Myla's POV
"T-Tungkol kay Razy? Bakit?" nagugulohan kong tanong kasabay ng pagbilis ng tambol ng puso ko. Na para bang alam nito na hindi ko magugustohan ang isasagot niya.
"I want to know more about her."
"A-Anong gusto mong malaman tungkol sa kanya?"
"Everything."
Natahimik ako habang nakatitig sa kanya. He's also staring at me. I can't read him, I don't know what he's thinking. All I can see in his eyes is determination.
Determination to know Razy?
"M-May gusto ka ba sa kaibigan ko?" I asked him directly. Alam kong nagpunta dito si Razy kahapon. At hindi ko lubos maisip na sa ikalawang pagkikita nila, nahulog agad ang loob ni Ken sa kanya. Nakapagtataka.
"Just—Just tell me things about her. Please?"
Nagmamakaawa siya. Napakaimportante ba talaga para sa kanya na malaman ang buong pagkatao ni Razy? Bakit?
"Gaano ba ito kahalaga sa'yo?"
"As precious as my life. Parang buhay ko ang pag-uusapan natin dito."
Mas lalo akong nagulohan. Bakit? Bakit ganyan siya makapagsalita? Sino ba si Razy para sa kanya?
"I had a girlfriend. She died in a car accident two years ago, the day that I supposedly asking her to marry me."
Nabigla ako sa sinabi niya. Now, I can see how hurt he is. At para bang nararamdaman ko rin ang sakit na tinitiis niya.
"A-Ano namang kinalaman ni Razy?"
"They look the same. Totally the same... but with different characters."
Kaya pala. Kaya pala ganoon ang reaction niya sa unang beses na pagkikita nila ni Razy.
"W-What's her name?" I asked him. Nagsisimula ng magpawis ang kamay ko.
"Zyra."
Ang binanggit niya noon. Parang binaliktad lang na pangalan ni Razy.
"Iniisip mo bang, posibleng buhay siya? Na si Razy ang babaeng... papakasalan mo?"
Tumango siya. Tama ang hinala ko. Bakit nasali pa ako sa kwento ng buhay nila? Anong papel ko? Ang hanapin ang bagay na nawala? At ibalik ang dapat nasa may-ari?
"Two years ago. Two years ago ko rin unang nakita si Razy. Nakilala ko siya ng maligaw siya sa palengke. Ang sabi niya... hindi pa daw siya familiar sa lugar namin. Dahil bagong salta pa lang siya. Galing daw siya sa lungsod. Pero dito na daw siya titira kasama ang Nanay at Tatay niya."
Napatingin ako kay Ken. Nakita ko ang pagguhit ng disappointment sa mukha niya. Na may inaasahan pa siyang ibang sasabihin ko.
"Pero may sinabi siyang..."
"Ano?" Agad siyang napatingin sa akin, umaasa ang mga mata niya sa kabila ng pamumutla niya.
"Wala siyang maalala. Pero ang sinabi ng mga magulang niya ang pinaniniwalaan ni Razy."
Nakita ko ang pagbalik ng kulay sa mukha ni Ken. Parang gusto niyang sumigaw sa tuwa. Habang gusto ko namang... maglahi nalang bigla.
Umaasa siya. Umaasa siyang buhay ang babaeng mahal niya.
"Wala na akong ibang alam tungkol sa kanya. Sila Nanay Belen lang ang makakasagot sa lahat ng katanungan mo."
Agad akong tumayo at walang paalam na lumabas. Palabas ng buhay niya.
Bakit ganito? Bakit nasasaktan ako?
Possible bang magkagusto sa taong kakakilala mo lang?
Naku naman! Huwag mong sabihing na love at first sight ako?! 'Di nga?!
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...