Zyra's POV
Bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi na ako galit. Hindi na rin ako nagtatampo. Pero bakit ayaw ko pa ring kausapin si Zac? Bakit hindi ko kayang harapin siya?
Tok! Tok! Tok!
"Anak? Si Mama mo 'to. Nakaalis na si Zac kaya pwede mo ng buksan ang pinto."
Agad akong bumangon at pinagbuksan si Mama. Nabungaran ko siyang may dalang isang box na medyo sira na.
"Ano po 'yang dala niyo?"
Hindi siya sumagot pero pumasok siya sa kwarto ko. Umupo siya sa gilid ng kama kaya napasunod nalang ako at tumabi sa kanya.
"Ngayon ko lang rin ito natandaan. Bigay 'to ni Belen. Hawak mo raw ito ng makita ka noon ni Danny."
May pag-aalinlangang tinanggap ko iyon. Pakiramdam ko kasi, may kinalaman ito sa aking nakaraan. Maaaring makatulong sa akin ang bagay na 'to upang makaalala ulit.
"Hindi ko na pinakialaman 'yan. Ikaw na ang bahalang tingnan kung ano ang laman. Pero sa tingin ko anak, iyan sana ang regalo mo kay Zac sa birthday niya." Ngumiti si Mama sa akin at hinaplos ang aking buhok.
"Ito lang ang mapapayo ko sa'yo, may rason ang lahat ng pangyayari. Kaya alam ko na iyon din ang dahilan kung bakit nagawa ni Zac na huwag aminin sa'yo ang totoo. Sa aking opinyon, mas nasasaktan siya ngayon kaysa sa'yo."
Malungkot akong ngumiti at niyakap naman ako ni Mama. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa napagtanto kong tama siya, na hindi lang ako ang nasaktan, mas nasasaktan pa si Zac.
"Oh siya, aalis muna kami ng Papa mo. Bibisita lang kami sa ZP."
"Sige po."
Hinalikan niya muna ako sa noo bago tuloyang umalis. Nabaling naman ang atensyon ko sa hawak na box. Yari ito sa makapal na karton kaya hindi tuloyang napunit ng mabasa ito. Base sa kwento nila, malapit sa ilog nabunggo ang kotseng sinakyan ko. Kaya maaaring nakatalon ako sa ilog at napunta sa truck ni Tay Danny.
Binuksan ko ang box. Tumambad sa akin ang isang photo album na nakabalot sa isang asul na plastic na may design pang mga hugis puso. Napangiti ako at nagsimulang buklatin ito.
"This is me and him."
Puno ng mga larawan namin ni Zac ang nasa album. Nagsimula sa naka-jumper at glasses na lalaki at walang emosyon na mukha ng babae. Hanggang sa nag-iba ang ayos ni Zac, na katulad ng anyo niya ngayon. Nakangiti na ako habang katabi siya sa mga larawan. Mayroon pang, magkahawak kami ng kamay at tila nahihiya pa. Mayroon ring magkayakap at nakahalik ako sa kanyang pisngi habang pulang-pula naman siya.
Sa pagbuklat ng mga pahina, sumabay ang agos ng aking mga luha na tuloy-tuloy ang pagbagsak. Nakikita ko ang saya sa aking mga mata at mukha sa mga larawan na kasama ko siya. Nararamdaman ko rin ang pagtibok ng aking puso sa lalaking naiisip ko ngayon.
"Zac. Zac-ko."
Unti-unting may mga ala-ala na bumalik sa aking isipan. Parang ipo-ipong nag-replay lahat iyon sa utak ko. Naging dahilan iyon ng pagbigat ng ulo ko kaya napasigaw ako sa sobrang sakit. Parang nabibiyak ang ulo ko.
"Zyra?! Anong nangyayari sa'yo?!" natatarantang tanong ni Nay Ellen na nagmamadaling lumapit sa akin.
Hindi ko siya sinagot at patuloy lang sa pagsigaw. Hanggang sa unti-unting lumabo ang paningin ko.
...
Napabalikwas ako ng bangon. Parang nanggaling ako sa napakahabang panaginip. Hanggang sa naramdaman ko ang bigat ng katawan ko.
"Mabuti't gising ka na. Kumusta ang pakiramdam mo?" Napatingin ako sa babaeng nasa aking tabi.
Nay Ellen?
"Pasalamat ka't may family doctor na kayo. Mahihirapan pa naman akong dalhin ka sa ospital. Alam mo bang sobrang nataranta ako?"
Hindi ako umimik at patuloy lang siyang pinagmamasdan. Pakiramdam ko ay matagal kaming nagkawalay at miss na miss ko na siya.
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo? Tatawagan ko muna si Dr. Cruz. Teyka—gutom ka na? Hindi ka na nakakain ng dinner kahapon. Malapit na ring magtanghalian ngayon. Ah, mabuti pa'y kumain ka muna—"
Bigla kong niyakap si Nay Ellen ng napakahigpit. Alam kong nagulat siya pero niyakap niya rin ako pabalik.
"Na-miss ko po kayo ng sobra," sabi ko sa kanya pagbitaw ko.
"H-Huwag mong sabihing..."
"Naaalala ko na po ang lahat!" masayang saad ko. Pareho pa kaming napaiyak sa tuwa. Niyakap niya ako ulit.
"Si Zac. Kailangan ko siyang puntahan!" biglang sambit ko.
"Sorry, Princess, but he's not here anymore."
Sabay kaming napatingin sa Mommy at Daddy ko na naluluhang lumalapit sa amin. Agad ko silang sinalubong ng yakap.
"Where is he?"
"Japan," Daddy answered.
"W-What is he doing there?" nagugulohan kong tanong.
"Staying away from you," sagot naman ni Mommy.
Napayuko ako sa narinig. Nasaktan ako sa nalamang lumayo siya sa akin. Bakit ngayon pang natatandaan ko na ang nakaraan ko, ang nakaraan namin?
"Gusto mo ba siyang sundan?"
Mabilis akong napalingon kay Daddy. May ngiti sa kanilang mga labi habang nakatingin sa akin. Nahihiyang napayuko naman ako.
"K-Kung papayagan niyo po ako."
...
Nandito na ako sa loob ng eroplano papuntang Japan. Kinakabahan ako dahil ako lang mag-isa. Gusto sana akong samahan ni Ate Xyla pero umayaw ako. Bumibigat lang ang loob ko sa tuwing sinasabi niya sa akin ang mga nangyari kay Zac noong nawala ako. Nako-konsensya ako sa naging turing ko sa kanya nitong mga nakaraang araw.
"Sana lang maging okay na ang lahat," mahinang bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano. Kitang-kita ko ang makakapal na ulap na tila mga bulak na kay sarap hawakan.
Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Zac. Nahihiya ako. Paano kapag matutulala lang ako kapag nakaharap ko na siya? Pero sa tingin ko, mayayakap ko agad siya dahil miss na miss ko na siya. Paano kapag mailang siya sa akin? Naninibago daw siya sa kinikilos ko e.
"Naku naman, Zyra! Think positive. Swallow your pride and your shyness. Do it for, Zac. Dapat kang makabawi sa kanya."
Napalingon sa akin ang katabi kong babae nang mapansin niyang sinabunotan ko ang sarili ko. She looked at me like I was the weirdest person she had ever seen. I immediately looked away and closed my eyes. Mabuti pa ay itulog ko nalang ito.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...
