FIVE

170 5 0
                                    

Zac's POV

Ayan na siya! I need to escape!

Tumakbo agad ako palabas ng gate. Hinahabol niya naman ako. Wow! Ang haba ng buhok ko, hinahabol ako ng crush ko. Ay teyka! Hindi ito oras ng biruan, oras ito ng takbuhan!

Lumiko ako sa may kanan kaya napaikot lang kami sa labas ng school. Hanggang sa nakita ko na ang back gate at pumasok ako ulit. Siguradong mahihirapan na siyang makita ako dahil sa dami ng studyante. Ang talino ko talaga!

"Ay, kawawa ang pusa."

May namataan akong pusa at wala sa sariling tumigil ako at kinuha ito. Kawawa naman si Mingming. Ang ganda pa naman ng kulay niya. Parang dalmatian.

"Gotcha!"

I suddenly froze. Umiiral na naman ang katangahan mo, Zac! May humahabol pa pala sa akin. Patay ako kay Ms. Gandang Sungit. Napapikit ako at nanginginig na humarap sa kanya.

"Ehh... B-Bakit po?"

Nakatukod ang kamay niya sa kanyang tuhod. Hinihingal siya sa pagod. Pero ang ganda niya pa rin kahit pawis na pawis siya. Nagslo-slow motion siya sa paningin ko. Para ring napapalibutan siya ng ilaw kahit patakip-silim naman.

"WAG MO AKONG POPOIN! PAPATAYIN NA KITANG NERD KA! PINAGOD MO AKO SA KAKAHABOL SA'YO!"

"Sinabi ko ba sayong habulin mo ako?" lakas loob kong sagot. Nang makita kong pagod pa rin siya, naisipan kong tumakas. Pero mabilis niyang nahawakan ang bag ko. Is she a ninja? I'm dead!

"At saan ka pupunta?!"

"A-Ano ba kasing kasalanan k-ko sa'yo?"

"Nakita mo akong naka-shorts!" pasigaw na sagot niya sabay iwas ng tingin. Napangisi naman ako. Ang cute niya kasi.

"Iyon lang?" I teased.

Namula ang mukha niya. Ang cute talaga! Ay! Ang cute nga ng tigre. Kung nakakamatay lang ang tingin, nakahandusay na ako ngayon. Ang bilis talagang mag-iba ng aura niya.

"Ito tandaan mong Nerd ka… 'Wag na 'wag mong sasabihin na nagkakilala na tayo. Huwag mo rin akong sagut-sagutin dahil sa susunod, hindi na ako magdadalawang-isip na balian ka ng buto! Maliwanag?!"

Napatingin ako sa mga mata niya at malungkot na ngumiti. Natatakot pala siyang malaman ng ibang tao na nagkakilala kami. Oo nga naman 'no? Sino bang gustong magkaroon ng link sa isang tulad ko?

Akala ko pa naman iba siya. Kahit na masungit siya, pinagtanggol niya parin ako sa mga mukhang baboy-ramo doon sa locker room. Naniwala akong may tinatago siyang kabaitan. Pero... isang walang kwentang nerd nga lang pala ako at siya naman ay kilala bilang isa sa pinakasikat na babae sa school. Boss at prinsesa nga siya kung ituring ng lahat.

"Okay ba. Wala rin naman akong planong ipagkalat 'yon, eh." I gave her a sly smile. "Sorry, ah? Sa susunod iiwas na ako sa'yo."

Anak ng manok naman, oh! Naiiyak ako! Ang hina ko talaga! Kaya bago pa man ako mas lalong magmukhang ewan sa harap niya ay agad na akong umalis.

"Zee, anong ginagawa mo dito? Uy, sino 'yon? Si Nerd?" Narinig kong tanong ng lalaking dumating. Isa sa mga kaibigan niya. Si Shin yata? Basta, 'yong koreanong hilaw.

"Ah, nakasalubong ko lang. Tayo na nga, 'wag mo ng pakialaman ang walang kwentang 'yon!"

Narinig ko ang huling sinabi niya. At mabilis akong tumakbo palayo. Naninikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ng sobra. Sa buong buhay ko sanay na akong tawagin ng gano'n. Pero bakit kapag galing sa kanya, ang sakit sa pakiramdam?

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon