FORTY-SIX

42 5 0
                                    

Zyra's POV

"Zee, calm down," sita ni Shin sa akin. Kanina pa kasi ako hindi mapakali habang naghihintay sa labas ng ER.

"Where is my son?" tanong ng kararating lang na si Tita Keely. Kasama niya ang Dad ni Zac at ang parents ko.

"Nasa ER pa po, Tita," sagot ni Yong.

"Oh my God." Napahawak ito sa dibdib at pina-upo naman agad siya ni Tito.

Tumingin ang Mom ni Zac sa akin. I know she's nice but hindi maganda ang last encounter namin. Parang ayaw niya sa akin at mukhang... mas pa ngayon.

"Ano na pong nangyari sa Arena, Tito?" tanong ni Casper sa Dad ko.

Flashback...

"ZAC!"

Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang napabitaw mula sa pagkayakap sa akin. Parang napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ang nakabulagta niyang katawan at may dumaloy na dugo sa sahig.

"Dalhin niyo siya agad sa hospital!" sigaw ng kapapasok na apat na tao.

Agad namang binuhat nila Shin si Zac habang inakay naman ako ni Yong dahil sa hindi pa rin ako tumitinag sa kinatatayuan ko.

"Princess, kami na ang bahala dito. Just bring Zac to the hospital fast before it's too late," sabi ng Dad ko.

Nagising ako sa realidad at mabilis na sinundan sina Shin. Hindi ko alam kung bakit may ambulansya na sa labas. Maaaring mga magulang namin ang nagpadala nito. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at pumasok na sa ambulansya. Inasikaso na si Zac habang hawak-hawak ko siya sa kamay.

"Zac, please hold on," I kissed his forehead sabay patak ng mga luha ko.

Flashback end...

"Naipakulong na namin ang bumaril kay Zac. At nabalaan na rin ang ibang gangster kung ayaw nilang ma-expel sa society," kwento ng Dad ni Zac.

"And we made only one rule, no killing. Dahil nga gangster tayo, pwede ang risbakan, awayan, bugbugan, basta ba walang patayang magaganap," dagdag naman ni Mom.

Right. Sila ang dumating kanina para e-rescue kami. Nang sabihin ko sa kanila ang totoo ay nalaman ko rin ang tinatago nilang sekreto.

My parents, Zac' parents are gangster seniors pala namin. And fortunately, they are one of the secret owners of the Arena. Sila rin pala ang nasa hidden top one rank. Ibig sabihin, rank two lang kami.

"Sinong guardian ng patient?"

Agad akong napatayo ng lumabas sa ER ang doctor.

"I'm his Mom. How's my son? Is he okay now?" sunod-sunod na tanong ni Tita Kelly habang nakaagapay naman sa kanya si Tito. Tumingin pa siya sa akin habang umiiyak. Is she blaming me?

"I did my best to save him."

Napasinghap kaming lahat at napapigil ng hininga.

"And the operation is successful. He's fine, you can visit him now."

Napaiyak ako sa tuwa at niyakap si Mommy. Tangnang doktor iyon, pinakaba kami. Agad na kaming pumasok sa private room na pinagdalhan kay Zac.

Natutulog pa siya na nakatagilid. May binda ang may likuran niya malapit sa balikat.

Nalagyan na rin ng gamot ang mga natamong sugat ng tropa. Si Casper ay may daplis sa tagiliran, sina Shin, Yong, at Takuya ay may cuts sa mukha at braso.

"Princess, umuwi muna tayo para makapagpahinga ka. Bumalik ka nalang bukas," aya sa akin ni Mom.

Napatingin ako kay Tita Kelly. Nakatingin rin pala siya sa akin at agad nag-iwas ng tingin.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon