THIRTY-FIVE

46 4 0
                                    

Zac's POV

Agad akong bumalik sa school para makasama ulit si Zyra at para matuloy ang plano namin kanina. Wala siya sa classroom kaya naisip ko na baka nasa mini park siya at agad na akong pumunta doon.

"Zee... Sana sa pag-iyak kong 'to, malaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin. Sana sa pagpatak ng luha ko, malaman mong hindi na ako masaya.
Sana sa bawat oras na hindi kita kasama, naramdaman mong miss na miss na kita. At sana... sa bawat pagseselos ko kapag kasama mo si Zac, napansin mo. Ang inis ko, ang luha kong 'to, ang kilos ko... iyon lang ang paraan ko para ipaalam sa'yo na sobrang mahal kita, Zee!"

Hindi ko inaasahan na ganitong eksena ang babalikan ko. Ang makitang nagtatapat ng damdamin si Shin sa babaeng...

Minamahal ko rin.

"Shin... B-Bakit? P-Paano?" tanong ni Zyra. Umiiyak din siya. At nasasaktan akong makitang nagkakaganyan siya.

"Matagal na kitang sinusubaybayan noong highschool pa tayo. Akala ko... nagka-interest lang ako kasi napaka-misteryosa mo. Pero hindi ko inakalang puso ko pala ang nagka interest sa'yo at hindi ang isip ko. Kinilala kita at naging kaibigan. Kaya akala ko, okay na ang lahat. Pwede na akong umamin... pero hindi ko magawa dahil natatakot akong masira ang pagkakaibigan natin kung sakaling hindi tayo pareho ng nararamdaman."

Ang baduy pakinggan pero alam kong galing sa puso talaga ang mga sinasabi ni Shin. Una palang... napansin ko nang iba ang klasi ng tingin niya kay Zyra. It was more than friends.

"Sinubukan kong pigilan. Pero... habang tumatagal, mas tumitindi ang feelings ko para sa'yo. Ano pang magagawa ko? Mahal ka talaga ng puso ko."

Tumingin si Shin kay Zyra at nagpunas ng luha. Mukha siyang bakla. Pero hindi ko magawang tumawa dahil naiiyak na rin ako.

Wala pa ring imik si Zyra. Napayuko lang siya at patuloy sa pag-iyak.

She looks very soft. Kung pwede lang sanang sumugod ako para punasan ang luha niya, yakapin at patahanin siya para maalis ang sakit na nararamdaman niya... kanina ko pa ginawa. Pero hindi pwede. I respect Shin. May karapatan siyang ipaalam kay Zyra ang feelings niya.

"I know, I look stupid for being so in love with you. Nakita mo naman ang mga notebook ko. But I swear, this stupidity is what makes me happy."

Lumapit si Shin kay Zyra. Hinawakan niya ang kamay ni Zy, pinahid ang luha... Shit! Kakaisip ko lang niyan!

What the hell I am doing? Bakit patuloy pa rin akong nagmamasid dito? Hindi ako masokista.

"Siguro... Oras na para matahimik sa kakatanong itong puso ko," sabi ni Shin at itinaas ang mukha ni Zyra mula sa pagkakayuko.

Ano Zac, kaya pa ba? Makikinig ka pa rin ba?

Ito na ang kinakatakotan ko... Ang malaman rin ang sagot niya....

"Zee, mahal mo rin ba ako?"

Matagal na katahimikan ang lumipas. Kasabay rin ng biglang pagtigil ng tibok ng puso ko.

"Shin, mahal kita..."

Para yatang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Hindi naman yata ako nagkakamali ng dinig, 'di ba?

Zac. Iyan na ang hudyat para matauhan ka. Kaya kasing bilis ng pagpatak ng luha ko ang aking pag-alis.

"Ang bobo mo kasi. Sinabi ng umalis, ang tagal tuminag. Naghahanap ka naman ng sakit sa puso kaya ayan ang napala mo," sita ko sa sarili ko habang papalabas ng campus. May nabubunggo pa nga ako pero wala akong pakialam.

"Anong akala mo? Na ikaw ang mamahalin niya? Ulol! Matagal na silang magkaibigan, mas matagal nagkasama kaya wala kang laban doon. Nerd ka pa noong nakilala niya, ano pang inaasahan mo?"

Hays! I'm crazy. Kinakausap ko na ang sarili ko.

"Sino ba pwedeng masabihan ng problema?" tanong ko habang nagda-drive na paalis. Ganito pala talaga kapag problematic, nagsasalita ng mag-isa.

"Shine... I need you now," bigla kong nasambit.

Casper's POV

"Oh, ano ng nangyayari? Okay na ba sila?" tanong ni Takuya.

Nasa may halamanan kami at nakatago. Kanina pa kami nakamasid sa drama nina Shin at Boss. Heto nga at may pop-corn pa akong kinakain.

"Sshhh... Huwag ka na ngang dumaldal, Takuya. Ang likot-likot mo pa! Mabubuko tayo nito e!" inis na sita ni Yong.

Nasa unahan kasi ako tapos nakasunod si Yong at nasa hulihan naman si Takuya.

"Bahala na nga kayo diyan. Basta ako, excited ng malaman ang resulta ng ginawa natin," masiglang saad ko sabay subo ng pagkain.

"Aish! Bakit ba naman kasi nandito tayo? Ang daming harang na halaman tapos 'di pa halos marinig ang pag-uusap nila! Doon kaya tayo sa mas malapit?" maktol na naman ni Takuya.

"Tsk! Kung doon tayo sa malapit, siguradong makikita tayo at mabubuking sa ginawang plano natin. Pwedeng tumahimik ka nalang, Takuya?" sita ulit ni Yong.

Psh. Panira ng moment naman ang mga gagong ito. Kita na ngang seryoso ako sa panunuod dito.

"Oh! Kita niyo nga naman. Ngayon ko lang nakita na umiyak ng todo si Boss. Tingnan niyo rin si Shin! Ang baduy, umiiyak na rin siya."

Nakisali na rin sa huli ang dalawa sa panunuod at hindi na nag-comment. First time kasi itong may ganitong pangyayari sa buhay namin.

Puro kalokohan, bugbogan, at seryosohan minsan lang ang nakasanayan namin. Wala sa vocabulary namin ang drama-drama na iyan. Pero talagang hindi maiiwasan ang ganitong kadramahan sa buhay.

Luma-lovelife na rin pala itong mga kasama ko. Mabuti pa ako, enjoy lang sa pagiging poging single.

"Aray!" Pucha! Pati ba naman langgam natamaan ng kamandag ko? Tsk!

Pagkatapos kung paalisin ang malanding langgam na kumagat sa kamay ko ay agad kung ibinalik ang paningin sa dalawa na tila nagsho-shooting ng telenovela.

Pero iba ang nakita ng mga mata ko at hindi ko siya inaasahan.

"Look! Si Zac 'yon, 'di ba?" turo ko sa papalayong lalaki.

"Oo nga no? Teyka—" Hindi na natapos ni Takuya ang gusto niyang sabihin nang magsalita si Yong.

"Ibig sabihin, narinig niya ang pag-uusap nila Shin at Boss. Kung bigla man siyang umalis, siguro ay may narinig siyang hindi niya nagustohan."

Nagkatinginan kaming tatlo at alam ko na iisa lang ang iniisip namin.

Sa totoo lang ay inaakala namin na si Zac ang nagugustohan ni Boss. Iba kasi ang dating ni Zac sa kanya. May mga kilos siya na bigla nalang nagbago ng makilala niya si Zac. Matagal na niya kaming kasama pero ang hirap tibagin ng pader ni Boss. But Zac easily broke the wall between them.

Isa pa, aware na kaming kaibigan lang ang tingin ni Boss kay Shin. Kaya nga namin ginagawa ito upang magkaalaman na. Para hindi na tuloyan pang umasa ang gago.

Pero...

"Ano ba talagang nangyari?" naguguluhan kong tanong.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon