Zyra's POV
Tsk! Mga gagong iyon. Pinagtulongan ako kahapon. Pinipilit nila sa akin na may gusto daw ako kay Zac. Tss...
Gusto? Huh! Hindi pa yata naging color blue ang uwak.
"Bakit wala pa kaya siya?"
Nagtatanong lang ako. Syempre, classmate kami kaya nag-aalala ako. Psh!
Lumabas nalang ako sa room baka makita ko pa siya sa labas. Anak ng kambing na may bangs!
"Uy, teyka! Zac!" Nakangiting kumaway ako sa paparating na si Zac.
Nasa magkabilang bulsa ang mga kamay niya. Seryosong tumingin lang siya sa akin at iyon lang.
"Tss... Gago iyon ah!"
Kaasar! Nilagpasan ako ng loko. Naiinis na tiningnan ko lang siya na papaalis. Hindi siya pumasok sa room namin.
"May amnesia yata 'yon! Dito kaya ang room niya!" Nasipa ko nalang ang pinto ng classroom dahil sa inis.
Paglingon ko ay nakita kong papunta ang barkada sa kinaruruonan ko.
"Uy! Ano—"
Bwesit! Nilagpasan lang rin ako ng mga gago! Grrr! Ano bang problema nila?! Bakit hindi nila ako pinapansin?
Nagngingitngit na nakasunod lang ang tingin ko sa kanilang pag-alis. Nakasunod sila sa dinaanan ni Zac.
"Kaasar! Bahala na nga kayo sa buhay niyo!"
Naiiritang kinuha ko ang bag ko at muling lumabas. Uuwi nalang ako sa bahay at matulog.
"Kaiinis talaga!"
Pinatakbo ko ng mabilis ang bigbike ko. Napituhan pa nga ako ng guard pero wala akong pikialam!
"Sinusumpa ko na ang Zac na 'yon! Kapal ng mukha niya! Siya na nga 'tong pinapansin tapos nag-iinarte pa! Argh!" Mas hinigpitan ko ang hawak ko sa motor kaya mas bumilis pa ang takbo ko.
"Nagyayabang siguro 'yon dahil gwapo siya at marami ng naghahabol sa kanya! Eh noong nerd pa siya? Ako lang naman ang pumapansin sa kanya ah! Ay teyka, iyong bwesit na Mica rin pala. Kainis!"
Ewan ko! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Hindi ako ito tangna Damn it! 'Di ko na kilala sarili ko! 'Di ko na makontrol ang kinikilos ko!
At dahil iyon sa pesting Nerd na iyon!
Bumilis ulit ang takbo ng motor ko. Kasing galit ng amo ang bilis ng takbo ng motor ko. Kaya tuloy, agad akong nakarating sa bahay.
Awtomatikong bumukas ang gate namin pagdating ko. Agad ko namang pinarada ang sasakyan ko at mabilis na umibis matapos ilagay ang helmet sa ibabaw ng motor.
"Nay Ellen ! May makakain po ba?" sigaw ko kahit kakapasok ko palang sa pintuan. Napatingin ako sa may hagdan ng mapansin kong may bumababa doon.
Bigla yatang naging yelo ang pakiramdam ko sa paligid. Habang nag-aapoy naman ang rumaragasa sa ulo ko.
"What the heck?!" Nanglilisik ang mga mata kong nakatingin sa dalawang tao.
"Princess..."
Nandito siya. Bumalik siya.
"Damn it! Don't call me like that!" sigaw ko at tumingin kay Mommy na may halong katanungan sa mga mata ko. Napayuko lang siya at nakita ko ang kanyang pag-iyak.
Damn! What an actress! Bullshit!
"Zyra, princess..." tawag na naman niya sa akin na mas kinainis ko.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...