Zyra's POV
"Zyra!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kanina ko pa siya hinihintay dito sa labas ng building namin pero ngayon lang siya dumating.
"Oh, ano na naman?" Kunyare galit ako. Tsk. May nalalaman na akong kaartihan.
"Ang sungit naman! Salamat po sa magandang bati ah?" sagot niya sabay akmang aalis.
"Uy, teyka lang! OA naman nito. Hindi ka na nasanay sa kasungitan ko," pigil ko sa kanya.
Grr. Kasasabi ko lang na hinintay ko siya tapos ngayon aalis na naman? Ang sarap niyang ipasok sa bulsa!
"Ikaw naman kasi, e! Yayayain pa naman sana kitang kumain ng icecream. Wala daw kasing pasok dahil may emergency meeting ang mga teachers." Nag-pout pa ang loko. Sarap lang hambalusin ng walis e!
"Ganun ba? Hindi mo naman kasi sinabi agad. Oh, ano ? Alis na tayo! Libre mo ha?" nakangisi kong sabi.
Teyka nga... Paglalambing ba 'tong ginagawa ko? Damn! Nevermind.
Hinila ko nalang siya para makaalis agad kami. Pero napatigil ako ng hindi siya tuminag. Nakatulala lang siya habang titig na titig sa akin.
"Hoy! Anong kabaliwan naman 'yan?" hampas ko sa balikat niya habang natatawa sa inaakto niya.
"Zy, anong pagkakaiba ng ngiti mo sa ngiti ko?" bigla niyang tanong.
"Ha? Hindi kita maintindihan."
"Ikaw, ngumingiti kapag masaya. Ako naman, ngumingiti kapag nakita ka, lalong-lalo na kapag kasama kita."
Nawala bigla ang ngisi ko at napatingin sa kanya. I saw his deep eyes. Para bang hinihigop nito ang kaluluwa ko.
Dugdug. Dugdug.
Tibok ba ng puso ko itong naririnig ko?
I suddenly heard him chuckled. "Nakakatawa naman 'yang itsura mo, Zy! Tayo na nga! Natatakam na ako sa icecream e."
Nahila na ako ni Zac palabas ng University pero hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi niya at sa abnormality na naramdaman ko kanina.
Bigla yatang nawalan ako ng dila at hindi ako makapagsalita. Natahimik rin si Zac sa tabi ko habang naglalakad kami.
Iniisip rin kaya niya ang nasabi niya kanina or baka trip niya lang iyon?
"Ahm..."
Ring! Ring!
Hindi ko na naituloy ang gusto ko sanang itanong nang may tumawag sa kanya.
"Excuse me, Zy. I'll answer this call for a while."
"Sure," sang-ayon ko.
Lumayo siya sa akin at kinausap ang nasa kabilang linya. Nakasunod naman ang tingin ko sa kanya. Ilang sandali lang ay bumalik na rin siya sa tabi ko.
"Zy... Pasensya na. May emergency daw sa bahay e. Kailangan ko munang umuwi."
"Ahh... Ganun ba? Okay."
Ewan. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Disappointed? Maybe. Gusto ko sanang sumama kaso, nahihiya na akong humarap sa Mommy niya. Parang hindi kasi maganda ang first encounter namin.
"Sorry talaga, Zy. Don't worry. Susubukan kung bumalik mamaya."
"Okay lang. At next time nalang siguro, marami pa namang pagkakataon e."
"Sige, mauna na ako. I'm sorry again."
"No worries. Bye, ingat!" Ngumiti pa ako.
"Bye!" Tuloyan na nga siyang umalis at iniwan akong mag-isa.
Gago! Paasa! Tsk!
May paingat-ingat pa akong nalalaman. Kailan pa ako huminhin? Gumising ka, Zyra!
"Boss Z!"
Natigil ako sa akmang pagbalik sa classroom nang may tumawag sa akin.
"Oh, Takuya, Yong, Casper! Long time no see ah? Kumusta naman kayo?"
"Okay lang, Boss. As usual, habulin pa rin ng mga babae," Casper winked.
"Ay, sus! Ang sabihin mo, matakaw ka pa rin!" sabat naman ni Yong sabay batok kay Casper.
"Basta ako, wala ring pinag-iba. Cute na, gwapo pa!" saad ni Takuya na nakatanggap ng dalawang batok mula kay Casper at Yong.
"Tsk! Oo nga. Walang pinagbago, mga sira-ulo pa rin kayo."
"Nagmana sa Boss e!" sabi nilang tatlo.
"Aba't—pagtulongan ba naman ako?"
Sabay na napatawa kaming apat. Na-miss ko ang mga lokong ito. Puro kay Zac nalang yata ang atensyon ko nitong mga nakaraang buwan.
"By the way, where's Shin? Bakit hindi niyo kasama?"
"Speaking of Shin, ito nga pala ang mga notebook niya. Pakibigay nalang, Boss. At pakisabi na rin na nauna na kami." Ibinigay ni Yong sa akin ang tatlong notebook. Pagkatapos ay nag-uunahang tumakbo paalis na ang tatlo.
"Anong problema ng mga 'yon? Tss... Inutusan pa ako!" Napailing na lumakad nalang din ako. Wala akong magawa, hindi ko na napigilan ang mga loko. Naisipan kong pumunta sa mini park sa may likod ng school. Tinatamad akong balikan si Shin sa classroom. Ayaw ko pa din namang umuwi. Wala na naman akong madadatnang ina doon.
"Sa anong subjects naman kaya ni Shin ang mga notebooks na 'to?"
Pagkaupo ko sa bench ay sinimulan ko ring buksan iyon isa-isa.
At....
Tumambad sa paningin ko ang tunay na nararamdaman ni Shin sa akin.
Alam ko na may gusto siya sa akin. Nasabi na niya sa akin iyon noong nalasing siya. Pero....
Hindi ko akalaing ganito niya ako kamahal.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaction ko. Matatawa ba dahil sa ka-corny-han niya? Magagalit dahil hindi pala kaibigan ang turing niya sa akin? Ano ba dapat?
"FLAMES? Mga doodle ng name ko at hearts pa ang design? Marami pang drawings, letterings at love quotes...."
"This other notebook is a diary. Mahal niya ako. Nasasaktan daw siya. Nagseselos na siya. Namimiss niya na ako."
Napasapo ako ng ulo ko. Bigla itong sumakit dahil sa daming ideya na pumasok sa utak ko.
"Damn it! I am this naive? Bakit hindi ko napansin?"
Nag-flashback isa-isa sa isipan ko ang araw na pinagtanggol ko si Zac at nasigawan ko si Shin, ang mga oras na pinapangiti niya ako, ang pagsalubong ng kilay niya at pag-init bigla ng ulo niya kapag may mga lalaking nagfli-flirt sa akin, at ang bawat pagsangga niya sa suntok at tubo na para sana sa akin kapag may laban kami.
Lahat... Lahat ng sacrifices na nagawa niya para sa akin.
"Goodness!" Naiinis na naitapon ko ang mga notebook at nagkalat iyon sa paanan ko.
Ewan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naguguluhan ako! Argh!
"Zee! Mabuti at nandito ka. Nakita mo ba—"
Napatingin ako kay Shin. At nakita ko ang gulat na nakabakas sa mukha niya habang nakatingin sa mga notebook niya.
"Pa-Paano n-napunta sa'yo 'to?" Mabilis niyang kinuha ang mga notebook at inilagay sa bag niya.
"A-Aalis na ako—"
"Shin..." tawag ko sa pangalan niya para pigilan ang pag-alis niya.
Tumigil nga siya pero nanatili siyang nakatalikod sa akin habang nakayuko. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya.
Nasasaktan ako...
"Gusto mo bang malaman ang totoo?" tanong niya at unti-unting humarap sa akin.
Umiiyak siya.
"Shin."
Lalapit sana ako sa kanya pero nag-step back siya. Hindi ko alam kong makakayanan kong makita ang mga mata niya ngayon.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...