SIXTY-TWO

12 1 0
                                    

Zac's POV

"Ano bang pag-uusapan natin, iho?" nakangiting tanong sa akin ni Aling Belen, katabi niya ang asawa. Hindi ko agad siya sinagot at ngumiti lang muna.

"Ako po si Zac. Zac Ken Rain," pakilala ko kay Mang Danny. Ito ang una naming pagkikita kaya siguro ay nagtataka siya kung sino ako. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. Marahil ay may bigla siyang naalala.

"Nakwento ka na sa amin ng anak ko, kaya kilala ka na namin," sagot naman ni Aling Belen. Ngumiti naman ako ulit bilang tugon.

"Anong kailangan mo sa amin?" Matigas ang tono mg boses ni Mang Danny.

"May itatanong lang po sana ako... tungkol kay Razy."

Biglang natigilan ang dalawang matanda at sabay na napatingin sa isa't isa.

"B-Bakit?" tanong ni Aling Belen.

"Kilala ko siya," direkta at seryosong sagot ko.

"Anong ibig mong sabihin, iho? Nagkakilala ba kayo ng anak ko noong nasa lungsod pa siya?" nakangiting tanong ng babaeng matanda. Mahilig akong mag-obserba ng kilos. At napansin ko ang uneasiness ng ngiti niya.

"Oo."

Bigla siyang namutla. Akala niya siguro na sasagutin ko siya ng 'hindi'. Pinipigilan ko naman ang sarili kong sumbatan agad sila. I'm here to know the truth.

"Diretsohin mo nga kami. Ano ba talaga ang gusto mong ipahiwatig?"

Tiningnan ko si Mang Danny, mata sa mata. May nakita akong galit, pero hindi rin nakaligtas sa akin ang pag-aalala nito.

"Anak niyo ba talaga si Razy?" I asked them directly again. Natigilan sila. Nagkatinginan ulit.

"A-Anong klasing tanong ba 'yan?" nagugulohang tanong ni Aling Belen.

"Bakit hindi niyo nalang po sagutin ang tanong ko?" mahinahon kong tanong sa kanila. Nahihirapan akong sabihin ang lahat, ang mga katanungan na gusto kong malaman ang sagot.

"Hindi ka namin maintindihan, iho," ayon ni Aling Belen. Kinabahan ako. Unti-unting nababawasan ang pag-asa ko.

Maniniwala na sana akong wala talaga siyang maintindihan sa sinabi  ko nang mapansin ko ang pag-iwas niya ng tingin. Hindi na niya magawang tignan ako. At tanda ito na may tinatago nga silang lihim.

"Hindi ko alam kung paano siya napunta sa inyo. Kung bakit tinago niyo ang totoo. Gusto ko lang namang malaman na siya... at ang Zyra na kilala ko... ay iisa."

Biglang napatayo si Mang Danny, kasabay ng pagkuyom ng kamao nito. Hindi naman nakaimik si Aling Belen, pero nakita ko ang panginginig ng kamay at labi niya.

"Walang patutungohan ang usapang ito," saad ng lalaking matanda.

"PAKIUSAP... SABIHIN NIYO SA AKIN ANG TOTOO!"

Lumuhod ako sa harapan nila. Hindi ko na napagilan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata ko. Ayoko ng patagalin pa ang paghihirap kong ito. Gusto kong sabihin na nila na "oo" kung anak talaga nila si Razy. Pero hindi nila sinasagot ang tanong ko.

"Tumayo ka diyan," Mang Danny commmanded seriously.

"Ibalik niyo siya sa akin," I pleaded.

"A-Anong p-problema d-dito?" Biglang pumasok si Razy. Nagtataka kung bakit ganito ang madatnan niyang pangyayari. Gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat. Gusto ko na siyang lapitan at mayakap muli. Nilapitan ni Myla. May pag-aalala sa mukha niya.

"Razy. Pumasok ka sa kwarto," maawtoridad na utos ni Mang Danny.

"No! She need to know the truth!" mabilis na pigil ko.

"Razy! Pumasok ka na sa kwarto mo!"

"AYOKO!" balik sigaw ni Razy.

"Anak, makinig ka muna," humihikbing sabi ng nanay niya.

"ANO BANG NANGYAYARI DITO? ANO BA ANG DAPAT KONG MALAMAN? SABIHIN NIYO SA AKIN!"

Akmang lalapitan ko na si Razy, pero agad akong pinigilan ni Myla. Malungkot ang mga matang may luha na tumingin ako sa kanya. Binigyan niya ako ng iling.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming lima. Napapikit ako para pahupain ang bigat ng dibdib ko. I need to compose myself para makapag-isip ako ng maayos.

"Razy... Wala ka pa ring naaalala di ba?" basag ni Myla sa katahimikan.

"Huwag kang makialam dito, Myla," nagbabantang saad ni Mang Danny. Natahimik naman ulit ang katabi ko. Narinig ko ang mahina niyang paghikbi. Gusto niyang magsalita pero natatakot siya.

"Myla, magsalita ka," biglang sabi ni Razy.

"Huwag kang maniwala sa kanila, Razy!" sita naman ni Mang Danny sa kanya.

"Sabihin mo lahat ng alam mo, Myla."

"Anak, itigil mo na 'yan!"

"Pakiusap Tay, hayaan mong marinig ko ang gusto niyang sabihin, hayaan mong malaman ko ang totoo sa kabila ng lahat ng kasinungalingang pinaniniwalaan ko!"

There... she finally said it. Alam kong matalino siya. Mabilis niyang nakuha ang nangyayari.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon