kanina? You've always been curious about her that's why mas lalo niyang tinatago ang buhay niya sa inyo. Think about privacy."

"How dare you para sabihin sa amin 'yan?! You're just a freaking nerd!" sigaw ulit ni Shin.

Zyra told me once na si Shin daw ang pinaka-malambing sa apat na lalaking ito. Pero base sa nakikita ko ngayon, malabo, hindi totoo iyon! Pinaglihi yata ng sama ng loob ang koreanong hilaw na ito.

"Shin, calm down!" awat ni Yong.

Napabuntong-hininga ako at tumayo.
"I know that Zyra is strong, she's really physically strong. But we can't deny that she's still a girl, with vulnerable emotions. And I want to remind you that girls thinks differently from boys. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay gusto niya sabihin sa inyo ang mga bagay-bagay tungkol sa buhay niya. Kahit kayo pa ang pinakamatalik na kaibigan niya. If you really respect her, try to wait kung kailan ready na siyang ipakilala sa inyo ang buo niyang pagkatao."

I ended my speech with a smile and raised my hand to bid them goodbye. Tahimik lang sila nang tuluyan na akong umalis.

🌻🌻🌻

A/N:
Special Mention! I would like to thank boompanes187. Siya kasi ang pinaka-unang nag-comment sa story ko na sana ipagpatuloy ko pa daw. Honestly, nawalan na ako ng gana na ipagpatuloy ito. But thanks to him because I've realized na dapat kong tapusin ang aking nasimulan. Charot!

Maraming salamat talaga sa'yo, boompanes187. I appreciate your effort and giving me your precious time by reading this story. ❤️😘

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon