Zyra's POV
Vacant time. Nandito ako sa library. Kasama ko na naman si Zac. Hindi ko alam kung paano nangyari pero pareho kami ng mga vacant time. Kaya heto at lage ko nalang nakikita ang mukha ng mokong na ito.
"Hoy, Zac! Kanina ka pa nakatunganga diyan, ah? Wala ka bang ibang gagawin kundi 'yan?"
Tumango lang ang loko at patuloy pa rin sa pagtunganga. Nakatukod ang baba niya sa dalawang kamay niyang nakataob sa mesa.
Okay lang sana kung sa iba nakatingin pero ako ba naman ang ginawang target view? Kita na ngang gumagawa ako ng assignment, sinisira pa ang konsentrasyon ko.
"Tsk. Ewan ko sa'yo." Pinatuloy ko nalang ang pagsagot ko at pilit na ini-ignore ang presence niya.
"Zy, gutom na ako..."
"Edi bumili ka at kumain," sagot ko sa kanya.
"Samahan mo ako." Itinukod niya ang dalawang siko niya sa mesa at nasa dalawang palad na ang mukha niya. Hindi ko talaga maipaliwanag ang feelings ko kapag umaakto siya ng ganito. Noong nerd pa ang get up niya, aaminin kong ang cute niyang tingnan. Pero ganitong mukha siyang modelo, naka-white t-shirt na body fit pa, ewan ko nalang. Parang may mga langgam ang tiyan ko. Hindi ko alam kong nangangagat ba o nangingiliti.
"Aba't siniswerte ka naman yata kung sasamahan pa kita. Marami pa akong gagawin tapos ikaw tambay lang diyan."
"Tsk. Sungit naman nito. Makatulog na nga lang. Gisingin mo ako kapag tapos ka na ah."
"Yes, Sir," I sarcastically answered.
Bwesit. Bakit ba ako sumusunod sa utos ng lokong ito? Kahit kailan hindi ako nagpapautos, ako pa ang nag-uutos. Pero pagdating sa lokong ito, taob ako.
Mabuti nalang at naisipan na niyang matulog. Akala niya yata hindi nakakatunaw ang titig niya. Psh.
"Hoy! Gising ka pa? May tanong ako sandali."
"Hmn... Ano?"
"Ano sa tagalog ang profit?" tanong ko sa kanya.
"Kita."
"Eh, ang expensive profit? Mahal na kita, ganun?" I chuckled. Pero agad ring natigilan. Napatingin naman si Zac sa akin.
"Ahh... He-he. Bigla ko lang namang naisip kaya naitanong ko. Hindi ko naman akalaing double meaning. Sige na, tulog ka na ulit," I immediately looked away.
Bumalik naman siya sa pagkakayuko. Pero hindi naman nakatakas sa paningin ko ang ngiti niya bago siya bumalik sa pagtulog.
Argh! Bakit ko natanong 'yon? Alam ko naman talaga ang sagot. Sikat na biro iyon sa department namin.
Hindi ko naman talaga sinadya. Pero bakit.... parang naaapektohan ako?
Siya rin kaya?
Yong's POV
"Kung magpapatuloy siya sa kahibangan niyang 'yan, baka 'di magtatagal ay may kaibigan na tayong baliw," pabulong na sabi kay Casper at Takuya.
Ito kasing si Shin, lagi nalang nakatulala. Nang nagsimula ang second semester at hindi na namin halos makita at makasama si Boss ay nagkaganyan na siya.
Hindi rin naman mahilig sa text ang babaeng iyon kaya hindi na talaga namin inaasahan na laging dala ni Boss ang cellphone niya. Gumagamit lang siya kapag kinakailangan na talaga.
"Kung 'di niya magawang umamin, bakit hindi nalang tayo ang gumawa ng paraan para magkaaminan na?" suhestiyon naman ni Casper.
May point rin siya. Hindi lang pala puro pagkain ang nasa utak nito.
"Aja! May naiisip na ako, guys," sabat naman ni Takuya.
Nakapagplano na kami ng gagawin pero itong si Shin parang nasa ibang planeta pa rin ang isip at kaluluwa.
Zac's POV
"Zyra, please... Pumayag ka ng maging model sa gagawin kong music video."
Kanina pa ako sunod ng sunod kay Zyra. Simula kaninang umaga ko pa siya pinipilit.
"Ayoko nga Zac. Pangit ako. 'Di ako marunong umarte. Wala akong talent."
Tss... Ako pang lolokohin nito. Magugustohan ko kaya siya kung pangit siya at hindi ako bilib sa kanya?
Alam ko namang pwede akong kumuha ng iba para maging model ko. Pero bakit parang asong ulol ako sa kahahabol sa babaeng ito? Kasi siya kasi ang gusto ko kasi close kami. Tapos kung ibang babae, siguradong magfli-flirt lang iyon sa akin. Kaya ayoko sa iba.
Ang magandang tulad ni Zyra lang ang dapat gawing modelo. Natural ang beauty niya, hindi na kailangan pa ng maraming editing.
Ayos makabanat, Zac. 'Di mo naman masabi sa personal.
"Sige na naman, Zy. Ngayon nga lang ako humingi ng favor sa'yo, tatangihan mo pa."
"Ayoko nga! Magalit ka na sa akin. My answer is final and it's a big no." Sumakay na siya sa big bike niya at mabilis na umalis.
"Kairita naman! Ang tigas talaga ng babaeng 'yon! Pasalamat pa nga siya't siya ang kinuha kong model. Ang iba nga ay nagkakadarapa na sa pamimilit na kunin ko. Hays! No choice. Iyon nalang ang gagamitin ko."
Pumunta na rin ako sa kotse ko. Isa pa ito sa nakakainis, hindi na kami laging sabay ni Zyra sa pag-uwi. Ewan ko sa babaeng iyon. Mapalapit lang ako, parang napapaso at agad lalayo.
May gusto yata sa akin 'yon e!
Kabobohan. Imposible yata iyon. Kasing impossible ng pagkulay blue ng ilaw ng buwan.
"Blue moon exist. Tss! Makaalis na nga."
Shin's POV
♡ ♡ Z-Y-R-A ♥♥ Z-E-E ♥♥ Z-A-I-N ♡♡
"Argh!" Naitiklop ko bigla ang notebook ko.
Bullshit! Ilang notebook na ba ang nasulatan ko na puro pangalan ni Zee ang nakasulat? Nahihibang na talaga ako. Ang babaduy na ng mga pinaggagawa ko.
Aaminin kong nagawa ko na ang FLAMES na ginagawa ng karamihan at iba pang mga kaartihan. Nagdrawing na rin ako ng couple na nakaholding hands tapos may ShinZee na nakasulat sa damit nila. Couple shirt kung baga.
"You're making me crazy, Zee," bulong ko sa hangin at tumayo. Lalabas muna ako para makapag-isip. Para makaalis na rin itong masamang hangin na nakapasok yata sa utak ko.
Nakatanaw na ako kabilang building nang biglang may tumama sa mukha.
"Shit! Who owns this fucking paper?"
Naiirita kung kinuha ang tumilapong papel sa mukha ko. Itatapon ko na sana nang may nakasulat doon na kumuha sa atensyon ko.
"A cute sign of being in love is when you are holding a pen and you always find yourself writing her name—Anak ng tuknining! Kung makapagpatama naman ito, sapol sa puso e!"
Naiinis na tinapon ko ang papel sa basurahan at pumasok na ulit sa room. Pero laking gulat ko nang...
Wala na ang notebook ko!
"Damn it! Sinong kumuha ng notebook ko?!"
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...